Palubog na ang araw ngunit doon pa rin umiikot ang laman ng isip ko. Paano niya ako na-miss nang ganoon kabilis kung halos kaaalis pa lang niya noong i-text iyon? Ayaw ko magmukhang assumera dahil baka wala naman palang malisya `yon sa kaniya. Ayaw ko rin bumitaw ng salita nang hindi sigurado kaya hanggang ngayo’y nag-aalinlangan pa ako sa ire-reply sa kaniya. Sasabihin ko na lang mamaya na naging busy ako kaya natagalan ang response. Ang problema ay ang mismong mensahe na hindi ko pa rin alam kung ano ang ititipa. Mukhang tama rin si Harry sa sinabi niya kanina. Baka aabutin nga talaga si Sir Arch ng gabi sa event nila. Nagpasya akong i-charge muna ang cellphone kahit na wala pa sa kalahating bahagdan ang nakokonsumo ko. Nagwalis-walis ako ng mga tuyong dahon sa labas at nagsiga hindi

