Ceres POV Nang matapos kaming kumain ni ninong ay lumabas na muna ito sandali, kaya nagbihis na din ako, naalala ko na may mga damit pa pala akong naiwan dito yung mga binili ni ninong sa akin nung mga panahon na andito pa ako sa mansyon niya. Andito nga ako sa aking kwarto noon at andito lang lahat ng mga gamit na iniwan ko na halos lahat binili niya para sa akin, ang tanging mga nadala ko lang kasi nung panahon na umalis ako ay yung mga gamit ko talaga at mga regalo sa akin nung debut ko. Pero isa lang ang hinahanap ng mga mata ko ngayon, tiningnan ko na sa lahat ng cabinet na narito pero wala. "Hindi kaya na kay ninong?" Nahihiya naman ako na tanungin sa kanya kung nasa kanya ba iyon, hindi ko nadin naman pwedeng bawiin iyon dahil sinauli ko na iyon sa kanya. Baka nga ibinigay ni

