Chapter 35

2361 Words

Masaya ako para sa tagumpay ni Kino. Maliban sa mga naikwento pa ni Harry tungkol sa pagiging masikap niya, mismong mga mata ko na rin ang nakasaksi kung paano niya nilalaan ang gabi para makapagtrabaho. Sa pagkakaalam ko, hindi ganoon kadali umusad sa kolehiyo. Kaya kahit na sino man ang tanungin, dapat lang talaga na magkaroon siya ng selebrasyon—kahit mga kaibigan niya lang ang kasama. Nakakabaliw lang isipin. Wala akong malay na sa hinaba-haba ng panahong naigugol ko sa bahay ni Sir Arch, sobrang lapit lang pala ng tirahan ni Kino. Minsan tuloy ay natutulala lang ako at iniisip kung saan banda roon. I mean, balutan at mga manukan ang malalapit sa tinutuluyan ko. Hindi ko lang siguro napansin na may iba pa palang naroon o baka `di lang nakikita sa tabing kalsada. “Tinext nga no’n ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD