Acutus’ POV Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay sa mga nangyayari. Hindi ako sanay na nakikita si Herus sa paligid ko lalo pa at ibang-iba na ang itsura nito kumpara sa dati. Nakasanayan kong nakasuot siya ng malaking balabal at kalansay na ang buo nitong katawan ngunit ngayon ay kapansin-pansin na ang kulay pula nitong buhok at ang makinis nitong balat na tila hindi sumabak sa isang labanan kahit na minsan. Mayroon din itong katamtamang kapal ng kilay at malamlam na mga mata na wari’y nagbabadya palagi ng antok. Sinong mag-aakalang ang maamo nitong mukha ay makagagawa ng isang mapaminsalang digmaan sa hinaharap? Ano nga ba ang kakayahan nito na hindi pa namin nalalaman? Ngunit sa kabilang banda, mabilis lang itong nakontrol ni Nitidus dahil sa kapangyarihang taglay ng Tracta

