Sa tagal ng aming pagsasama noon sa Maynila, kabisadong kabisado ko ang wangis niya. Ang ukit ng kaniyang labi, ang munting tabas sa isa niyang kilay, ang marine haircut na madalas niyang disenyo sa kaniyang buhok… hindi ako magkamali na siya ang kaharap ko. Wala akong ideya kung paano siya natunton ni Sandra at nadala rito ngunit isa lang ang nasisiguro ko. Ayaw ko siyang makita at ayaw kong manatili pa siya rito! Itinulak ni Sandra ang gate kaya nabuksan iyon. Tulirong tuliro ako rito sa kinatatayuan ko at para bang napako ako. Nakangiti si Marko at tila iba ang ipinapahiwatig ng ngiting iyon. Ano pang dahilan niya upang sumama rito? Matagal na kaming wala. Matagal na kaming tapos. “Pakisabi kay Arch, may bisita siya,” ani Sandra sa magaang boses. Nang makapasok siya ay mas inilawak pa

