Nitidus’ POV Nababasa ko na ang isasagot niya hindi pa man siya sumasagot. Kilala ko si Acutus at masasabi kong ang mga taong malalapit sa kaniya ang siyang kahinaan niya at alam kong sa pagkakataong ito ay hinding-hindi siya makakatanggi sa akin. “Pakawalan mo sila, at ibibigay ko ang nais mo. Sasama ako sa ‘yo.” Tumawa ako nang malakas dahil alam kong sa akin pa rin siya babagsak. Lumapit ako sa katawan ng tatlo at gamit ang kapangyarihang mayroon ang Tractatio ay nagawa kong tunawin ang mga sapot na bumabalot sa katawan ng mga ito. Nilapitan ko si Immitis at naupo sa kaniyang harapan. Nang makita ko na ang pakay ko sa kaniya ay mabilis kong kinuha iyon habang nakasukbit sa kaniyang leeg. “Kailangan mong tuparin ang ipinangako mo, Acutus,” sabi ko bago tumayo at nilapitan

