Tumupad naman si Arch sa mensahe niya dahil umuwi na siya bago mag-alas tres. Nakaupo ako no’n sa sala at tulala sa hawak na cellphone lalo’t hindi pa rin ako nakaka-usad sa mga sinabi ni Chino. Hindi pa ako matatauhan kung hindi ako hinalikan ni Arch sa pisngi. Ngumiwi ako nang umupo siya sa tabi ko at may inabot sa’king puting sobre. “A-ano `to?” nauutal kong tanong nang mahawakan ang sobre. Marahan ko itong binuksan at nakitang mga pera ang laman. Nang bilangin ko ay mas lalo akong nagtaka sa kabuuan. Fifteen thousand? “Alam mo na,” tugon niya sabay halik naman sa tuktok ng ulo ko. “Sahod ko? Kung sahod ko nga ito, bakit sobra-sobra naman? Bakit higit pa sa doble?” Kung `di ako nagkakamali ng pagkakaalala, nasa anim na libo lamang ang usapan. At wala naman akong problema kahit pa hi

