Takot na takot akong mahuli kami kaya laking ginhawa nang kapwa na namin narating ang kasukdulan. Basang basa na ako sa shower. Kaya kaysa lumabas nang hindi man lang naliligo, sinulit ko na nang kasabay si Arch. It was wild but terrifying at the same time. Hindi pa ako handang malaman ni Harry ang lahat kaya bawat segundo ay para akong binubulabog sa kaba. Lumabas ako ng bathroom nang nakatapis ng tuwalya. Naiwan si Arch sa loob, nagsasabon ng sarili niya. Nang marating ang kusina, namataan ko si Harry sa sala, nakaupo sa sofa, at abala na sa kaniyang cellphone. May nakapatong pang tupperware sa lamesita at sigurado akong ito `yong dala niyang empanada. I really wanted to hide. Gusto ko sanang pumunta ng sariling kuwarto nang hindi niya nakikita ngunit naglikha ng ingay ang una kong hak

