Turning Point

2086 Words
Isang gabi habang umiinom ako nakita kong basag ang picture frame ni Lyka. Inalis ko ang picture niya at itinapon sa basurahan ang nasirang frame. Nilinis ko ang picture ni Lyka dahil baka may kunting bubog pa naiwan sa litrato niya. Nabasag ito ng tumama yun unan na ibinato kahapon ng umaga. Tinitigan ko ang litrato niya sabay inom muli ng alak. "Miss na miss na kita Lyka mag tatlong linggo na ang nakalipas since nangyari pinakamalungkot na bahagi ng buhay ko" "Kamusta ka na pala, ako heto di ko pa rin matanggap ang pagkwala mo. Lagi kita naaala ala noong kasama pa kita. Lagi mo ko ipinagluluto ng masarap na pagkain. Lagi kitang tinatanaw na naglilinis ng pool at gazebo. Miss ko na yun pagtatampo, kapag nagagalit ka sakin nag aanyong manika ka at di mo ko pinapansin." Pagkatulo ng luha sa mga mata ko ay agad pinunasan ko it ng palad ko. If there is only thing I could wish is for you to come back to me. Yun lang ang wish ko. Tinitigan kong muli ang picture ni Lyka sabay halik dito. Habang pinagmamasdan ko ang kanyang mukha ay nabaling ang pansin ko sa suot niyang kuwintas. Bigla kong naalala ang kuwintas ni Lyka. Tama ang kuwintas ni Lyka! Nagmamadali ako tumayo at kinalkal ang laman ng cabinet ko kung saan nakatago ang kuwintas ni Lyka. Inalus ko pa ang ilan sa mga damit ko saka hinugot ko ang box na kulay pula. Ito nga ang kuwintas ni Lyka. Ibinibigay nito ang kahit anong hilingin niya. Narinig ko na dati kung paano niya gamitin ito. Minsan hiniling niya na pawiin ang kung anong kakaibang nangyayari sakin nun umuwi akong lasing. Pangalawa nun nada batangas kaming dalawa ginamit niya din sakin ito nang malunod ako. Itinaas ko ang hawak kong kuwintas malapit sa mukha ko. "Now show me what power you have." Tumayo ako sa gitna ng kuwarto ko at humiling ng.... "Ibalik mo sakin si Lyka ngayon din!" Napaawang ang bibig ko sa paglitaw ng liwanag na kulay puti at asul ngunit at pagkatapos ay naglaro ang mga ito sa kuwintas ngunit wala naman nangyari pagkawala ng mga liwanag. "Bakit ganoon walang nangyari? nagliwanag lang ang kuwintas at pagkatapos ay naglaho." Hindi ko masasabi sa sarili kong wala talagang kapangyarihan ang kuwintas the mere fact na nagliwanag siya ng kusa, meaning may kapangyarihan nga talaga ang kuwintas na to. Pero why hindi natupad ang hiling ko, ang ibig bang sabihin nun ay may hindi kayang ibigay ang kuwintas. Kung nagawa ng kuwintas na ito na dalhin si Natalia sa Batangas noong dinakip kami ni Joemar. Bakit hindi magawa ng kuwintas na ito dalhin sakin dito si Lyka. Hindi kaya dahil talaga ngang wala na si Lyka kaya hindi niya tinupad ang hiling ko? Nagpabalik-balik ako sa paglalakad, iniisip ko ang lahat ng mga bagay na nalalaman ko dito sa kuwintas na ito. Isa isa kong inalala at ini-analyze posibleng kasagutan sa mga tanong at theory ko. If there is one matter cannot manifest by means of supernatural, paranormal or even physical science is..... death. Tama ang conclusion ko wala na ngang magagawa ang kahit anong bagay o magic kapag wala na ang isang bagay o tao. Pero bakit habang hawak ko itong kuwintas may kakaiba akong nararamdaman. Hilingin ko kaya sa kuwintas na ito na dalhin ako sa Avarlone at doon ko hilingin na buhayin muli si Lyka. Tama ganoon nga ang gagawin ko, pupuntahan ko si Lyka sa Avarlone. Agad agad akong bumaba galing sa kuwarto at nagtungo sa labas ng bahay. Pupuntahan ko ang malapit na puno kung saan nagbukaa ng magical portal si Natalia ng magpahatid ako sa kanya sa Avarlone. Pagkarating ko sa malapit na puno ay tumayo ako. Nasisilwan ang puwesto ko ng liwanag ng buwan nasa kalagitnaan kasi ako ng malaking compound namain nalalatagan ng bermuda grass. Tama dito yun lugar na yun kung saan nagbukas din sila Lyka ng lagusan. Gagamitin ko itong kuwintas para makapunta ako ng Avarlone. "Kuwintas hinihiling ko na dalhin mo ko sa Avarlone!" Kumislap lamang ang kuwintas dahil nasisilawan ito ng liwanag ng buwan. Bakit ganoon? Wala pa rin nangyari. Walang lumitaw na magical portal pagkahiling ko. "Kuwintas pagbigyan mo naman ang hiling ko, dalhin mo ko sa Avarlone please." Itinapat ko pa ang kuwintas sa lugar kung saan maaring magkaroon ng magical portal. Ngunit gaya ng mga nauna kong mga kahilingan ay nabigo ako. Nanlumo ako sa pagkabigo kong matupad ang mga hiling ko. Hindi pinagkaloob sakin ng kuwintas ang mga gusto kong mangyari. Bakit kaya? Sinubukan kong tawagin sila Natalia at Percy ngunit walang sumulpot na Natalia at Percy saking harapan. Hindi tulad dati na isang tawag ko lang ay bigla silang lumilitaw. Kung hindi nakatambay sa balcony ang mga kalahating Diyos at Diyosa ay naroon sila sa sala na natutulog o kumakain. Marahil siguro ay nagbalik na sila sa mga kanya-kanya nilang pinang galingan. Sa pagkakatanda ko si Natalia ay nakatira sa Mount Olympus at si Percy sa camp ng mga halfblood na katulad niya. Pambihira mga di man lang nagpaalam sakin noon na aalis na nga pala sila. Marahil siguro nang nasa hospital pa ko galing sa Avarlone ay umalis na sila. Damn! bakit ko pa ba sila hinahanap, wala ng dahilan para mag stay pa sila dito patay na si Lyka thats it, kaya wala na rin sila dito. Gininaw ako sa malamig na simoy ng hangin na yumayakap sa hubad kong katawan. Minabuti kong bumalik na lamang sa bahay ko. Hindi ko na nagawang umakyat pa ng kuwarto at mas pinili kong matulog na dito sa sofa. Hindi ko na rin matagalan ang amoy ng mabaho kong kuwarto na matagal ko ng di pinalilinisan. "Razzo bakit dito ka natulog?" Nanlalabo pa ang mga mata ko nang imulat ko. Isang pamikyar na malamyos na tinig ang gumising sakin. Pigura ni Lyka ang nakikita ko sa malabo kong paningin. Ang kulay blonde niyang buhok at maputi niyang kutis. Si Lyka nga ang nakadukwang sakin dito sa sofa habang ako'y nakahiga. "Lyka ikaw ba talaga yan?" Tanong ko. "Ako nga Razzo, ako si Zulyka. Nagbalik ako dahil nalulungkot akong nakikita kang nagkakaganyan ka." Sabi ni Lyka sabay haplos saking buhok. "Miss na miss na kita Lyka, You give me hope that I want dahil nagpakita ka sakin ngayon." Sabi ko naman kay Lyka. Tulad ng dati nakahiligan niyang gawin, hinahaplos niya ang pisngi, panga ko at magtutuloy ang kanyang kamay saking tenga. Marahan niyang pipisilin ang dulo ng aking tenga habang nakakatitig sakin. "Lyka please come back, Look at me. Look how devastated I am nang mawala ka. Kailangan kita Lyka maawa ka sakin." "Razzo hindi na tulad dati na magkakasama tayong muli. Pero hindi ako mawawala sayo nandito pa rin ako sa puso mo. Hindi ako mawawala kahit kailan, hindi kita iiwan bagkus sasamahan pa kita para ipagpatuloy mo sarili mong buhay. Gusto kong magbalik ka na sa dating Razzo na nakilala ko hindi yun ganito na sinisira mo ang sarili mo. Tandaan mo wala akong hangad kundi kaligayahan mo kaya kita iniligtas sa Avarlone at tinanggal ko ang sumpang bumabalot sa iyong pagkatao. Magiging Maligaya ako sa lugar kung saan man ako naroon kapag nakikita kitang matagumpay sa buhay." "Lyka I will do my best to end this misery but promise to me that you will come back." "I promise." Hinalikan ni Lyka ang noo ko pagkatapos niya kong halikan ay bigla siyang nawala. Napabalikwas ako ng gising dali-dali kong inilibot ko ang mata ko para hanapin si Lyka. Akala ko ay naririto siya parang totoong totoo ang panaginip ko. Hinawi ng dalawang kamay ko ang buhok. "Panaginip na naman, lagi ko na lang napapaginipan si Lyka." Pagkasabi ko ng mga salitang ito ay napatingin ako sa picture niya kasama ang kuwintas. Napagtanto kong kung hindi nasisiyahan si Lyka na nakikita akong ganito. Para kay Mama at sayo Lyka ibabalik ko na sarili ko. Tumayo ako para umpisahan ko na ibangon ang sarili ko. Kinuha ko picture at ang kuwintas ni Lyka ang para itago muli sa cabinet ko. Pagkaakyat ko sa kuwarto ay ako mismo nagtanggal ng mga basag na bote at gamit. Bitbit ko ang lagayan ng basura palabas nang masinagan ako ng sinag ng araw. Nasilaw ako. Ngayon na lang ako nasinagan ng araw matapos ng ilang linggong pagmumukmok dito sa loob ng bahay ko. Kitang kita nila Grands, Yaya Julia, Manang Remedios at Ate Inday na sinusubukan kong tingnan ang langit. Bahagyang kumilimlim nang magdaan ang mga ulap sa langit. Sa wakas ay lumitaw na rin ang ngiti ko sa labi. Tiningnan ko ang mukha ni Grands bakas na sa mukha nila ang saya nang makita akong lumabas ng bahay dala ang stainless trashcan ko. Ganoon din ang mga kasambahy namin ay nakangiti na rin sila. Nakita kong kinausap ni Grands ang mga kasambahay. Ako naman ay pumasok ulit para hakutin pa ang mga kalat ko sa kuwarto mga bote ng alak. Pagkatapos ay tinipon ko na din ang mga labahan kong damit, bedsheet at punda ng unan ko na nangigitata na sa dumi at sobrang baho. "Iho, Apo sila Yaya Julia na bahala maglinis sa bahay mo, halika na kumain ka na. Alam kong hindi ka nakakain ng maayos kaya nangayayat ka." Si Grands na hindi ko namalayan nasa tapat na pala ng pintuan ng bahay ko. "Grands hayaan niyo na ko, I can do all this aside from that pipiliin ko pa yun mga itatapon at mapapakinabangan pa. Kakain na lang po ko later kapag naayos ko na yun kuwarto."sagot ko. "Okay Iho pagkatapos niyan , take some shower ha hihintayin kita sa dining ipapaluto ko mga paborito mong pagkain." At ganoon nga ang ginawa ko tinulungan ako ni Yaya Julia at Ate Inday na linisin ang kalat at ayusin ang buong buhay ko. Bago ko maligo ay hiningi ko kay At Inday ang ilang pang gamit ni Lyka na nakalagay sa quarters nila. Nagtungo ako sa mansyon upang kumain na ng breakfast. Naroon na nga si Grands at naghihintay na sakin ang agahan ko. Bago ako kumain ay inilapag ko muna ang phone ko para makita ko sa screen ang litrato naming dalawa ni Lyka. Kuha yun nang magpunta kami sa Tagaytay. Todo asikaso sakin si Grands habang akoy kumakain. Nag open siya ng mga topic na makapag papagaan ng loob ko. Sa bandang huli ay nauwi ang masayang usapan namin sa pag-alala kay Lyka. Bandang hapon ay umalis ako ng bahay para magwithdraw ng pera sa bangko. Balak ko kasi magpagawa ng attic upang doon ilagay ang mga plinaplano ko. Pagkagaling ko ng bangko ay nagtungo ako sa barbershop para magpagupit at magpashave ng balbas ko. Inayos ko na talaga ang sarili ko alang alang kay Lyka. Pinaumpisahan ko na kagad ang pagpapagawa ng attic sa bahay ko makalipas ang dalawang araw. Ginawa ko pa kasi ang design ng attic ayon sa gusto ko. Doon ko titipunin ang lahat ng ala-ala ni Lyka. Like yun mga personal na gamit niya, mga magazine na siya mismo ang cover model. balak ko ipaprint ang mga pictures ni Lyka kasama na yun kopya ng billboard ng iniendorse niyang shampoo at make-up at balak ko din gumawa ng life size standee o eto yun picture ng buong katawan ng isang tao. Madalas sa mga artista may ganito sa mall sa mga iniendorse ng product o establishments and restaurants. Gusto kong magmistulang museum ng mga memorabilia ni Lyka ang ipagagawa kong attic. Pumasok na rin ako sa University para humabol sa final exam ng subjects ko. Iniwasan ko muna lahat ng mga nakakakilala sakin pati ang tropang ko para makapagfocus ako sa studies ko. Mabuti na lamang off season na ng tournament sa intercollegiate basketball kaya hindi ko nqging problema ang varsity. Umaattend ako ng class ng wala akong kinakausap maliban sa mga prof ko. Wala naman din nag attempt na lumapit sakin dahil ibang iba na ko ngayon kaysa sa dati. Kung noon approachable ako sa lahat ng mga gustong makipagflirt sakin mga babae, ngayon naging aloof na ko sa kanilang lahat. Maybe the reason is kumalat sa school yun maling kuwento ko about sa wedding namin ni Lyka. Na bigla na lang siyang nag runaway sa kasal namin. Of course hindi ko naman puwede ikuwento yun malagim na nangyari samin ni Lyka ,ang pagkamatay ng fiance' ko. Walang nakakaalam dahil wala silang malay lahat sa reception nang ibalik ako ng mga Demigod o mga kalahating Diyos na sila Percy at Natalia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD