Hingal na hingal kong binaybay ang kahabaan ng kalsada patungo sa direksyong tinahak ng sasakyan. Kanina pa ako lakad nang lakad ngunit hanggang ngayo’y palayan pa rin ang nakapalibot sa’kin. Hindi ko pa kabisado ang San Miguel kaya `di ko rin alam kung nasaan ako. Sinusundan ko na lang kung saan dumaan ang kotse ni Sandra dala ang pag-asa na sana ay maabutan ko siya. Pero magagawa ko pa kaya iyon kung halos kalahating oras na akong mag-isa? Pinipilit kong kayanin. Pinipilit kong humugot ng lakas dahil sa kaniya nakasalalay ang lahat. Kung malaman pa ito ni Arch, tiyak na wala ng kasiguraduhan kung mananatili pa ba akong katulong niya at kasintahan. Niloko ko siya. At hindi lang siya ang nilinlang ko. May ilan pang mga galit sa’kin kaya siguradong gagamitin nila ito laban sa akin. Nabuha

