Tristan Ziro Pendleton Hindi ko alam kong paano ako nakabalik sa kwarto ko dito sa resthouse namin dito sa tagaytay habang umiiyak. Tila nawalan na ako nang lakas kanina dahil sa naging pag uusap namin ni Kendrid alam ko naman na ganito ang mangyayare kapag nagkita na kaming muli akala ko ay handa na ako sa ganito pero hindi ko talaga mapigilang lumuha dahil sa nakikita kong galit sa magandang mukha ni Kendrid. Paulit ulit kong sinisi ang sarili ko dahil ako ang dahilan nang galit at poot sa magaganda niyang mga mata ang dating puno nang pagmamahal at kasiyahan ni Kendrid ay unti unting napuno na nang galit dahil sa gagong katulad ko. Patuloy lamang ako sa pag iyak sa mga oras na ito at wala akong pakialam kahit sabihin pa nang iba na hindi dapat umiiyak ang isang lalaki ba

