Pagkatapos kong magbanyo, diretso na ulit sana ako sa aking kuwarto. Ngunit nang dumaan ako sa kusina kung saan naroon pa rin ang tatlo, tinawag ako ni Harry at sinabihang umupo sa tabi niya. Hindi ko inasahang may upuan na sa mismong gilid niya dahil sa kabisera siya nakaupo. Wala iyon kanina. Talaga bang tatabi ako sa kaniya gayong nasa harap lang namin si Arch? Pilit ang ngiti ko nang umupo sa tabi niya. May nakahaing empanada sa mismong harap at nakahati na iyon para sa aming dalawa. Si Bea ay nakayuko pa rin at hindi maalis-alis ang paningin sa cellphone. Hanggang ngayon, pakiramdam ko ay `di pa rin nagsi-sink-in sa kaniya ang lahat. “Taste test lang, Ran,” bulong sa akin ni Harry nang mailapit niya ang mukha sa akin. Sa lapit nito ay nagsitaasahan ang balahibo ko sa leeg. “Subuan k

