CHAPTER 1

1926 Words
*** Sara  "Ma li-late nanaman ako nito hirap talaga sumakay mula dito papuntang school. Hays, kailangan ko naman rumakit nito.  At tiningnan ko ang aking pitaka na kinuha ko mula sa aking bag. At binilang ko ito. "Aabot pa kaya to? Kakasya pa kaya to? Napa karami pa naming project ngayon sa school na kailangang e comply". Nakakahiya na kay Ma'am panay next time nalang. "Lakarin ko nalang kaya total maaga pa naman,sabay excercise narin." At nang nag lalakad na ako papuntang paaralan, may nakasabay naman din ako na kapwa ko mag aaral.  Hanggang narating ko rin ang bungad nang gate ng school namin. Agad kong pinunasan ang aking pawis mula sa aking noo hanggang sa aking mukha at leeg.  Buti nalang may baon akong tubig. Nakatipid ako nang pera pang bili. At nang nakapasok na ako, agad kong tinungo yung room namin. Habang nag lakad ako papunta doon tinitingnan ko rin yung bulletin board na may pa minsan minsan kasi may maka paskil na naghahanap ng trabahante.  May nakita ako isang dish washer sa canteen. Dali dali akong lumapit sa may ari at nag tanong. "Excuse me po, bakante pa po ba ang hinahanap niyong dishwasher balak ko po kasi na pumasok". sabi ko sa may ari. Tumingin muna siya akin ng ilang minuto na para bang eni enspekyon niya ako. Mula ulo hanggang paa ko. "Bakit Hija, papasok ka ba? Mahirap ang gawain dito." sagot niya sa akin. "Ay, hindi po ma'am kaya ko ho yan. Gustong gusto ko po talaga ng rakit ngayon e." sakot ko sa kanya. Ngumiti sa akin yung May ari nang canteen bago siya mag salita. " Sige Hija kung ganon, e pagkatapos niyo mamaya sa klase punta ka dito. Para mag uumpisa kana." ang sabi ng may ari sa akin. Laking tuwa ko naman sa sinagot niya. Pagkatapos namin mag usap, agad na ako nag tungo sa room. Nasa gitna ng bahaging party nang klase, may pumasok sa aming room. Pitong magkakaibigan yumoko ako dahil sa hindi ko naman sila kakilala. Agad sila nag tungo sa likuran at kanya kanyang kuha nang upuan.  Hanggang sa natapos na ang klase, dali dali kong niligpit ang aking mga gamit at nilagay ko ito sa aking bag. Agad akong nagpunta doon sa pinag aaplayan ko kanina.  Nakita ko agad ang may ari ng canteen. Binati ko muna siya." Magandang hapon po ma'am." at ngumiti ako sa kanya. Agad naman niya akong napansin "natapos na ba kayo Hija? Tanong niya sa akin. "Opo ma'am. Ngayon lang agad naman ako pumunta rito." sagot ko sa kanya. "Ay kung ganon, halika na dito sa kusina . Medyo marami rami din kasing hugasin doon sa lababo.".. Ngumiti muna ako sa kanya bago ako nag salita. " Ay sige po ma'am. Salamat po ulit ha. Tumango lamang siya sa akin pahiwatig niya na sumang ayon siya nito. Agad akong pumwesto sa at tinukip ko ang aking polong damit, para di mabasa. At sa di ko namalayan ang pag takbo nang oras.  "Sara tama na yan baka gabihin ka na pag uwi sa inyo." sabi sa akin nang may ari sa canteen.  "Ay nand'yan po pala kayo ma'am di ko kayo napansin". Sabi ko sa kanya habang ini isa kung pinunasan ang bowl. Mapaklang tumawa si ma'am sa akin.  " Rosa nalang ang itawag mo sa akin. Wag na yang ma'am. O di kaya Aling Rosa." Suhesyon niya. "Sige na Sara iwan muna lang diyan yan, ako na tatapos diyan. "Sige po Aling Rosa salamat po. Baka din mag alala si Nanay sa akin di kasi ako nakapag sabi sa kanya e". At may inabot siya sa akin na pera. "Oh Sara yan ang sahod mo sa araw na ito. Bukas nanaman ulit. Tinanggap ko ang pera mula sa kanya.  "Sige po salamat". Aling Rosa. Agad ko namang kinuha ang aking bag at nagpaalam na ako sa kanya. "Maliit lang to, kaya kailangan ko pa talagang mag hanap ng ibang part time job. Naawa na ako kay Nanay at Tatay. Nandiyan pa si Leny at bunsoy nag aaral pa sa elementarya". sabi ko sa aking sarili. Nag lakad lakad ako habang nag aabang nang sasakyan pag uwi. "Nako parang gabihin yata ako nito sa pag uwi".  Nakailang para na ako sa mga sasakyan na dumadaan pero halos lahat ito'y puno. "Mag lalakad nalang siguro ako nito pag uwi."  Agad akong nag lalakad pauwi sa amin. Makalipas nang ilang minuto. Naka rating na rin ako sa amin. "Hays, salamat!  Nakita agad ako ni bunsoy na bunso naming kapatid. Agad niya akong nilapitan at nag sisigaw sa tuwa. "Ate Sara, bakit ngayon ka lang? Bakit ka ginabi? Alang alala sila Nanay at Tatay sayo. Lumuhod ako sa kanyang harapan habang tinakip takip ko ang kayang buhok sa ulo. "Marami kasing ginagawa si Ate sa school e." Pag sisinungaling ko sa kanya. Kailangan kung mag sinungaling muna sa kanila na nag pa- part time job ako. Baka kasi magalit si Inay.  At nang inangat ko ang aking ulo. Nakita ko si Nanay na nasa bulwagan nang pintuan.. At naka pwesto ang mga kamay nito sa kanyang dib dib. Agad namang tumakbo si bunsoy kay Inay.  "Nay nandito na po si Ate Ganda." Sabi ni Bunsoy sa kanya. Yumuko si Inay kay bunsoy, "Sige anak pasok ka muna sa loob. At pag sabihan mo si Ate leny mo na mag saing na para maka kain na tayo". "Sige po Nay." sagot ng kapatid ko at nag lakad ito patungong kusina. Dali dali naman akong nagmano kay Inay at humalik sa pisngi. "Ginabi ka yata anak nang umuwi?  Yumuko ako at sumagot para hindi makita ni inay ang pag sisinungaling ko. "Pasinsya na po Nay, sadyang napaka rami kasing gawain sa school ngayon e. Wala din akong masakyan kanina kaya nag lakad nalang ako pauwi. Agad naman lumbaot ang mukha ni Inay na naka tingin sa akin. "Ah, gano'n ba anak. Sa susunod mag paalam ka naman o di kaya'y mag text para di ako masyadong mag alala kung nasaan ka na ba. Labis mo akong pinag alala ngayon e, ang Tatay mo rin masyadong nag alala sa yo. Pa balik balik na sa kanyang nilalakaran. Alam mo naman si Tatay di ba may altapresyon. " sabi ni Inay sa akin. Agad akong tumango sa kanyang bilang pag sang ayon. "Pasinsya na po talaga Nay ha. Marami lang talagang gawain sa school e. " katwiran niya sa kanyang Ina. Ngumiti naman ito sa kanya at hinaplos ang kanyang mukha.  "Alam ko naman iyan anak, lalo na ngayon malapit kana makapag tapos sa kolehiyo.  At hinaplos haplos niya ang aking buhok. " Sige na pasok na tayo sa loob. Nandon ang Tatay mo nag hihintay sayo." Bigla akong na kunsensya sa sinabi ni Inay sa akin. Dahil sa pag sisinungaling ko. Kahit sabihing hindi ito ang una kung pag sisinungaling. Ayaw ko lang kasi na manghingi palagi ng budget sa school. Ayaw ko naman na pati project ko ihingi ko pa sa kanila. Agad kaming pumasok sa loob ng bahay at na inilapag ko ang bag ko sa sala at sabay na kaming pumasok ni Inay sa kusina. Nang naka pasok kami sa kusina naka bungad sa amin ang nakahanda na sa lamesa. Nakita ko si Itay na naka upo sa harap ng mesa. Tinungo ko si Itay at agad akong nag mano sa kanya.  Tiningnan niya muna ako ng may pag alala ang mukha pero agad naman itong nawala. "Pasinsya na po Itay ginabi po ako, marami pa kasi akong tinapos doon sa paaralan e. " sabi ko nito sa kanya habang naka yuko ang ulo ko. Agad naman niya akong tinakip sa aking balikat. "Alam ko naman nak na halos ginugol muna lahat sa paaralan kahit di mo sabihin sa amin nang nanay mo. Nakita naman namin ang pagsusumikap ko para makapag tapos ka."  Agad naman akong nag angat tingin sa kanya.  "Kung tutuusin nga nak, nakakahiya nga sayo e. Minsan mag lalakad ka lang papunta sa paaralan mo at pauwi. Dahil sa kulang yung pera na inabot namin sayo.Pero sa gitna nang lahat ng iyon mas lalo kang nagsusumikap. Na mag aral." sabi ni Itay sa akin habang namumula ang gilid sa kanyang mga mata. Narinig ko ang pag sighap ni Nanay mula sa aking likuran. Marahan kong nilingon si Inay. Agad naman akong nag tungo papalapit sa kanya. Niyakap ko siya at hinahaplos ko ang kanyang likod.  Yumokom ang kamao ko sa nakikita kung mahihirapan ang mga magulang ko. Kaya nga nag desisyon ako na mag part time job.  Mahina kung pinikit ang aking mga mata. Alam ko kasing si Itay lang ang kumayod sa amin at may sakit pa siya. Pinapalakas ko ang aking loob. Na hindi panghihinaan. "Hayaan niyo ho Tay, Nay. Pagka tapos ko po nang pag aaral mag hahanap agad ako ng trabaho." Ani ko sa kanila. Mahinang natawa si Tatay sa narinig niya. At hinawakan niya ang aking kamay. "Anak, hindi pa naman ako lumpo, kaya ko pa naman mag trabaho. Hindi ko sayo ipapasa ang responsibilidad ko. May mga kapatid ka pa." At inangant niya ang kanyang braso tinapik tapik pa ito. "Kaya ko pa. Sabay sabay kamingnag tawanan sa loob nang kusina. "Ohh. Sige na tama na yan" putol ni Nanay sa usapan. "Kumain muna tayo habang mainit pa.. Habang nag kainan kami. Panay naman tukso ni bunsoy kay ate Leny niya. "Oy si Ate Leny may nagka crush sa kanya". Habang pa kindat kindat ito sa mga kilay niya. Si Leny naman ay pina ikot lang niya ang kanyang mga mata. Habang sumusubo ito nang pagkain na nasa kutsara. Tumikhim muna si Inay bago mag salita. At tiningnan niya ang naka babata naming kapatid. "Bunsoy wag ka ngang ganyan sa Ate Leny mo." saway niya. "At ikaw naman Leny totoo ba tong sinabi nang kapatid mo.?  Agad naman nag angat tingin si Leny kay Nanay. At niyunga muna nito ang pagkain na nasa bibig niya.  "Nay, alam mo naman diba, magagandang lahi natin? Di talaga maiwasan yon." sagot niya kay Inay habang naka nguso pa. Mahinang tumawa ang Tatay. At tumingin ito kay Inay. "Mahal, hayaan muna." agad namang dinilatan ni Nanay si Itay nang kanyang mata.  "Ay, naku Alfonso! Kaya nga minsan di nakikinig ang mga anak mo sa akin kasi panay kunsinte mo naman." sabay ikot nito sa mata. "Talaga Tay, okay lang sayo na mag magka gusto sa akin? Panigurado ni Leny kay Tatay. "Okay lang naman yan anak. Basta wag ka lang munang tumanggap nang manliligaw".  "tssssk" ani ni bunsoy.  "Hayaan mo Tay, babantayan ko si Ate leny kong meron man isusumbong ko agad sayo.". "Ikaw Ate Sara, may nanliligaw naba sayo ha? Tanong ni bunsoy sa akin. "Oh. Teka! Bakit na sali ako diyan ha?  Pinaikot ni bunsoy ang kanyang mga mata at naka tingala siya sa bubong na para animo'y nag iisip.  "E kasi Ate, sa inyung dalawa ni Ate Leny ikaw yung pinaka maganda. At pinaka mabait. Diba sa school niyo ate maraming pogi doon?  Bahagya akong nabulunan sa sinabi ni bunsoy sa akin.  Dali dali naman inabot ni Leny sa akin ang baso na may lamang tubig. "Okay ka lang ba Ate? Tanong niya agad sa akin. Tumango muna ako bago sumagot. "Oo..okay lang ako". Naka tingin naman sila Nanay, Tatay at bunsoy sa akin. Agad ko naman silang tiningnan nang patanong?  "Bakit? Tumawa si bunsoy ng mahina at nag salita. "Oy, si ate ganda.. May boyfriend kana no? Ayaw mo lang mag sabi. Agad ko naman siyang tiningnan at pina ikot ko ang aking mga mata. At sinagot ko siya. "Wala ah. Studies first diba? Saka makapag hintay naman siguro sila kung meron man. At syaka ayaw ko pang mag boyfriend. Wala pa sa isip ko yan ngayon." Mahinang huminga nang malalim si Inay.  "Buti naman kung ganon Sara. Yang boyfriend boyfriend na yan darating din yan. In God's perfect time." at ngumiti siya sa akin. "Oo nga ate Sara. Hayaan muna natin sila magkandarapa sa ating ganda". Sabad naman ni Leny. "Asus".. E mas maganda si Ganda sayo ah.." bully ni Bunsoy.  "Inay ohh, si bunsoy napaka bully talaga." sumbong naman ni Leny kay Inay. "Shhhhh.. Tama na yan kumain na tayo para makapag pahinga na tayo nang maaga." saway ni Inay. Habang tahimik lang si Itay na nakikinig sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD