“There is a slight misunderstanding,” medyo mahinang sabi ng Game Master sa audience nang makababa ng stage ang committee member, “It’s written in the rules that the dare is valid only if it is done by the employee with his or her official plus one, which in this case,” inilipat nito ang tingin kay Cliff, “Mr. Evangelista, your partner now is not your listed Plus One.”
Parang sinabuyan ng suka ang mukha ni Rob at pagkuwa’y namula ang mga pisngi sa hiya.
Kung kanina’y kaba lang ang nararamdaman ni Enso, ngayon ay tinatambol na ng malakas ang kaniyang dibdib.
“But the choice is yours, Mr. Evangelista. Do the dare as per our rules or donate half-month of your salary to our chosen charity.”
Tumingin si Cliff kay Rob at kahit hindi naririnig ni Enso ang sinabi, sa buka ng bibig ng binata, nahingi ito ng pasensiya kay Rob. Gentleman pa rin si Cliff dahil kung iisipin hindi naman nito kasalanan ang angyayari at hindi niya niyaya si Rob. Pagkatapos igala ang paningin ni Rob sa audience, bumaba ito ng stage at dumiretso ng exit door ng function hall.
Gusto sanang sundan ni Enso si Rob para aluin kaya lang tinatawag na siya ng Game Master na umakyat ng stage.
“Go,” nakangiting sabi ni Aldo sa kaniya. “Don’t let him wait.”
Halo-halo ang nararamdaman ni Enso nang maglakad siya papuntang stage lalo na’t sa kaniya lahat nakatingin ang mga mata ng lahat ng mga naroroon.
“Thank you,” bulong sa kaniya ni Cliff nang finally tabihan niya sa stage. “Pero kung hindi ka kampanteng gawin ko ang dare na kadamay ka…”
“Gusto ko,” kinut niya ang sasabihin pa ni Cliff. Sa totoo lang tama naman si Aldo na dapat talaga siya ang kasama ni Cliff. Kung hindi lang iprinisinta ni Rob ang sarili baka nasave pa ng nurse ang sarili sa naramdaman nitong pagkapahiya.
“Now that it’s settled, we can move on to reading our dare,” malakas na sabi ng Game Master para makuha ang atensyon ng lahat. Tumingin ito kay Cliff saka tinanong ulit ang kaperahas na tanong sa mga naunang kalahok.
“Yes, I will do the dare,” malakas namang tugon ni Cliff na tumingin sa kaniya. Kita niya ang biglang saya ngayon ni Cliff kumpara kaninang si Rob ang kasama.
“Kaya natin ‘yan,” pampalakas-loob naman niyang sabi sa kabila ng kinakabahan pa rin at super tense sa kung ano ang nakasulat sa papel na gagawin ni Cliff sa kaniya.
Natahimik din ang lahat nang buksan na ng Game Master ang papel. Tahimik muna nitong binasa ang nakasulat at pagkuwa’y pinanlakihan ng mata. Tumingin kay Cliff, tapos sa kaniya.
“Basahin na ‘yan!” excited namang sigaw ni Mr. Wil sa Game Master na nasa harapan ng laptop at naghihitay ng hudyat na i-play ang thirty-second-countdown timer sa projector.
Imbes na basahin, bumaba ng stage ang Game Master at lumapit sa Chairman. Habang nag-uusap ang dalawa, lumakas ang kutob ni Enso na mukhang hindi lang holding hands, kandong, pasan, buhat at yakap ang nakasulat sa papel. Mukhang higit pa.
Hinawakan siya sa kamay ni Cliff nang maramdaman na nagpapanic na naman siya. Kagaya ng dating paghawak sa kamay niya at marahang pagpisil para ipaalam ni Cliff na nasa tabi lang niya ang binata at wala siyang dapat ipag-worry. Kaibahan lang ngayon, sa harapan ng maraming tao hinawakan ang kamay niya.
Marahil, tama nga si Aldo. Gay-friendly ang kumpanya gayundin ang lahat ng empleyado dahil wala siyang nakitang negative reaksiyon kaninoman sa gesture na ginawa ni Cliff sa kaniya. Sandaling nagpapanatag iyon ng kalooban niya.
Nakangiti na ang Game Master nang umakyat ulit ng stage at samahan sila. Humarap ito sa audience saka nagsalita. “In as much as we need to stick to the rules of the game so that we can do our part in sharing something for our chosen charity, our Birthday Celebrant, Our Chairman just told us to proceed with the final dare of our game whatever it is and regardless to whom it will be done.”
Tumingin sa kanila ang Game Master saka tinanong ulit si Cliff. “Will you still do the dare when I read this to you or you’ll let us cut your half month salary to share?”
Tumingin muna si Cliff kay Enso at nang pisilin niya ang kamay nitong nakahawak sa kaniya bilang go signal, kampante ang mukha ni Cliff nang sumagot, “Yes, we will do the dare.”
We.
Magkasama sila ni Cliff para sa pangalawang pagkakataon na sumubok makatulong sa mga batang nangangailangan sa bahay ampunan.
“Okay, then brace yourselves,” sabi ng Game Master saka bumaling ng tingin sa auidience. “Ladies and Gentlemen, are you ready to hear the dare?”
Parang iisang taong sumagot ng ‘Yes’ ang buong audience. Ramdam ang thrill at pagtalon ng excitement sa buong paligid.
“So here it is…”
Tumigil ang paghinga ni Enso nang hindi niya namamalayan. Lalo namang hinigpitan ni Cliff ang hawak nito sa kamay niya.
“Halikan sa lips si Plus One nang hindi bababa sa thirty seconds!”
Marami ang napa-‘Ohhh’ sa audience at iba-ibang reaksiyon at klase ng saya ang nakita ni Enso pero ni wala isa mang tao ang nagpakita ng pagka-disgusto considering na parehas lalaki ang maghahalikan. Silang dalawa ni Cliff.
Tama nga si Aldo, gay-friendly ang kumpanya ng ama nito.
Ilang saglit ang lumipas bago tuluyang nag-sink in sa isip ni Enso ang dare para kay Cliff. Kailangang halikan siya sa lips ng binata. Hindi lang basta mabilisang halik sa labi kundi thirty seconds minimum ang dapat itatagal para maging valid. Thirty-second kiss or kalahating buwang sweldo ni Cliff ang matatapyasan pagdating ng payday.
Mabilis gumana ang isip ni Enso lalo na nang makita niya sa ekspresyon ng mukha ni Cliff ang alinlangan. Na para bang sinasabi sa kaniyang, “Hindi natin kailangang gawin ang dare kung hindi ka komportable.”
Kailangan ni Cliff ang bawat sentimo ng kinikita nito para sa inang maysakit. Kailangan ni Cliff ang pera lalo na’t nakasama pa siya sa mga alalahanin nito. Ang pinakamaliit na bagay na maitutulong niya ni Cliff ay ang tulungan ang binata na gawin ang dare.
Hinawakan niya ang isa pang kamay ni Cliff kaya napaharap ito sa kaniya habang nakatagilid naman sila parehas sa buong audience na nagsisigawan ng ‘Kiss! Kiss!’
Parang sinusunog ang dibdib niya lalo na nang tumingin siya sa maninipis at pulang labi ni Cliff. Mga labing ilang beses na niyang naisip kung gaano kaya kasarap halikan.
Nakatingin naman sa mukha niya si Cliff. Kita niyang kumislap ang mga kulay grey na mata nito, ramdam niya sa tinig nito ang naglalabang kagustuhan sa dapat gawin at pag-aalangan nang bumulong, “Okay lang Enso kung ayaw mo—”
Hindi na nito naituloy pa ang sasabihin nang bitiwan ni Enso ang mga kamay ng binata hindi para umalis siya sa kinatatayuan at iwan si Cliff sa stage kundi upang ibalot naman sa leeg nito, hilahin palapit ang mukha nito sa kaniya at halikan ang mga labi ni Cliff.
Kung nanahimik ang Game Master o kung may sinabi man kaya nagsimula ang countdwon timer na naka-flash sa projector ay hindi na napansin pa ni Enso dahil nang dumikit ang mga labi niya sa labi ni Cliff, pakiramdam niya’y umikot ang paligid at unti-unting naglaho ang lahat ng bagay na nakapalibot sa kanila. Hanggang si Cliff na lang ang natitira sa paningin niya na natagpuan niyang iniyakap ang mga kamay sa kaniyang tigiliran.
Nang magsimulang tumugon si Cliff sa halik niya, naramdaman ni Enso ang ilang beses ng sinisikil na kagustuhan ng binatang mahalikan din siya. Nalasahan niya sa mga malalambot na labi nito ang tamis ng softdrinks na ininom nito bago tawagin sa stage. Gusto niya ng lasa kahit alam niyang bawal sa kaniya. Mga labing nagsimulang kamkamin ang kaniyang bibig at ianod ang kaniyang isip para tanggapin na sa ngayon, ang halik lang nito ang mahalaga at parehas na kailangan nila.
Nang mag-ring ang buzzer na hudyat ng katapusan ng talumpung segundo, Si Enso na mismo ang bumawi sa kaniyang mga labi. Ramdam niya ang pangangapos ng hininga nang magsalita, “Sorry Cliff.”
Humingi siya ng paumanhin dahil siya mismo ang nag-initiate na halikan si Cliff.
Huminga rin ng malalim si Cliff at napintahan ng pagkalito ang mukha sa sinabi niya. “Bakit ka nagso-sorry?”
Mabilis ding nagbalik kay Enso ang isiping hindi siya magtatagal sa panahong ito. Babalik at babalik din siya sa 2016. Masasaktan lang sila parehas ni Cliff pagdating ng panahong iyon. “Dahil hindi kita dapat hinalikan.”
Tumango lang si Cliff bilang pagsang-ayon.
Magkatabi nilang hinarap ang audience na nagsisigawan pa rin at mukhang hindi maka-move on sa magkahalong tuwa at kilig sa katatapos lang na dare na nagawa nilang dalawa ni Cliff.