Nitidus’ POV Lihim na nagbubunyi ang aking puso sa klase ng mga tingin na ipinupukol ni Herus sa akin. Ibig lang sabihin ay umaayon ang lahat sa plano ko. Sa ganitong paraan ay mas madali ko siyang mapasusunod sa mga balak ko nang hindi niya namamalayan. “Hanggang kailan moa ko balak na titigan? Wala ka man lang bang planong magsalita?” tanong ko sa kaniya. Doon lang siya tila natauhan at hinarap ako nang pormal. Inayos pa nito ang suot na balabal bago naglakad palapit sa akin. Hinawakan naman nito ang aking kamay at kinintalan ng halik ang likod ng aking palad pagkaraan ay iginiya ako sa bakanteng upuan na naroon. “Bakit hindi mo ako saluhan at uminom tayo bilang pagdiriwang sa araw na ito?” sabi nito. “Tila yata mukhang maganda ang araw mo ngayon, Herus?” Itinaas ko a

