Acutus' POV Siguro nga ay mali lang ang pakiramdam ko. Siguro nga ay sadyang hindi na buo ang tiwala ko kay Nitidus dahil sa lahat ng nangyari sa amin sa nakaraan. Ilang beses ko siyang pinaniwalaan. Kahit pa alam kong mali na siya ay pilit ko pa rin siyang pinaniwalaan dahil akala ko ay magbabago ang lahat sa kaniya ngunit noong araw na magkita kami sa Harenae ay doon ko tuluyang napatunayan sa sarili kong hindi na siya magbabago pero heto siya ngayon at bumabalik sa buhay ko. Dapat pa ba akong patuloy na kumapit na magiging maayos ang lahat sa amin kahit bilang magkaibigan na lang? Paano nga ba magiging magkaibigan ang dalawang taong nagmula sa magkalabang angkan? Paano nga ba namin maitutuwid ang tadhanang pilit na ibinabaluktot ng masamang pangyayari? Naramdaman ko na lang ang mga ya

