Umalis na si Rosenda nang tawagin siya ng iba pang officers. Pagkapaalam niya sa’kin, sakto ang pagtabi ni Harry. Binati kaagad niya ako at tinanong kung bakit ako nandito. Ipinaliwanag ko naman habang inaayos ang puwesto ng mga bulaklak. “Masyado kasing maaga si Arch. `Di nga namin kaya `yon eh,” aniya nang malamang kanina pa kami rito. Nakikinig lamang ako habang ginagawa ang trabaho ko. “Sa pagkakaalam ko, mamayang eight ang start ng event. Uuwi ka na ba agad pagkatapos mo rito?” “Ihahatid daw niya ako pauwi.” “Hmm, try kita ipagpaalam mamaya.” Natigilan ako at napamatyag sa kaniya. “Saan tayo pupunta?” “Kahit dito lang sa campus. Igagala kita.” Nanabik man roon, pinaalala ko agad sa sarili na marami pa akong trabahong gagawin sa bahay. Dahil dito, kinailangang `di ako magtagal. K

