Nanumbalik ako sa mga panahong akala ko ay kay Marko na lang iikot ang mundo ko. Mula sa kung paano ako noon napadpad sa isang convenience store hanggang sa matulungan ako ng mismong crew na naroon. Naging kaibigan ang tingin ko sa kaniya sa loob ng napakaikling panahon. Ang masaklap, nabugbog pa siya ni Marko dahil lang napagkamalang kabit ko. Nakakahiyang isipin na iyon ang huling alaala na iniwan ko sa kaniya. Hindi ko alam kung mapapatawad pa ba niya ako o ang ex ko lalo’t wala namang tamang rason upang masabi na deserve niya ang pananakit na iyon. Pero ang tanong, naaalala pa kaya niya ako? Ako ang gusgusing palaboy na nilibre niya ng pagkain sa pinagtatrabauhan niya—malayo sa wangis ko ngayon na maayos na ang pananamit at mas malusog na kaysa dati. Hindi ko magawang tumingin sa kan

