Kabanata 8

954 Words
Natahimik si Selena at dahan-dahang pinukol ng tingin ang bata na nasa upuan, at kausap ang pulis na si Greg. "Honestly, I should not asked you in this matter. But still, as his babysitter, you're done." Napakunotnoo siya dahil sa inis mula sa naririnig sa kaharap. Binalik niya ang tingin dito habang inis na inis ang mukha. "Isasama, at iuuwi ko na siya. And you can do nothing about it," sigurado saad nito, tila ba walang pakealam sa nararamdaman niya. "Mr. Castellana," nanlalaking mga matang awat ni Selena sa mga masasakit na sinasabi nito. "What?" kaswal nitong tanong habang hindi natitinag sa pakikipagtitigan sa kaniya. Napailing na lamang si Selena, binaling niya ang mukha sa ibang pwesto. Itinikom niya ang nanginingig na labi para mapigilang ang pagtulo ng mga luha. Bakit walang habas ang lalakeng ito na basta-basta na lamang kunin ang bata sa kaniya? "I just want you to know, I don't care kung papayag ka or hindi. As I say, I don't need your approval," dire-diretsong pagbibigay-alam ni North sa kaharap na dalaga. Desidido na talaga siyang ilayo, at isama ang pamangkin pauwi sa sariling bahay. Hindi na niya makakaya kung hindi niya makakasama ito simula ngayong gabing natagpuan na niya ang anak ng kapatid. "East!" Tumalikod ang binata, at tinanaw ang bata na nasa sala. "Go and get your stuff. You're going with me tonight." Awtomatikong binato ng atensyon ni East si Selena na nasa gilid ng tiyuhin. Napansin naman iyon ng binata. Naaninag niya rin ang pagtatataka sa mga mata ng pamangkin habang nakatitig sa babysitter. "Aunt Selena, you're not going with us?" inosenteng usisa nito bago muling tiningnan si North. Namayani naman ang katahimikan sa loob. Lihim na sinulyapan ng tingin ni Greg ang kaibigan, at dalaga. "Come here, East," mahinahon na tawag ni North sa pamagkin. Tumalima naman ito, at nagtungo sa harap niya. Habang si Selena ay itinago ang pagpupunas ng mga luha. "Your babysitter will stay here." "She has her own life. Don't you want to be with me?" tanong ni North habang nakayuko, at nakatingkayad sa harap ng pamangkin. "She can go with us, Uncle." "Nah, she can't. Don't worry, I will get you another babysitter, someone who will take care of you, as soon as possible, alright?" pangungumbinsi ni North habang nagsusumamo ang mga matang pinagmamasdan si East. Hindi kumibo ang bata, ngunit halata rito ang hindi pagpayag, ganoon na rin ang pagkadismaya. Saglit na tinaas ng binata ang tingin sa katabing dalaga. Ewan niya ba, kung bakit tila may kumurot sa puso niya nang makita itong nagpupunas ng luha. Wala sa loob na nagpawala siya ng napakabigat na hininga. "Pwede namang hindi ganito kabilis, North." Lumayo silang dalawa sa nakapinid na pinto ng kwarto kung nasaan ang pamangkin at dalaga. Kasalukuyan ang mga itong inaayos ang gamit na dadalhin ng pamangkin. "Greg-" "Hindi ako naniniwalang may kinalaman si Miss Ortega sa nangyari." Agad na lumalim ang gitla sa noo ni North, at tiningnan ng tuwid sa mga mata ang kaibigan. "Nakausap ko si East. At buhat sa mga sinabi ng bata ay mabuting tagapag-alaga si Miss Ortega." "Kasi iyon ang ipinapakita niya sa bata, Greg," mahina, at naiirita niyang katwiran habang harap na harap sa mukha ng pulis para hindi marinig ng mga nasa paligid. "Look, North, matalinong bata ang pamangkin mo. I'm sure, kung may mali o wala siyang tiwala sa tagapag-alaga niya ay sasabihin niya iyon mismo." "Pero, wala akong narinig sa kaniya," mahabang pahayag ni Greg. Itinuon ni North ang mga mata sa kawalan habang lumiit, at lumaki ang butas ng ilong dahil sa inis. Nag-iigtingan din ang mga panga niya dahil sa galit. Dahil sa totoo lang ay hindi na niya alam ang iisipin at nararamdaman! Totoo namang wala siyang makita kahit anong senyales sa pamangkin na takot o may kakaiba sa babysitter nito. Pero, pero wala pa rin siyang tiwala sa dalaga kahit katiting! "Pwede mo naman sigurong dahan-dahanin ang mga bagay. Kahit para sa bata na lang," mababang tono ni Greg na para bang gusto ipaintindi sa kaniya ang mga nangyayari. "What are you trying to say?" "Let East stay here-" "No way!" malakas na agap ni North. "Come on," Hinawakan siya ng kaibigan sa braso, at inilayo sa pinto ng kwarto kung nasaan ang dalawa. "Kahit ngayong gabi lang. Hayaan mo muna si Miss Ortega." Iniwas ng binata ang balikat kung saan nakakapit ang kamay ni Greg. Napatindig naman ito ng pormal. Nakatikwas ang isang kilay niya nang salubungin ang mga mata nito. "I can't do that. I don't trust her." "Kung hindi ko pa iuuwi si East ngayong gabi. She will have another chance to keep my nephew away again." "Tingin ko, hindi niya iyon magagawa," pagtatanggol pa rin nito. Napangisi sa inis si North, at pinilig ang ulo habang inalis ang mga mata sa kaharap na kaibigan. Nasapo pa niya ang noo habang mahinang tumatawa ng sarkastiko. "Do you like her?" "Ano?" "Greg, huwag kang magpaloko sa magandang mukha niya." "North, hindi iyan ang nasa isip ko." "Come on, Greg! Your defending her so hard!" "Nagiging fair lang ako." "So I am unfair, is that it?" seryoso niyang saad habang masama na ang mukha. Hindi na nagsalita ang kaniyang kaibigan, at iniwas na ang mga mata. Binasa ni North ang ibabang bahagi ng labi. Lumunok muna siya para malinis ang lalamunang naglalaman ng mabigat na emosyon. "I'm sorry, Greg," paghingi niya ng paumanhin sa pulis na kaibigan. "Ang gusto ko lang sabihin ay sana maintindihan mo na, hindi pwedeng basta ka na lamang dadating, at kukunin ang bata sa tagapag-alaga niya." "You can't just be like that. Konsiderasyon mo na lang iyon, imagine, inalagaan ni Miss Ortega ang pamangkin mo nang walang hinihinging kapalit."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD