"Kumusta na kaya sila Acutus?" tanong ni Immitis habang naglalakad sa labas ng bayang iyon upang manguha ng mga prutas, at isda sa pinakamalapit na ilog. Gayon man ay hindi naging madali ang kanilang paglabas sa naturang bayan. Panaka-naka kasi ay sinusugod sila ng mga malum exspiravit. Tanging pag-iwas lang sa mga ito ang siyang nagagawa nila upang kahit paano ay hindi sila mapinsalaan. "Sa tingin mo ay ayos lang kayang hinayaan natin silang dalawa na magpunta roon nang sila lang?" tanong naman ni Lux. Magkasabay silang bumuntong-hininga habang nangingisda. "Hindi ko maiwasang mag-alala. Ibig sabihin kasi no'n ay kailangan nilang isakripisyo ang buhay ng isa sa kanila," sabi ni Lux. Bigla namang nanlaki ang mga mata ni Immitis nang may biglang pumasok sa kaniyang isip. "Ibig bang sab

