Dali dali akong lumabas nang bahay. Dahil sa lalakarin ko na naman mula dito sa bahay namin papuntang paaralan.
Kinuha ko ang selpon ko mula sa aking bulsa, at tiningnan ko kung anong oras na.
6:20 pa nang umaga, maaga pa ako makaabut sa university kung lalakarin ko ulit.
Habang nag lalakad ako marami din naman akong kasabay. Hindi na rin bago sa akin yun. Kaya nasanay narin ako.
Pagkalipas nang ilang minuto nakaabot narin ako sa bulwagan ng paaralan.
7:25 nang umaga ako nakapasok sa room.
Ilang minuto pa ang nakalipas nagsisidatingan na ang mga ka klase ko. Huling dumating ay iyong aming propesor.
Agad akong pumwesto sa aking inuupuan. Maya maya pa ay nagsidatingan yung grupo at hihiyawan na animo'y sila lang ang tao sa loob nang room.
Napapikit ako sa aking mga mata. Habang na kakuyom ang aking mga kamay. Yung isang membro kasi sa grupo nila ay anak nang may ari nang paaralan. Mga mayayaman din yung iba.
"Ganito ba talaga sila? Napaka bastos." sabi ko sarili.
Maswerte na nga lang ako dahil sa nakapag aral ako dito. May nag sponsor sa akin para makag aral ako.
Titiisin ko nalang ang mga to. Total malapit na akong makapag tapos. Buti nalang di nila ako pinag didiskitahan.
Nang mag bell, dali dali ako nag punta sa library. Nasa limang libro din ang hinahanap ko. Agad akong pumwesto nang may nakita akong bakanteng mesa.
Nang nasa kagitnaan na ako nang pagbabasa. Napansin ko ang mga kalakihan na pumasok.
Nag sa walang kibo nalang ako ang sa isip ko ay matapos ang lahat nang gawain ko at maka punta na sa Canteen na pina pasukan ko.
Pa minsan minsan ay sinusulyapan ko ang mga lalaki na nag kukom pulan, napa iling ako sa aking ulo. Na kahit sa Library ay nagawa pa rin nilang mag ingay.
Maya-maya binalik ko ang mga libro na ginamit ko. At umalis ako kaagad.
Dumiretso ako sa canteen. Para mag umpisa na naman mag,hugas ng plato.
Nang makarating ako sa pwesto, agad naman akong napansin ni Aling Rosa. Agad akong ngumiti sa kanya. At ganon din naman siya sa akin.
"Oh, Sara ang aga mo yata? Tanong niya sa akin.
Mahina akong napangiti dahil sa ekspresyon nang mukha niya.
"Ay, Aling Rosa dalawang subject lang kasi kami ngayon e. Kakagaling ko lang din sa library at nang natapos ako don agad akong dumiretso dito." pag tatapat ko sa kanya.
Ngumiti siya sa akin bago siya mag salita.
"Ganon ba Sara, buti naman para may kasama ako dito sa pag titinda kung makapag tapos ka nang pahuhugas nang pinggan."
Dali dali akong pumasok sa loob at itinabi ko ang aking bag.
Hinanap ko agad ang Apron at gloves.
" Hays, salamat naman medyo magaan ang pakiramdam ko kay Aling Rosa. Kahit medyo maliit lang tinatanggap kong sahod sa pag huhugas ng plato. Okay na rin kasi mabait 'yong tao." sabi ko sa sarili.
Agad kung inabot ang sponge at nilagyan ko ito nang liquid soap. Iniisa isa kong hinugasan ang mga plato, kubyertos, at mga baso.
At nang matapos na ako, agad akong pumunta kay Aling Rosa. Lihim akong napa ngiti nang makita ko siya na napaka sigla niya na bumabati sa mga dumadating na mga costumers.
Agad ko naman siyang nilapitan at tinutulongan.
Napangiti siya nang makita niya ako.
"Oh, Sara tapos ka na pala? Tanong niya sa akin.
Yumuko ako bago ko siya sinagot.
"Ay opo! Aling Rosa bago lang ako natapos. At tinungo kita agad dito." sagot ko sa kanya.
"Ah ganon ba? Sige ma upo ka muna."
Umiling muna ako bago ko siya sinagot.
"Wag na po Aling Rosa. Tutulongan na po kita".
Nakita kung biglang kumislap ang kanyang mga mata.
Ngumiti siya sa akin at hinawakan niya ang aking mga kamay.
"Gano'n ba? Ohh sya, sige! Tulongan mo ako." ani niya nito na tuwang tuwa siya.
Agad siyang nag tungo sa mesa at nag tanong tanong kung anong order nila. Pa tango tango lang ang ali.
Tinitingnan ko muna si Aling Rosa nakita kong sana'y siya sa kanyang gawain. Maliban sa pag kukuha nang mga orders, sanay din ito sa makipag halubilo sa mga costumers.
Napatanong tuloy ako sa sarili ko, kung may pamilya kaya ito?
At nang natapos siya sa kanyang ginagawa. Agad niya akong nilapitan at inabot niya sa akin ang notebook, na sinulatan niya kanina sa mga orders.
Agad ko naman itong inabot.
Tiningnan muna niya ako bago siya mag salita.
"Sara ikaw na ang mag bigay niyan sa kanila."
Agad akong tumango ,"Sige po Aling Rosa ako na ho nito " at dali dali akong nag tungo sa ref at binuksan ko iyon.
Nag lagay ako nang ilang pirasong cake. At nag kuha ako nang ilang baso at nilagyan ko iyon nang pang papalamig.
At nang matapos na ako sa pag hahanda, agad naman akong nag tungo sa mga pwesto nila. At nilagay ko iyon sa isa't isang mesa.
"Here's your order Sir". huli kong sabi sa taong huli kong nabigyan.
Agad niya akong tiningnan at nag tama ang mga mata naming dalawa. Sa di malaman ang kadahilananan agad akong naka dama nang grabing kaba.
Agad akong nag tungo kung saan si Aling Rosa.
Tiningnan niya muna ako, na may bahid na pag alala.
"Ayos ka lang ba Sara? Tanong niya nito sa akin.
Agad naman akong tumango. "Opo".
"Ah sige, dito ka muna at titingnan ko ang ref kong may stock pa ba para bukas."
"Sige po.
***
Sa di namalayang oras nasa alas 9 na nang gabi ngunit nasa labas parin ako nag lalakad pauwi. Dahil sa wala na rin akong kasabay na mag lakad dahil sa kapwa ko studyante ay nag sisi uwian na kanina pa. Natagalan kasi kami sa pag aayos nang mga binili ni Aling Rosa kanina.
Kinuha ko ang Headset nang selpon ko at nakinig ako nang music. Habang sa nakikinig na ako. Napansin kong may mga kalalakihang sumusunod sa akin. Kaya mas minabuti kong di lumingon at nilakihan ko ang aking hakbang.
Ngunit mas lalong bumilis din ang kanilang hakbang. Kaya ako naman ay lakad takbo ang ginagawa ko. Hanggang sa liningon ko sila pamilyar sa akin ang mga mukha nila ngunit di ko alam ang mga pangalan nila.
Mas lalo akong kinabahan nang binilang ko sila na sa 7 sila ka tao. May naninigarilyo meron din naka head phone at may mga tattoo sila sa kanilang mga braso at paa.
Hanggang sa tumakbo ako nang malakas at na tisod ako. Nasapo ko ang aking tuhod dahil sa sobrang lakas nang pagka dapa ko. Nakito ko ang aking tuhod na malaki ang hiwa nito at nag sisi daluyan ang mga dugo ko. Di ko dinaing ang sakit na natamo ko. Bagkos dahan dahan akong tumayo hanggang sa nakaya ko na sakit agad naman akong tumakbo nang malakas.
Iyak ako nang iyak, dahil sa subrang kaba ko. At kung ano ang mangyayari sa akin sa susunod. Nag dadasal ako sa panginoon na sana meron akong makitang tao para mahingian ko nang tulong ngunit, sa kasamaang palad wala akong makita kahit isa.
Tumakbo pa ako nang tumakbo at dahan dahan kong liningon ang mga tao na nasa aking likuran. Ngunit sila ay nag tatawanan lang.
Hanggang sa may naka salubong akong nag titinda nang balot. Matanda na siya, agad akong tumakbo sa kanya upang maka hingi nang tulong.
Sumigaw ako "Tulong!! Tulong.." Manong parang awa niyo na, tulongan niyo po ako."
At agad niya akong nilapitan gulat na gulat siya at may bahid sa mukha niya ang pag tataka.
"Ano ba ang nangyari sayo Ining? Tanong niya sa akin.
Nanginginig ako sa kaba, habang sapo ko ang aking tuhod. Ngunit pinilit kong makapag salita.
"Ma---y humahabol sa a----kin" utal kong sabi.
"Bakit ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit ka ginabi? dagdag niyang tanong sa akin.
"May ---- may sumusunod sa akin". Sabay turo ko sa likuran ko na medyo madilim ang paligid.
"Sige sumabay ka sa akin at ihatid....
"Plaaaaa..
"Plaaaa.."
Di na natapos nang matanda ang sinabi niya. Napakabilis ang pangyayari. Sunod sunod ang narinig kong tunog nang bala.
Nakita ko nalang ang katawan nang matanda na nakahandusay sa kalsada.
Natamaan siya sa dibdib at sa gitnang bahagi nang tagiliran niya.
Halos mawala na ang kaluluwa ko sa aking katawan sa nakita ko. Patay na ang matanda na nasa aking harapan.
Nanginginig ang tuhod ko na at lumambot nang todo.
Nilingon ko sila, Habang kitang kita ko sa aking mga mata ang isang lalaki na kasama nila na nakahawak nang baril. Habang umuosok pa ang dulo nito.
Napa atras ako, dahil sa sigurado na ako na sa susunod na putok nito sa katawan ko na.
Kaya kahit naka suray suray ako tumakbo pa rin ako. At di ko na gumawang lumingon pa sa kanila.
Takbo !! Hahahaha"
"Sige pa, tumakbo ka pa hahahahaha".
Iyan ang mga naririnig ko sa kanila habang nag tatawanan silang lahat.
Kinapa ko ang selpon ko na nasa loob nang bulsa ko kanina. Ngunit wala na akong makapa..
Iyak ako nang iyak. "Nasaan na ba yon huhuhuhu. Dyosko lord maawa ka"
Walang ibang nasagi sa isip ko ngayon ang may makatulong sa akin.
Panay ako nang dasal.. "Lord tulongan niyo po ako, parang awa niyo na".
Hanggang sa nadama kong may humila sa buhok ko. Napa pikit ako sa subrang sakit "ahhh. dyosko po tulungan niyo ho ako" habang panay iyak ko at halo halo na ang nadarama ko.
"Hahahaha pa no na yan Miss naabutan ka namin. Hahahaha" sabi nang isang lalaki na may katangkaran at may tattoo ito sa kanyang leeg.
"Sige sigaw ka lang nang sigaw walang makaka rinig sa yo dito hahahaha." Ani naman nito sa isang kasama nila na may balbas. At naka sout ito na leather jacket.
"Hahahaha paano na yan Miss may nasabit pa, bakit ka pa kasi humingi ka pa nang tulong? Kaya ayon namatay ang matanda dahil sayo? Hahahahaha." sabi sa akin na man nang isang lalaki namay hawak na sigarilyo.
***
THIRD PERSON POV
"f**k!! Pierce
"Ano yon? Pius
"Tunog yon nang isang baril!! Adam
Nagsitayuan kaming lahat nang makarinig kami nang dalawang sunod sunod na tunog nang baril.
Agad akong tumayo, at dinampot ko ang susi nang sasakyan ko. Nag sitayuan naman ang mga kaibigan ko at isa isang kumuha nang baril.
Agad akong nag tungo sa aking sasakyan at sumunod naman ang mga kaibigan ko na kanya kanyang buhay nang makina.
At nang nakalabas na kami sa hide out. Agad kong binuksan ang computer at tina track ko kung saan nang galing ang tunog.
Maya maya nakita ko na kung saan iyon, sa banda nang eskinita. Na hindi kalayuan mula dito.
Agad kong pina harurot ang sasakyan.
Sa di kalayuan may nakita akong matandang lalaki na nakahandusay sa kalye. Medyo madilim ito kaya siguro walang naka kita.
Tinigil ko ang sasakyan sa di kalayuan mula sa kanya at agad akong bumaba. Makalipas din nang ilang minuto. Nagsidatingan na rin ang mga kaibigan ko.
"f**k"!!!! I cussed. Dahil sa nakita kong matanda na nakabalot na nang dugo ang kanyang buong katawan.
***
Sara
Nag mamakaawa ako para di nila ako saktan. Ngunit bigla nalang akong sinuntok nang isang lalaki na may tattoo sa mukha. Napa ka bilis nang pang yayari. "Agghhhhh"!!! Bago pa ako nawalan nang malay may narinig pa ako.
"Jack!! Ba't mo ginawa yon?
"Silent or your die?!!! Ani nitong sumontok sa aking sikmura hanggang sa nawalan na ako nang malay.
Nagising ako, na nang nakatali ang aking mga kamay at may takip ang aking bibig.
Pakawalan niyo ako...pero walang boses na nakalabas mula sa aking bibig.
"Uy gising na si Miss Flawless.. " tugon nang isang lalaki na may balat sa mukha. Tansya ko nasa 20s pa ito.
Agad namang nag tigil ang mga ginagawa nung iba pa niyang kasama. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung saan ako ngayon. Napakadaming gamit nang pang pupotok.
Klase klasing baril ang nakita ko. Meron ding mga gamit na pang patalim.
Ramdam ko parin ang sakit nang aking sikmura sanhi noong sinuntok kanina.
"Nasaan ako"? Sabi ko. Agad naman kinuha ng isang lalaki ang panyo na nakatali sa bibig ko.
"Pakawalan niyo na ako dito, maawa na kayo. Nag aalala na yung mga magulang ko ngayon kung bakit wala pa ako".
Agad naman nag sisigawan sila.
"And why would I do that? huh...!! Sa tingin mo ba makakalabas ka sa gusaling ito na buhay? Hahahaha". Ani nitong lalaki na may tattoo sa mukha.
At agad niya akong nilapitan at hinalikan sa aking bibig.
Di ko binuksan ang aking bibig di ko hinahayaan na makapasok ang dila niya. Hanggang sa nakalasa ako nang dugo mula sa aking bibig dahil sa sapilitan na niya akong hinahalikan.
"Matapang ka"? Sabat niya, agad niya akong tinanggalan ng tali sa aking mga kamay at ipinangko niya ako na parang sako.
"Ibaba mo ako, ibaba mo ako!!!
Pag sisigaw ko sa kanya habang panay hampas ko sa kanyang likorang bahagi. Nag pupumiglas,ako ngunit na paka lakas niyang tao.
"Hahahaha" yan lang ang narinig ko sa bibig nang mga tao doon.
Hanggang sa na nakaabut kami nang isang kwarto..binuksan niya iyon habang ako'y nag pupumiglas.
"Tulong, tulong!!! Pag sisigaw ko.
Inihagis niya ako sa isang kama, at dumiretsong umibabaw sa akin.