"Sa totoo lang kami man ay nababagabag sa mga malum exspiravit na iyan. Akala namin noon ay payapa na ang aming bayan hanggang sa dumami na sila nang dumami rito na animo'y naging isang malaking tholus na sumakop nang tuluyan sa aming bayan." Kitang-kita nila ang lungkot sa mga mata ng dalagang kausap tungkol sa pagkakalat na ginagawa ng mga nilalang na pagala-gala sa kanilang bayan. "Noong una ay ayos lang naman sa amin kung dito nila napiling manirahan lalo pa at mga simpleng exspiravit lang naman sila noon ngunit paglaon ay nakikita naming nananakit na sila. Doon unti-unting nag-iba ang kanilang kulay at naging kulay itim na usok na lang. Sinubukan namin ang lahat ng paraan para palayain ang bayang ito subalit walang makapigil sa kanila hanggang sa dumating sa puntong natatakot na kamin

