Sa mga sandaling kumakain kami sa Inasal, wala kaming ibang ginawa kundi mag-focus lang sa pagkain. `Di talaga maiiwasang magkatitigan at siyempre, sino bang unang iiwas kundi ako rin. Pabor sa akin na rito na kami sa labas naghapunan dahil maliban sa hindi ko na kakailanganin pang magluto, kahit paano ay makagagala ako sa gabing bahagi ng bayang ito. Tahimik pa rin siya nang matapos kami hanggang sa makalabas na ng Inasal. Kung hindi lang siya nagtanong pagkasakay namin ng motor niya, baka literal na akong napanisan ng laway. “Umiinom ka ng milktea, tama ba?” tanong niya nang mapaandar na ang sasakyan. Pabalik na siguro kami ngayon ng baranggay Tibagan. “Opo, umiinom naman ako no’n.” “Anong flavor?” “Kahit po ano. Pero mas mainam po kung may halong chocolate.” Ang una’t huli kong t

