Nagdadabog man at wala sa sarili, malaking ginhawa sa’kin ang pag-alis niya. Bumalik siya sa campus kagaya ng sinabi ko, hindi lang para sundin ang sinumbat ko kundi para na rin matapos niya kung ano man dapat ang tapusin. Ano ba kasing mapapala niya kung sasabihin ko pa ang problema ko? At bakit ko pa sasabihin kung alam kong ikakagalit niya? Like I said, mabuting hindi ako magpadalos-dalos. Mamaya, kung magtatanong pa siya kung bakit, maaari kong idahilan na wala lang ako sa mood. Maaari ko rin namang ilusot na may period ako. Mauunawaan naman niya `yon dahil matalino siya. I did all the remaining chores to distract myself. Naglinis ng bahay, naglaba, nagligpit ng kalat sa kaniyang kuwarto, at nagluto ng miryenda. Nag-prepare ako ng fruit salad saka inilagak sa fridge. Gumaan naman na

