Hindi alam ni Selena kung bakit natukso siyang sakyan ang inaakala ng binata na dito sa unit niya matutulog si Greg. "At siguro naman ay walang mali kung hahayaan ko nga na manatili rito si Greg kahit abutin siya ng gabi." Doon napatayo si North habang kulang ang salitang galit para ipaliwanag ang nasa hitsura niya. "Walang mali?" bawat bigkas no'n ay marahan, at hirap na hirap na bigkasin ng binata. "Oo, babantayan lang naman niya ako." Isinarado niya ang mga mata habang pakiramdam niya ay lahat ng dugo ngayon ay nag-uunahang umakyat sa kaniyang ulo. Kung puwede niya lamang durugin ang hawak na cellphone, ay kayang-kaya niyang gawin kung dito ibubuhos ang nararamdamang inis. "Miss Ortega, pauuwin mo na si Greg." "Ano?" "Pauwiin mo na si Greg," malalim na boses nitong utos. Hindi

