Mag-aalas-kwatro na ng hapon nang maideliver nila Enso at Cliff ang huling item na naka-schedule nang araw na iyon. Ilang oras na ang nagdaan pero wala pa ring bagong detalyeng naaalala si Ensotungkol sa kaniyang pagkatao.
Ilang beses man niyang tingnan ang sarili sa rear view mirror ng van, walang pumasok sa isip niya. Pati ang repleksiyon niyang nakikita sa salamin, estranghero rin sa kaniya.
Mukhang mabigat kung anoman ang napagdaanan niya kung ibabase sa buhok niyang halos aabot na sa kaniyang balikat ang haba. Maitim at manipis na may mga iilang flyaways ang dulo. Lampas isang pulgada na rin ang haba ng kaniyang balbas na mukhang ilang araw ng hindi niya naaahit. Untidy ang tingin niya sa sarili sa kabila ng makinis niyang mukha, matangos na ilong at mapupulang labi na medyo manipis ang itaas kumpara sa halos full lips na ibaba. Nasa baba naman ng soft angled at normal ang kapal niyang kilay ang light brown niyang mga matang expressive pa rin kahit disoriented ang pakiramdam niya.
Naging aware tuloy si Enso na ito pala ang hitsurang nakikita ni Cliff sa kaniya. Kaskasan na lang ng uling ang balat hahabol na sa pagiging taong-grasa. Buti na lang at branded ang suot niyang semi-fit black polo shirt na humakab sa medium-built niyang katawan at lalong nagpaputi sa kaniyang light brown tone na balat.
Pero bakit nga ba siya mukhang ganito? Broken-hearted kaya siya kaya naisipang tumalon sa billboard? Sino naman ang salarin at may kagagawan kung sakali? Pero kung anoman ang hitsura niya ngayon ay wala siya dapat pakialam at iba dapat ang focus niya. Bakit pati siya maco-conscious kung titigan man siya ni Cliff? Hindi nga niya alam kung parehas sila ni Cliff ng s****l preference.
Pumasok na ulit ng van si Cliff at umupo sa driver’s seat saka ipinatong sa taas ng dashboard ang folder ng mga pirmadong delivery slips ng mga customers.
Hindi makatingin si Enso sa lalaki kahit nang magsalita ito nang tumatakbo na ulit ang sasakyan. “Ayos ka lang ba diyan?”
Tumango lang siya na hindi naman kita ng lalaki dahil nakapako ang tingin nito sa dinadaanan.
“May gusto sana akong itanong sa iyo,” sabi nito ulit nang bumagal ang takbo nila gawa ng trapiko saka tumingin sa kaniya. Napilitan siyang tumingin sa mukha nito at nang hindi siya sumagot saka nagpatuloy, “Takot ka ba sa dugo? Iyon kasi ang napansin ko sa ’yo kaninang tanungin mo ako habang nakatimbuwang tayo sa kalsada.”
Pumikit si Enso. Naisip niya ang dugo saka nag-imagine at biglang naramdaman niya ang pagbabago ng pintig ng kaniyang puso. “Oo.”
“Sa ospital?”
Siguro kaya pakiramdam niya iwas siya sa ospital, maaring dahil sa takot na makakita ng dugo. Malay nga naman niya habang nasa ospital siya ay may taong duguan na bigla na lang isusugod.
Umiling siya. Pero bakit ba siya tinatanong ni Cliff tungkol dito? Gusto ba siyang dalhin sa ospital? Tiningnan niya ang likuran ng kamay nito na nakahawak sa bandang ilalim ng manibela. Natuyo na ang dugo sa mga galos dahil sa pagsagip sa kaniya kanina. “Pupunta ka ba ng ospital?”
Nakita ni Enso ang pagbalatay ng lungkot sa mukha ni Cliff. “Oo. Kaya tinatanong ko kung hindi ka natatakot sa ospital.”
Gusto sanang itanong ni Enso kung ano ang gagawin ni Cliff sa ospital pero pinigilan niya ang sarili. Masyadong malaki na ang ginagawa niyang pang-aabala kay Cliff na kita rin naman niyang mahalaga ang bawat oras sa lalaki.
“Sorry ha.” Tumingin siya sa labas at pilit inaapuhap kung nasaan na sila. Wala siyang ideya. Lahat bago sa kaniya. “Nagiging pabigat na kasi ako sa iyo. Itabi mo na lang ang sasakyan paglampas natin ng traffic light at bababa na ako.”
Hinawakan siya sa kaliwang kamay ni Cliff. “Hey, hindi ka pabigat sa akin.Remember, ako ang nag-alok sa ‘yo na sumama sa akin. Gusto kitang tulungan Enso. Kaya please, hayaan mo ako.”
“Bakit?” at long last naitanong rin niya ang kanina pang nasa isip.
Natigilan si Cliff at pansin ni Enso ang biglaang pagluwag ng pagkakahawak nito sa kamay niya. “Dahil alam kong kailangan mo ng tulong,” sabi nito na parang may biglang naalala kaya ilang segundo bago nagpatuloy, “at dahil kailangan kitang tulungan.”
May punto si Cliff. Kailangan niya ang tulong ng lalaki sa ngayon. “Okay, pero once okay na ako at naalala ko na ang lahat ng tungkol sa akin, hahayaan mo na akong umalis?”
“Ihahatid pa kita,” paniniguro nito sa kaniya.
“Ok deal,” sagot naman niya saka pa lang binitiwan ni Cliff ang kaniyang kamay. “Kung gusto mong umiwas sa ospital, pwede namang ihatid muna kita sa bahay.”
Hindi naman siya natatakot sa ospital. Iyong probability lang na makakita ng dugo habang nasa ospital ang ayaw niyang mangyari.
“Pwede ko bang malaman kung bakit ka pupunta?”
Singkad pa rin ang init sa labas pero tingin niya kay Cliff parang tinakpan ng makapal na ulap ang mukha nito. “Ilalabas ko iyong nanay ko. Iuuwi ko na sa bahay,” medyo mahina ang boses nitong tugon sa kaniya.
Nakaramdam siya ng lungkot para kay Cliff. “Anong sakit niya? Okay na ba siya?”
“Okay na siya sa ngayon kaya pwede na ulit ilabas, sabi ng Doktor.”
Sa ngayon. Ulit. Ibig sabihin pansamantala. Ibig sabihin labas-masok na ng ospital ang nanay ni Cliff? “Anong sakit niya?”
Huminga ng malalim si Cliff bago nagsalita, “Na-diagnose ang sakit niya three months ago na aplastic anemia.” Napailing ito sa pagsariwa ng alaala. “Akala namin noong una ordinaryong anemia lang pero pagkatapos ng blood tests at bone marrow biopsy na ginawa sa kaniya, na-confirmed na aplastic anemia pala.”
Nakatingin si Enso kay Cliff. Hindi makahagilap ng sasabihin. Hindi pati niya alam kung anong klaseng sakit iyon.
“Sabi ng Doktor, abnormal na ang pagproduce ng bagong dugo ng katawan niya.”
“Ano raw lunas sa ganoong sakit?”
“May gamot na ibinigay sa kaniya. May isa pang treatment na tinatawag nilang ATG na siyang pinaghahandaan namin sa ngayon. May isa pang treatment na pwede at mas malaki ang chance na gumaling, iyong bone marrow transplant.”
“Pero okay na siya ngayon?”
“Nasalinan na siya ng dugo kahapon kaya okay-okay na siya ngayon.”
“Sinong kasama niya sa ospital? Tatay mo?”
“May kapitbahay kaming nurse na nakaduty ngayon sa ospital. Pinakiusapan ko na lang na pakitingnan-tingnan habang wala ako.”
Hindi na siya nag-usisa pa kung bakit hindi sinagot ni Cliff ang huling tanong niya. Ramdam niya ang pagbigat ng kalooban ng lalaki sa manner ng pagsasalita nito.
“Okay, puntahan na natin at baka hinihintay ka na niya,” pinasaya ni Enso ang tinig sa pagbabakasakaling mahawaan niya si Cliff at nabigo naman siya at hindi nangyari.
“Okay lang sa iyong sumama? Pwedeng ihatid muna kita sa bahay.”
Tumango si Enso. “Okay lang.”
Naisip ni Enso na magtatakip na lang siya ng mata para hindi makakita ng dugo kung sakali.
Pagkalipas ng kalahating oras, inihinto ni Cliff ang van sa parking lot ng Ospital. Nagsabi na lang si Enso kay Cliff na maghihintay na lang siya sa van kahit gusto sana niyang sumama sa pagsundo sa nanay nito. Hindi niya alam kung anong pwedeng mangyari sa kaniya kapag nakakita ng dugo pero masama ang kutob niya at baka maging dalawa pa ang pasyenteng aasikasuhin ni Cliff kapag nagkataon.
Sa pagkakaintindi ni Enso, mukhang malubha ang sakit ng nanay ni Cliff at kailangan na nito ng bone marrow transplant. Naiintindihan na niya ngayon si Cliff kung bkit sinabihan siya kanina na kung magpapakamatay siya na hindi naman dapat dahil mahalaga ang buhay, huwag naman siyang mandamay ng ibang tao. Kasi sobrang mahalaga ang buhay para kay Cliff. Buhay na gusto pa nitong maibigay para sa inang may sakit. Buhay na inayawan naman niya sa pagtatangkang pagpapakamatay sa hindi niya maalalang dahilan.
Makalipas ang tatlumpung minuto, sinalubong na ni Enso ang mag-ina nang papalapit na sa parking lot. Kinuha niya ang mga nakaplastic bag na dala ni Enso na nakaalalay naman sa paglakad sa inang maysakit.
Maputla ang kulay ng ginang na sa tantiya ni Enso ay nasa mid-forties ang edad. Lampas balikat ang tuwid at manipis nitong maitim na buhok. Halata ang pagbagsak ng kalusugan ng katawan sa paglitaw ng mga collarbone nito at cheekbones sa lumubog na pisngi. Pero pansin pa rin ni Enso ang kagandahan nito at pagkakahawig kay Cliff.
“’Nay ito po si Enso. Siya po iyong sinasabi ko sa inyo kanina sa loob. Tinulungan ako sa pagdedeliver ng mga items maghapon.”
Tumingin lang sa kaniya ang Ginang at bahagyang tumango.
“Kumusta po kayo?” tanong niya sa walang mahagilap na sasabihin. Napansin niya ang mga pasa na kulay-talong sa leeg nito at mga kamay na iba-iba ang lalaki.
“Sa awa ni Lord at sa mga dasal nitong aking anak, ayos na ako. Kailangan lang ng mahaba-habang pahinga,” kahit hirap pinilit nitong sumagot marahil para maipakita rin kay Cliff na totoo ng sinasabi at mabawasan ang pag-aalala ng anak.
“Iyan narinig mo Enso,” ani Cliff na pilit ang ngiti, “Siya na rin ang nagsabi na kailangan ng pahinga pero malamang bukas siya rin ang unang susuway at hindi na naman mapigilan ang sariling magkikilos.”
“Paano anak wala namang ibang magtutulungan kundi tayong dalawa lang. Pagod na pagod ka na sa trabaho mo tapos dadagdagan pa ng pag-aasikaso sa akin-”
“Kaya nga bilang tulong sa akin, kailangan tulungan mo rin ang sarili mo ‘Nay para tuluyan ka ng gumaling.”
Tumango lang ang nanay ni Cliff bilang pag-sang-ayon sa kaniyang anak.
Nasaan kaya ang tatay ni Cliff?
Sinakal ng lungkot ang loob ni Enso hindi lang dahil sa kalagayan ng ina ni Cliff kundi may higit pang dahilan na hindi naman niya maipaliwanag. Naisip niya kung sino kaya ang kaniyang ina? Nasaan kaya sa mga kaorasang ito? Baka nag-aalala na sa kaniya ngayon sa kaniyang pagkawala.
Inilagay niya ang mga plastic bag sa likuran ng van nang magsimulang alalayan ni Cliff ang ina nito sa pagsakay sa passenger seat.
“Okay ka lang diyan?” tanong sa kaniya ni Cliff na nakatingin sa kaniya sa rear view mirror.
Minabuti kasi niyang sa back seat na umupo at mas mahalaga na katabi ni Cliff ng ina nito sa harapan. “Ayos lang.”
Lampas alas-singko ng hapon nang makarating sila sa bahay nina Cliff. Pinakahuling unit iyon sa hilera ng limahang two-story apartment na moderno ang design na may parking space sa harapan kasya sa isang kotse.
Iniexpect niyang makalat ang loob ng bahay dahil sa routine na nakita niya kay Cliff at sa inang maysakit pero pagpasok nila, malinis ang paligid at nasa dapat kalagyan lahat ng gamit.
Inilapag muna ni Enso ang mga plastic bag na bitbit sa sala at tinulungan si Cliff sa pag-alalay sa ina nito hanggang maipasok nila sa isang silid sa may ikalawang palapag ng bahay.
Pagkatapos maihiga ang ina sa kama, inayos naman ni Cliff ang mga gamot nilang dala sa may side table.
“Kukuha ako ng tubig,” iyon lang ang naisip ni Enso na gawin imbes na pagmasdan ang ginagawa ni Cliff.
Tumingin naman sa kaniya si Cliff. “Kung okay lang. May tubig sa ref at magdala ka na rin ng baso.”
Patingin-tingin si Enso sa paligid habang papunta ng kusina. Nahagip ng mata niya ang isang family protrait na nakasabit sa dingding bago pumasok ng kusina. Tatlo ang nasa larawan. Si Cliff na sa tantiya ni Enso ay wala pang sampung taong gulang na nakakalong sa isang lalaki na katabi naman ang nanay ni Cliff. Nakasuot ng American military uniform ang lalaki. Mukhang sundalong amerikano ang tatay ni Cliff base sa nakaburdang apelyido na ROBERTSON sa uniporme nito. Mukhang sa tatay namana ni Cliff ang mga mata nitong kulay grey at ang kakisigan.
Kung malinis sa sala, ganoon din ang inabutan niya sa kusina. Tuyong-tuyo ang lababo at wala siyang makitang dumi na kumapit sa tiles. Pati laman ng mga hanging cabinets na mga groceries ay sorted at nakasalansan ng maayos. Hindi maisip ni Enso kung paano pa nabibigyan ng panahon ni Cliff ang ganito ka-metikulosong ayos ng bahay sa daming ginagawa ng lalaki.
Pati ang dalawang basurahan na naroroon na nilagyan ng black plastic trash bag ay naka-label ng Nabubulok at Di-Nabubulok.
Malinis din ang ref nang buksan niya. Sariwa pa ang mga gulay sa may bandang ilalim, may tirang ulam na nakabalot ng plastic at mga prutas na mukhang babago lang naroroon.
Kinuha niya ang isang boteng tubig na katabi ng ilang bottled fruit juice saka nakahanap ng baso sa sliding cabinet sa baba ng lababo. Pag-akyat niya ng kwarto, naabutan niyang nagsasalita ang nanay ni Cliff.
“Pumasok ka na anak, hindi mo na ako kailangang bantayan. Absent ka na nga kahapon dahil sa akin. Isa pa, paparito naman si Greta mayamaya lang.”
Umupo sa may gilid ng kama si Cliff. “Ok lang ‘Nay tatawag na lang ako sa kaklase ko at hahabol na lang ako sa mga lectures namin na namiss ko. Gusto kong bantayan ka ngayong gabi.”
“Hindi na kailangan. Nandito na ako sa bahay natin. Wala na tayo sa ospital. Isa pa ilang oras lang naman iyong ipapasok mo sa eskwela at uuwi ka rin ulit.”
Hinawakan ni Cliff ang kamay ng nanay nito saka hinalikan. Matagal itong walang imik na sa tingin ni Enso ay humuhugot ng lakas ng loob bago nagsalita para pigilang maiyak. “Okay sige pero promise mo sa akin tatawag ka kaagad kung may maramdaman kang kakaiba.” Ipinakita nito sa ina ang cellphone saka ipinatong sa sidetable katabi ng mga gamot.
“Heto na ang tubig,” sabi ni Enso pagpasok ng silid.
“Salamat,” ani Cliff na muling tumayo at kinuha sa kaniya ang bote at baso saka inilapag sa may side table. Naroon din ang isang note kung saan isinulat ni Cliff ang oras ng pag-inom ng gamot.
Nakapikit na ang ina ni Cliff nang lumabas sila ng silid.
“Anong sabi mo sa nanay mo tungkol sa akin?” tanong ni Enso pagkalapat ni Cliff ng pinto ng silid.
“Sabi ko kailangan kitang tulungan.”
“Ano pa?”
“Dito ka muna sa bahay titira pansamantala habang hindi pa nasosolusyunan ang problema mo.”
“Tapos anong sabi?”
“Okay lang.”
Ganoon ba sila kabait? Basta-basta na lang nila tatanggapin ang kagaya niyang ni walang matandaang ibang detalye tungkol sa sarili? Isipan pa ang nakita niyang hitsura ng sarili na nararapat lamang pagdudahan kung anong pagkatao meron. Napailing si Enso.
Mukhang nabasa naman ni Cliff ang nasa isip niya. “Mabait ang nanay ko at nagmana ako sa kaniya,” nakangiting sabi nito sa pagbubuhat sa sariling bangko. “Bukas ang tahanang ito para sa iyo Enso.”
“Paano kung masamang tao pala ako?”
“Bakit masamang tao ka ba?” balik-tanong naman sa kaniya ni Cliff.
Hindi niya alam ang sagot kung mabuti ba siyang tao o hindi. Paano kung kriminal pala siya o isang psycho murderer? Ilalagay niya sa peligro ang buhay ni Cliff at ang ina nito kung sakali.
“Isa pa, kung sa pagbabalik man ng alaala mo at malaman mong masama kang tao, nasa iyo na iyon kung ano ang gagawin mong desisyon kapalit sa pagtanggap namin ni Nanay sa iyo dito.”
Nang hindi siya umimik, hinawakan ni Cliff ang kamay niya, “Isa pa may deal na tayo ‘di ba? Na aalis ka lang sa buhay ko kapag nagbalik na ang alaala mo.”
Buhay ko? Parang hindi iyon ang sinabi niya kay Cliff kanina. “Okay.”
Hindi binitiwan ni Cliff ang kamay niya hanggang makapasok sila sa katabing silid.
“Welcome to my room,” sabi nito sa kaniya.
Maliit lang ang space ng kwarto ni Cliff. Pagbukas ng pinto, kita kaagad ang single size bed sa may kanan na nakadikit sa dingding na light blue ang kulay. Medyo malapad ang taas ng headboard kung saan nakapatong ang isang lampshade at hilera ng compact discs na nakasalansan ng maayos sa CD rack. May mahogany sidetable sa gilid ng kama na may mga drawers at nakapatong sa itaas nito ang ilang libro na nakaipit sa kabilaang metal bookends. Bandang kanan naroon ang nag-iisang bintana na natatakpan ng asul na venetian blinds na nakasara ng kalahati kaya nagre-reflect ang liwanag ng papalubog na araw na galing doon sa makintab na sahig na natural wood ang disenyo.
Tumuloy si Cliff sa clothes cabinet na katabi lang din ng pintuan saka iyon binuksan. As expected ni Enso, maayos din ang pagkakatupi ng mga damit sa loob.
Nilapitan niya ang hilera ng CD at kinuha ang isang pamilyar sa kaniya. “Napasok ka pa pala?”
“Oo. Diyan sa may malapit na State College.”
“Anong course?”
“Electrical Engineering.”
“May pasok ka ngayon?” Narinig naman niya ang usapan ng mag-ina pero gusto lang niyang ipaalala kay Cliff ang tungkol dito sakaling tinanguan lang ang ina para matapos lang ang usapan.
Tumingin sa mukha niya si Cliff. “Hindi nga sana ako papasok pero mapilit si Nanay. Ayaw din sana kitang iwanan mag-isa rito sa bahay.”
Mukhang iniisip pa rin ni Cliff na anytime ay maisipan niya ulit magsuicide. “Okay lang ako. Tsaka andito naman ang nanay mo kaya hindi rin ako nag-iisa.”
“Okay. Magsa-shower lang ako at pagkabihis aalis na rin. Mamayang alas-diyes nandito na ulit ako.”
Isinarang muli ni Cliff ang cabinet at iniabot sa kaniya ang hawak na nakatuping damit. “Baka gusto mong mag-shower pagkatapos ko, ito muna ang isuot mong damit. Malaki lang naman ng bahagya sa akin ang katawan mo kaya itong medyo maluwang sa akin siguradong kakasya na sa iyo.”
“Okay,” sang-ayon niya saka inabot kay Cliff at ipinatong sa kama na natatakpan ng navy blue na bed sheet. “May cd album ka pala nito,” itinaas niya ang hawak na compact disc ng sikat na bandang Sugarfree na album nilang may title na DRAMACHINE Repackaged.
Tumango lang si Cliff.
“Pwede kong patugtugin?”
“Okay. Feel at home,” sabi nito pagkuwa’y lumabas na ng kwarto para maligo.
Isinalang niya sa player ang cd saka kinuha ang remote at pinili ang huling track number na kantang pinamagatang, ‘Makita Kang Muli’ at sinimulang pakinggan. Naaalala niya ang taong ito, 2006 ay kasama sa panahong maituturing na golden age ng Pinoy OPM bands. Kita naman niya sa mga CDs na mayroon si Cliff na Hale, Spongecola, Cueshe,6 Cyclemind, Orange and Lemons at iba pa.
Sa palimang ulit niya ng pag-play ng kanta, sinabayan na ni Enso ang pagkanta:
“Puso’y nagdurusa, nangungulila
Iniisip ka pag nag-iisa
Inaalala mga sandali
Nang tayo ay magkapiling
Ikaw ang gabay sa akin tuwina
Ang aking ilaw sa gabing mapanglaw
Tanging ikaw…”
Napatigil siya sa pagsabay nang mapansing nakatayo sa may pintuan si Cliff. Nakatapis ito ng puting twalya mula beywang pababa. Basa pa ang buhok nito at may butil-butil ng tubig ang maskulado nitong katawan. Napa-wow siya sa six-pack abs ni Cliff at sa balahibo nitong nakadikit sa basang balat mula pusod pababa na biglang nawala sa nakatakip na twalya.
“Gusto mo rin pala iyang kantang iyan?” sabi nitong lumapit sa kaniya.
Bigla siyang naconscious at hindi makatingin ng diretso sa mukha ni Cliff. “O-oo.” Nagsimulang bumilis ang t***k ng dibdib niya.
Dalawang piye ang layo ni Cliff kay Enso nang tumigil sa paghakbang. “Naalala mo?”
“Hindi naman. Alam ko lang ang tungkol sa album na ito at itong kantang ito ang pinakagusto ko.”
Sa pag-iwas niyang tingnan sa mukha si Cliff, napababa naman ang tingin niya sa nakaumbok sa tuwalyang nakatakip sa binata. Napalunok siya ng laway at pinamulahan ng mukha nang makita niyang aware si Cliff kung saan siya mismong nakatingin.
Kinuha niya ang damit na ibinigay sa kaniya ni Cliff kanina na nakapatong sa kama. “Maliligo na ako,” paalam niyang hiyang-hiya sa binata.
“Tabi ng kusina ang banyo,” narinig niyang pahabol na sabi ni Cliff nang pababa na siya ng hagdan.
Inilock ni Enso ang pinto ng banyo saka tumapat sa shower. Ano bang nangyari sa kaniya? Paano kung makahalata si Cliff sa tunay niyang pagkatao? Di bale sana kung ganoon din si Cliff kagaya niya pero paano kung straight ang lalaki?
Sa kabaitan nitong ipinapakita sa kaniya, kailangan niyang bantayan ang sarili. Kailangan niya ng focus. Kailangan niyang isiksik sa utak niya na nandito lang siya hanggat hindi nagbabalik ang kaniyang memorya at aalis din siya sooner or later. And worst babalik din siya sa taong 2016 at iyon ang totoong present niya. Kaya hinding-hindi siya dapat magkaroon ng emotional attachment kay Cliff.
Ilang minuto ang lumipas pero hindi pa rin nag-lelevel down ang epekto sa kaniya ng nangyari. Hindi niya maalala kung kailan siya huling nakipagtalik pero base sa nararanasan niya na atraksiyon kay Cliff, malamang matagal ng hindi.
Humupa lamang ang nararamdaman ni Enso nang sundin niya ang idinidikta ng katawan at habang ginagawa ng kamay niya ang pagkilos, imahe ni Cliff ang tumulong sa kaniyang maabot ang langit.