Acutus' POV Kasabay ng malakas na ihip ng hangin ay ang panganib na naghihintay sa aming lahat. Nasa aming harapan ngayon si Cres, ang nakababatang kapatid ni Immitis na siyang nagturo sa akin ng maraming bagay kagaya na lang ng pagiging isa ko sa kalikasan. Sa ganoong paraan ay mas madali kong mararamdaman ang bawat paggalaw ng kalaban sa paligid ko. Wala sa hinagap ko na gagamitin ko ito sa kaniya. "Tapusin na natin 'to, Cres! Sa oras na matalo kita ay sisiguraduhin kong magigising ka na sa bangungot na kinakaharap mo ngayon!" sabi ko at humakbang ng tatlong hakbang paabante. "Huwag mo kong patawanin, Acutus! Ikaw ang siyang kailangan gumising dahil kahit na kailan ay hindi mo ako magagawang talunin!" Kasabay ng pagsigaw nito ay mabilis itong tumakbo palapit sa akin at nagpakawala ng

