Chapter 36

2363 Words

“Tapos na? Kumusta ang pakiramdam mo?” salubong ni Rosenda nang lumabas na ako ng CR. Maraming minuto ang ginugol ko sa loob kaya hindi na nakapagtataka kung bakit tila abot-langit ang pag-aalala niya. Kusang dumapo ang paningin ko sa daan patungong office kung nasaan ngayon sila Sir Arch. Malakas pa rin ang kutob kong naroon pa rin sila ni Beatrice at maaaring hindi pa tapos sa ginagawa. Sana lang ay walang makahuli sa kanila. “Uy, anong nangyayari sa’yo?” ulit ni Rosenda. Para akong natauhan nang humarap muli ako kay Rosenda. Sa pagkakataong ito, pinilit kong magpakita ng ngiti upang ipaalam sa kaniya na walang mali sa akin. Pakiramdam ko’y nahimasmasan siya nang magawa ko iyon. Umiling ako at lumapit nang dalawang hakbang sa kaniya. “Sorry kung tumagal. Kanina pa kasi talaga masakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD