Kabanata 1
"Selena, bakit nga ba single ka pa rin?"
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Selena nang alalayan ang batang si East sa silya. Sinulyapan niya ang kaibigan, at among si Alanna na kasalukuyang kumakain ng almusal, kaharap ang asawa na si West.
"Why don't you try to find someone?"
"I can introduce you to some, if you want to?" singit naman ng asawa nitong lalake at sandali pang tiningan si Alanna.
"Hindi na po. Okay na ako," tanggi niya at umupo sa silyang katabi ng bata.
Nanatiling nakangiti ang mag-asawang Castellana habang pinagmamasdan si Selena na inaasikaso ang kaisa-isang anak na si East sa pagkain.
"Why?"
"Selena, sayang 'yong pretty face, at good traits mo. You're almost perfect woman. I mean, why don't you try to date a guy."
"Honey, hindi ba si North, single pa rin?" Bumaling pa si Alanna kay West.
Nagtaas naman ng tingin ang dalaga. Lagi na lamang pinag-uusapan ng mga amo niya ang tungkol sa zero niyang lovelife. Hindi niya alam kung bakit big deal sa mga ito ang hindi niya pagkakaroon ng boyfriend.
"Si North. That man, wala na iyong balak bumalik sa Pilipinas. Busy na rin iyon sa kumpanya sa America, bihira na nga lang din ako no'ng tawagan," pag-aalala ni West sa bunsong kapatid na binata.
"Ganoon ba? Alam ko na!" tumaas pa ang boses ni Alanna sa pagkasabik na sabihin ang pangalan na pumasok sa isip para itambal sa kaibigan at babysitter ng anak.
"Miss Alanna, ayos lang ako. Okay akong mag-isa," Pailing-iling ang ulo niya nang sumagot, at sinubuan ng pagkain ang batang alaga.
"Why don't you give Pio's chance?"
Napangiwi si Selena sa narinig na pangalan. Kilala niya ang lalakeng tinutukoy nito, kaibigan ni West at ka-trabaho sa kumpanya.
"Ano?" excited na untag ni Alanna habang ubod tenga ang ngiti sa labi habang hawak sa magkabilang kamay ang mga kubyertos.
Sandaling pinunasan niya ang bibig ni East. Matapos ibaba ang kutsara't tinidor ay humarap siya sa among kaibigan.
"Miss Alanna, hindi ako interesado sa lovelife na iyan. Okay na po ako na, tagapag-alaga ng anak ninyo."
"Nag-e-enjoy akong kasama si East araw-araw. Sapat na iyon sa akin, at saka si Mr. Pio Beltran, madami siyang makikilalang mas higit sa akin," mahinahon niyang paliwanag, at ngumiti ng tipid.
"Really? That's sad," bumaha ang pagkadismaya, at kalungkutan sa mukha ni Alanna.
"Naku, honey, sinasabi lang 'yan ni Selena. Pero once na nakita na niya ang lalakeng magpapatibok ng puso niya ay makakalimutan na niya ang usapang ito," sundot pa rin ni West.
"I hope so, I just wanna see my bestfriend to get married and have her own family. I will be very much happy if that happens," sincere na pahayag ni Alanna habang nakangiti sa kaniya.
Para namang hinaplos ang puso ni Selena mula sa narinig. Hindi lang pala basta babysitter o tagapag-alaga lamang ang tingin sa kaniya ng amo.
Kung 'di isang matalik na kaibigan.
Sabagay, sabay at halos hindi nagkakalayo ang edad nila ni Alanna. Siya ay anak ng isang kasambahay ng pamilyang Madrid.
Namatay ang nanay ni Selena dahil sa sakit. Dahil doon ay kinupkop na siya ng magulang ni Alanna. At naging maganda ang pakikitungo nito, pareho silang ng eskwelang pinapasukan.
At hanggang ngayon na magpakasal na ito sa isa sa mayaman at kilalang negosyanteng si West Castellana ay hindi siya nito kinalimutan, at basta na lang pinalayas. Kahit nasa tamang edad na siya, at pwede ng umalis sa bahay ng mga Madrid.
"Isa pa, nangako ako na bilang ganti sa kabaitan mo Miss Alanna, at ng pamilya mo ay iingatan, at mamahalin ko si East," paliwanag ni Selena habang ramdam ang pagbabara ng lalamunan.
"Selena, please, don't cry," Hinawakan pa ni Alanna ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa habang maaninag na rin sa mga mata nito ang mga luha.
Nang ngumiti ang dalaga ay tuluyang nang bumagsak ang butil ng mga luha. Agad naman niya iyong pinunasan, at ngumiti sa kaibigan.
"Pasensiya na kayo, Miss Alanna," tanging sambit ni Selena, at ipinatong ang kamay sa kamay ng amo.
Saglit niya rin tinapunan ng tingin si West na bakas sa anyo ang kasiyahan sa nasasaksihan.
"Too early, cut the drama," patamad na singit ng bata.
Nagkatawanan silang tatlo sa pagsingit ni East. Blanko ang ekspresyon nito nang ituro ang plato ng pritong itlog.
Masaya talaga siya sa pamilyang mayroon. Hindi man siya tunay nitong laman, at dugo ngunit mas higit naman ang turing nito sa kaniya.
At dahil doon sapat na sa kaniya ang ganito.
Sapat na kay Selena ang pagiging mag-isa.
Sapat na kay Selena ang pagiging single.
Marahang iminulat niya ang mga mata. Napatingin ang dalaga sa katabing si East. Mahimbing na mahimbing ang tulog nito, marahan siyang bumangon.
"Alas-diyes na ng gabi?" tanong niya sa sarili.
Itinuon ni Selena ang atensyon sa nakapinid na pinto. Sigurado siyang sa mga oras na ito ay wala pa, at hindi pa nakauuwi ang mga amo.
Inayos na muna niya ang pagkakatakip ng kumot sa katawan ng bata bago tumindig. Papungas-pungas pa siya habang naglalakad. Saglit niya nilingon si East. Maghapon silang magkasama nito, nakahaharap lang ng bata sina Alanna at ang amang si West sa agahan.
Pagkatapos no'n ay magpapaalam na ang mga ito sa anak para pumasok sa kumpanya. Dahilan para maghapon silang magkasama ng bata sa loob ng Mansion.
Hindi rin kasi sila pwedeng mamasyal sa labas ng basta-basta. Kilala, at mayamang negosyante ang mga Madrid at Castellana sa bansa. Dahil doon ay nag-aalala sila sa pwedeng maging banta sa buhay ng kaisa-isang tagapagmana ng ari-arian ng mga ito.
Pero kahit ubod ng yaman ay alam ni Selena na hindi iyon ang kailangan ng bata. Lumaki kasi itong tahimik at seryoso, hindi katulad ng ibang bata na spoiled sa maraming bagay.
Sa edad na pitong taon, si East ay kakaibang bata.
Isang ingay ang nagpalingon kay Selena mula sa nakasaradong pinto. Agad na nagdugtong ang kilay niya nang masundan muli iyon ng boses ng mga lalaki.
Nagmamadali ngunit maingat siyang lumapit sa pinto, at pinihit ang seradura. Agad siyang nagtungo sa puno ng hagdan, at sinakmal siya ng kaba sa nasaksihan mula sa ibaba ng bahay.