“Myla?” tawag sa kaniya ng Isang babae. Napalingon siya noong narinig niya ang pagtawag sa kaniyang pangalan. Hindi niya maiwasan na magulat. Napahawak siya nang mahigpit sa payong na hawak niya. “Ikaw ba talaga iyan? Oh my gosh, it’s been years. How are you?” tanong ni Mrs. Monteclor. Hindi siya ngumiti kahit na nakangiti ito sa kaniya. Totoo nga kaya ang ngiti nito o pagpapanggap lang ba iyon? Pansin niya ang katandaan sa mukha ni Mrs. Monteclor ngunit hindi maipagkakaila na may pinaayos ito sa mukha nito. “Ayos lang po,” sagot niya. “Can we talk somewhere? Busy ka ba?” tanong nito sa kaniya. “May trabaho po kasi ako. Napadaan lang ako rito sa bakery dahil may pinabili sa akin ang amo ko,” pagtanggi niya. Ayaw niyang makausap ito nang matagal. “That’s too sad.” Bumunton
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


