Ceres POV "Anak andiyan na si Morvan!" Sigaw ni daddy mula sa labas, dali dali naman akong kumilos at dinala ang maliit kong maleta, kinuha ko lang ang mga gamit na ko sa apartment ko kagabi tapos dito na ako natulog sa bahay. At hindi ko inaasahan na sasama pala si kuya Morvan sa outing namin, kahit pa labag sa loob ni ninong ito ay wala padin siyang nagawa. Kahit ano palang bangayan nilang dalawa ay sa huli di parin pala matitiis ni ninong ang kapatid niya kahit para silang mga aso kung mag bangayan. Yung tipong parang sinusumpa nila yung isa't isa. "Palabas na po!" Sigaw ko naman kay daddy, nang masiguro ko na wala na akong nakalimutan ay lumabas nadin ako ng kwarto ko. Nakita ko agad si kuya Morvan na naka upo sa sofa namin at nang makita ako nito ay napatayo na nga ito. May su

