Prologue
Ito na ang pamamaalam niya sa mga magaganda at masasamang alaala, sa mga biruan at pag-aaway, sa mga iniisip na mga bagay na walang kasiguraduhan at sa mga plano nila sa buhay.
She thought that everything will be alright but she's all wrong. Ang lahat ng inaakala niya ay hindi naman pala mangyayari. Inaasahan niya na magiging maayos na ang relasyon nila ngunit mas magulo pa pala ito kaysa sa nauna niyang pag-ibig.
Mula sa pagiging magkaibigan ay nauwi ang kanilang relasyon sa pag-iibigan.
Ang inaakalang magandang love story na may magandang ending ay nauwi sa isang malungkot na kwento.
Madaming hadlang na ikina-hina ng kaniyang pag-aasam na makamit ang magandang happy ending.
Puros gulo at problema.
Isa lang ang naisip niyang paraan upang maayos na ang gulo sa buhay niya.
Ito ay ang pamamaalam.
"Huwag mo akong iwan, Mylaflor." Pigil sa kaniya ng lalaking lubos niyang minamahal.
Pilit niyang pinatatag ang kaniyang sarili. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang lalaki. Mas pinili niyang iiwas ang kaniyang mga mata, huwag lang talagang makita ang nagmamakaawang mukha ng kaniyang minamahal.
Ito ang dapat na gawin kahit na ayaw niya. Alam niyang nagpapadalos dalos siya ng desisyon pero hindi niya na makuha pang mag-isip ng maayos. Punong puno na ng mga problema ang utak niya. Pilit itong sumisiksik sa loob ng isip niya na para bang anumang oras ay pwedeng nakawin ang katinuan niya.
Sunod sunod na problema. Patong patong na mga problema. Ano nga ba ang uunahin niyang solusyunan?
Isa lang ang napili niya. Ang lumayo na lang muna sa kaniya.
"Uuwi lang ako sa amin." Mahinang sagot niya habang itinutuon ang pansin sa kalsada na punong puno ng mga sasakyan.
Hindi umuusad ang trapiko, at ang bawat busina ng mga sasakyan ay mas dumadami. Ang mga taong naghihintay ng mga sasakyan ay kumakapal na.
"Babalik ka pa ba?" mahinang tanong nito sa kaniya.
"Iiwan mo na ba ako?" may pangamba sa boses nito.
Naramdaman niya ang paghawak nito sa kaniyang kamay. Puno ng pagsuyo at pagmamahal ang ginawa nitong haplos sa kaniyang kamay. Hinigpitan niya ang hawak sa strap ng bag pack na dala dala niya. Pumikit ng mariin at bumuntong hininga na lang. Ang tanong nito ay sinagot niya ng katahimikan. Ang katahimikan ay sumasagot bilang 'oo'
"Sagutin mo ako! Babalik ka pa ba sa akin?" Madiin ang tanong nito. May inis at sakit na naririnig sa boses nito.
Hindi niya makaya na tingnan ito. Ayaw niyang malunod sa nasasaktan na mga mata ng lalaki. Baka umatras siya sa plano niya kung lalambot siya dito.
Hindi maaari na umatras pa siya. Kailangan niyang mamili sa pagitan ng kapayapaan at kaguluhan.
Ano nga ba ang pipiliin niya? Ang pamilya o ang pagmamahal niya?
She want peace and happiness.
If she choose him, she will just experience happiness but not peace.
"Ang bawat tao'y nawawalan din ng gana." makahulugang sambit niya.
Sawa na siya. Wala na siyang gana sa pag-iibigan nila. Mahal niya ito ngunit ang pagpasok ng pamilya nito sa kanilang personal na buhay ay hindi niya na matiis.
Sobra na. Hindi niya na kayang ipaglaban pa ang pagmamahalan nila.
Nakakawalang gana na patuloy lumaban dahil alam niya nang hindi maganda ang kahihinatnan nito. Kahit lumaban pa sila ay alam niyang talo siya.
"Sinasabi mo bang ayaw mo na sa akin? Na wala ka ng gana sa relasyon natin?" tila pumiyok ang boses nito dahil sa sakit. Ang pagtatanong nito sa kaniya ang nakapagbigay sa kaniya ng konsensya.
"Sa tingin mo ba ay madali ang mahalin ka?" Kalmado ang boses ngunit ang nararamdaman sa loob loob ay hindi.
Sobrang lakas ng t***k ng puso niya at hindi mapakali ang nararamdaman niya. Gustong gusto niyang bawiin ang sinabi ngunit hindi niya pwedeng gawin!
Gusto niyang sabihin lahat sa lalaki ang hinanaing niya ngunit pilit niyang pinipigilan. Hindi na dapat niya malaman. Ayaw niyang makasira. Ayaw niyang mawasak ang relasyon nito sa kaniyang pamilya.
Hindi siya madaling mahalin. Komplikado at mahirap! Mahirap ding maghanap kung saan siya lulugar.
Tumaas ang boses nito dahil sa pagsagot sa kaniya. "Hindi! Alam kong hindi ako madaling mahalin pero kung talagang mahal mo talaga ako ay mananatili ka pa rin sa tabi ko kahit na sobrang hirap na!"
Ang ilang taong malapit sa kanila ay napatingin ngunit hindi niya ito pinansin.
"Lovers quarrel?" May isang natawa sa gilid pero tinginan niya lang ito kaya nag-iwas ito ng tingin.
"Hirap na hirap na ako." Mahina niyang bulong kay Renzy. Muli niya itong pinagtuunan ng pansin.
Walang reaksyon na hinigit niya ang braso nito. Hinila niya ito palayo sa kalsada. Pumunta sa isang sulok kung saan nandoon ang isang upuan. Lumayo sila sa mga tao upang hindi nila marinig ang kanilang pag-uusap.
"Sinabi mong hirap ka na kaya susuko ka na? Hindi ba't sinabi mong mahal mo ako?" May hinanakit na tanong nito.
"Bakit mas pinipili mong lumayo sa akin?" May kabilisan na umiling ang lalaki.
"Hindi maaari! Hindi ka dapat lumayo!" Dugtong nito.
Isang malalim na pagbuntong hininga ang kaniyang ginawa. Malalim na tinitigan si Renzy.
"Dahil ayoko ng komplikadong buhay! Magulo na ang buhay ko at ayoko ng madagdagan pa ng kaguluhan ang buhay ko!" Gigil niyang paliwanag.
Kotang kota na nga siya sa mga problema tapos madadagdagan pa?
Mahal niya nga ang lalaki ngunit kaya niyang itapon ito para sa pamilya niya. Kailangan niyang unahin ang pamilya kaysa dito.
Kailangan niyang tustusan ang pangangailangan nila. Bigyan sila ng magandang buhay para makabawi sa mga paghihirap nila sa kaniya.
May isa pang dahilan kung bakit pinipilit niyang lumayo. Ito ay—ang pagiging tutol ng pamilya nito sa kaniya.
Ayaw niyang dumating sa puno na saktan ni Mrs. Monteclor ang pamilya niya para palayuin siya kay Renzy.
Lumingon siya at sinalubong ang tingin ni Renzy. Pansin niya ang pagdilim ng reaksyon nito ngunit hindi pa din natabunan ang sakit at pagkabigo.
"Kahit na itapon mo ako? Kahit na itapon mo ang pagmamahal ko sa'yo? Ano ang kapalit? Kapayapaan sa buhay mo?" hindi makapaniwala nitong tanong sa kaniya.
Kinuyom niya ang kaniyang kamay at muling pumikit. Mabilis ding nagmulat ng mga mata. Tumingala siya upang panandalian na pagmasdan ang langit.
Ang buhay ay sobrang hindi makatarungan.
Kalaunan ay tiningnan ulit ang lalaki.
"Oo! Gustong gusto ko ng buhay na tahimik! Walang problema! Wala ding mga kaaway! Ayoko ng manatili sa tabi mo sapagkat hirap lang ang nararamdaman ko sa piling mo!" Matigas ang boses na sagot niya.
Hirap at sakit. Ang mga salitang ibinabato nila sa kaniya ay hindi niya na kinakaya. Pilit nilang pinipilayan ang pagkatao niya.
"Hindi ako ang nagpapahirap sa iyo." Umiiling na saad nito.
Isang mapait na ngiti ang kaniyang ginawa. "Hindi nga ikaw pero ikaw pa din ang sanhi nito. Ikaw ang dahilan kung bakit nila ako tinatapak-tapakan."
Inabot nitong muli ang kaniyang kamay. Pinisil at hinalikan upang suyuin siya.
"Mahal mo ako, diba? Pakiusap, Mylaflor. . . huwag mo akong sukuan." Pagmamakaawa nito sa mahinang tinig.
Nakapa niya sa kaniyang dibdib ang awa para sa lalaki. Ayaw niyang sukuan ang lalaki ngunit kung hindi niya ito gagawin ay siya naman ang maapektuhan.
"Pagod na ako, R. Hindi ko na kayang manatili pa sa piling mo." Mahinang buntong hininga ang ginawa niya bago niya tinanggal ang kamay nitong nakahawak sa kaniya.
Kinagat nito ang ibabang labi at pansin niya ang pagdiin nito. "Hindi mo ba alam na sa mga salitang iyan ay sinasaktan mo ako?" Mas naging halata ang hinanakit sa boses nito.
"Nasasaktan din naman ako pero alam kong sa kasalukuyan ay maghihilom pa din ang lahat ng sakit at sugat." Tanging sagot niya na lang.
Ayaw niyang mas saktan ito. Ayaw niyang may masabi siyang mga kasinungalingan para lang lumayo siya. Hangga't maaari ay iiwasan niyang magsinungaling.
"Kay bilis lang sa'yo na sabihin iyan sa akin. Sa palagay ko ay sobrang babaw ng pagmamahal mo sa akin." Malungkot ang boses nito habang sinasabi ang mga salitang iyon.
Napatingin siya sa lalaki at doon niya nakita ang mga mata nitong lumuluha na. Mahinang singhap ang lumabas sa kaniyang bibig.
"Mahal kita ngunit alam ko kung paano pahalagahan ang sarili ko. Alam kong kailangan kong piliin ang mas makakabuti sa aking katinuan."
"Sa piling mo, hindi malabong mabaliw ako balang araw." Sambit niya at iniiwas na ang paningin kay R.
Ang mga kamag-anak nito ang papatay sa katinuan at dignidad niya, lalong lalo na ang ina nito.
Lumayo siya at hinayaan ang sariling mga paa na dalhin siya sa parte ng mga pasaherong naghihintay. Ang mga pasahero ay sunod-sunod na pumila para sumakay sa bus.
Pipila na sana siya ngunit bigla siyang napatigil dahil sa narinig. Tinawag ni R ang kaniyang pangalan. Malakas at may pagmamakaawa sa kaniyang tinig.
Napasinghap siya nang biglang may yumakap sa kaniya mula sa likod.
"Pakiusap, Mylaflor! Huwag mo akong abandonahin! Alam mong sobrang mahal na mahal kita. . . Alam mong hindi ko na mahahanap pa ang kaligayahan ko kung wala ka na." Pagmamakaawa nito sa kaniya. Rinig niya ang boses nitong napapatigil dahil sa paghikbi.
"Kung ang kandila ay nauubos, paano pa kaya ako?" mahina niyang tanong dito.
"Tutulungan kitang buuin ulit ang sarili mo. Handa kong ibigay. . . sa'yo ang lahat ng lakas ko para lang hindi maubos ang gana at lakas mo. . . para mahalin ako." Sambit nito sa kaniya.
Naramdaman niya ang pagyuko nito sa kaniyang balikat. Nakasubsob ang mukha nito at maya maya ay nadama niya ang pagkabasa ng kaniyang damit.
Ipinikit niya ang kaniyang mga mata habang hinahawakan niya ang kamay ni Renzy. Ang magkabila niyang mga mata ay lumuha dahil sa awa at sakit na nararamdaman.
Kay hirap para sa kaniya na ipagtabuyan at iwan ang lalaki.
Kung parehas lang sana sila ng estado sa buhay ay kaya niyang ipaglaban ang pagmamahal niya dito. Ang saklap lang ng buhay dahil magkaibang magkaiba sila ng estado. Mayaman ang lalaki habang siya ay mahirap lang.
Marahas niyang inalis ang kamay nitong nakaikot sa kaniyang tiyan. Pinalakas niya ang loob niya upang hindi magpaapekto sa sakit na nararamdaman niya.
"Ayoko na nga! Ilang beses ko bang ipapaintindi sa'yo na ayoko na? Ang kulit kulit mo! Hindi ka makaintindi!" Sigaw niya at pinunasan niya ang luha niyang tumutulo.
Isang malakas na pagsinghap ang kaniyang ginawa bago siya humarap kay Renzy.
"Dahil hindi ko matanggap! Basta mo na lang akong iiwan kahit na kumakapit pa ako sa pagmamahal ko sa'yo! Ang bilis mong magdesisyon! Noong isang araw lang ay masaya pa tayo tapos paggising ko. . .bigla ka na lang nagbago. . .pinili mong iwan ako! Wala naman akong ginagawang masama, Mylaflor!" May inis sa boses ni Renzy ngunit ang kamay nito ay pilit na yumayakap sa kaniya.
Kilala niya ang lalaki. Matigas ang ulo nito at gagawin ang lahat para lang magawa ang gusto. Ayaw nitong makipaghiwalay at alam niya nang ganito ang mangyayari.
"Umuwi ka na! Gusto ko ng tapusin ang lahat sa atin!" Malamig niyang sabi dito habang pinipigilan ang pagyakap nito.
Naramdaman niya ang pagkakahulog ng strap ng bag pack niya kaya inayos niya ito sa pagkakasakbit sa kaniyang balikat. Nagpumiglas siya upang hindi mailagay ni Renzy ang ulo sa kaniyang balikat.
"Ayokong umuwi ng wala ka! Isasama kita sa pauwi!" Saad nito
Naiinis na siya at napapahiya. Sa pag-aaway nila ay napapatingin na sa kanila ang mga hindi pa nakakasakay na mga pasahero. Dumadami na din ang tao sa terminal ng bus.
Sinubukan niyang yumuko. Marahas niyang hinampas ang kamay nitong pilit humahawak sa kaniyang braso. Hinarap niya si Renzy at pagkatapos ay pinanlisikan niya ito ng mga mata.
"Bakit pinipilit mo pa sa akin ang sarili mo? Pinagtatabuyan na kita kaya sana i-save mo ang dignidad mo at huwag kang magmakaawa sa akin. Hindi ka ba nahihiya sa mga tao sa paligid?" Matigas niyang sabi.
Umalis siya ng walang paalam dito. Walang nakakaalam na aalis siya ngayon. Nagulat na lang siya kanina noong bigla itong sumulpot sa kaniyang tabi habang naghihintay ng susunod na bus na aalis.
"Nagmamakaawa ako dahil ayaw kitang mawala. Ayokong iwan mo ako dahil mahal kita." Nakikiusap na sambit nito.
"Paano kung sabihin ko sa'yo na hindi na kita mahal?" pagpapatuloy niyang pagsisinungaling at nakita niya ang pagtulo ng luha sa mga mata ni Renzy.
Puno ito ng lungkot at sakit. Naramdaman niya ang pagbara sa kaniyang lalamunan. Kinagat niya ang ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak. Ayaw niyang ipakita dito ang luha niya.
Natahimik ang lalaki sa kaniyang sinabi. Maya maya pa ay bigla itong nagpunas ng mga luha at tumingin sa kaniya ng seryoso. Dumiin ang tingin nito na para pang naging determinado na gawin ang isang bagay.
"Pakakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo!" Biglang sabi nito na ikinatigil niya.
"Pipilitin mo ako sa bagay na hindi ko gusto? Ang selfish mo." Malamig ang tono ng boses na sabi niya.
"Ayokong mawala ka sa akin!" Madiin nitong sabi.
"Gusto na kitang mawala sa buhay ko." Sambit niya at biglang tumaas ang boses niya dahil sa inis.
Ilang bulungan ang narinig nila at ang ilan ay rinig niyang nagbibigay ng negatibong komento tungkol sa kaniya.
Walang namutawi na salita kay Renzy. Nawala ang kaseryosohan sa mukha nito at napalitan itong muli ng lungkot.
"Pinangakuan mo akong magiging masaya ako sa piling mo ngunit ang lahat naman ay hindi totoo. Nadurog lang naman ako sa piling mo, eh. Walang saya puros lungkot lang. Puros kasinungalingan ang ibinigay mo sa akin tungkol sa mga plano mo sa buhay." May hinanakit na sabi niya.
Ang sabi nito ay magiging masaya siya sa piling nito ngunit hindi naman pala.
"Kahit kailan ay hindi ako nagsinungaling sa'yo." Tanging saad niya.
"At bakit mo sinasabing hindi ka man lang naging masaya sa relasyon natin? Pagpapanggap lang ba ang bawat pagngiti at pagtawa mo sa mga masasayang araw na magkasama tayo?" May hinanakit ding tanong nito.
Tipid na ngiti ang sumilay sa kaniyang mukha. Kalaunan ay napailing siya.
"Ang bawat masayang alaala ay natatabunan ng lungkot na alaala lalong-lalo na kung mas lamang ito kaysa sa nauna."
"Ganyan pala ang opinyon mo. Kabaligtaran ito ng sa akin. Alam mo bang ang malungkot na alaala ay pilit kong binubura sa isip ko at tinatabunan ko ito ng masayang alaala? Dahil gusto ko laging maalala ang maganda mong ngiti at ang masaya mong pagtawa." Sabi ni Renzy. Umiling siya at lumayo na sa lalaki.
Apat na hakbang paatras ang ginawa niya bago siya tumigil. Ang masayang mukha ni Renzy na laging nakikita niya ay unting-unti nang naglalaho sa isip niya.
"Iba ang opinyon mo at iba din ang sa akin. Tama lang ang desisyon ko na putulin na ang namamagitan sa akin dahil hindi naman tayo magkakaintindihan at magkakasundo sa iba't iba nating opinyon. Hindi tayo bagay. Magkasalungat tayo sa lahat kaya itigil na natin ito."
"No! Hindi ako papayag!" Bigla itong umiling at lumapit ulit sa kaniya.
"Maawa ka sa akin, Mylaflor! Huwag mo akong iwan." Pagmamakaawa nito at pagkatapos ay pilit nitong inilalapit ang sarili sa kaniya.
Niyakap siya ngunit nagpumiglas siya.
"Hindi ikaw ang kauna-unahang lalaki na nagmakaawa sa akin na huwag ko siyang iwan. Hindi mo pa din mababago ang desisyon ko." Seryosong sabi niya at naramdaman niya ang pagkakatigil nito sa pagyakap sa kaniya.
"Kung magpapakamatay din ba ako ay babalik ka sa akin?" Tanong nito kaya mahinang singhap ang lumabas sa labi niya.
Nang mahimasmasan sa gulat ay umiwas siya ng tingin kay Renzy. Naramdaman niya ang pag-aalala para sa lalaki. Hiniling niya na huwag sana itong gawin ni Renzy sa sarili.
"Bakit ko pa babalikan ang labi mo? Ngayon ngang buhay ka ay iiwan na kita, sa tingin mo ba ay babalik pa ako sa'yo kung patay ka na?" Pilit niyang itinatago ang kaniyang tunay na nararamdaman upang akalain nito na wala na siyang pakialam.
Lumuhod ito sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya ngunit walang lumabas na salita sa kaniyang bibig. Ibinaba nito ang sarili para lang magmakaawa?
"Nagmamakaawa ako. Huwag mo akong iwan." Nakikiusap nitong sabi. Kitang-kita niya ang pagtulo ng mga luha sa mga mata nito.
Punong puno ng lungkot ang mukha nito, at ang takot ay mas lalong naging halata sa mukha nito nang makita ang pagdating ng isa pang bus.
Tumalikod na siya at sa kaniyang paglalakad ay unting-unti nang nagsipaglabasan ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan.
Patawad, mahal ko. Ito ang dapat kong gawin.
"Kahit na ilang beses kang magmakaawa at kahit lumuhod ka pa sa harapan ko, hinding-hindi ako magpapapigil sa'yo." Huling mga salitang sinabi niya bago siya tuluyang sumakay sa bus.
Hindi na nakahabol pa si Renzy sa kaniya dahil maraming humarang na mga pasahero sa unahan nito. Naiwa itong nakaluhod sa kalsada. Lumuluha at nakikiusap sa kaniya.
*