Tunog ng kampana ang unang narinig sa tahimik na parte ng simbahan ng Manila Cathedral. Wala nang mga bata. Ang ilang nagtitinda din sa gilid ng simbahan ay isa isa nang nagsasara. Unting-unting na ding nagbubukas ang mga ilaw sa mga establisimyento na nasa tabi ng simbahan.
Malamig na pagdampi ng hangin sa balat ng babae ang nakapagpabigay ng kilabot sa kaniyang katawan. Hindi naman pinansin ng lalaki ang lamig na dulot ng hangin.
Para sa lalaki ay wala itong panama sa lamig na nararamdaman ng puso niya. Kasing lamig ng yelo. Ang kaniyang ugali at pakikitungo sa iba ay matagal nang nagbago. Hindi na mainit, wala nang sigla, at hindi na masaya ang buhay niya. Wala na siyang pakialam sa mundo. Para lang siyang nabubuhay ngunit hindi na nakakaramdam.
“Mas masaya ka sa kaniya.” Panimulang sambit niya sa babaeng kausap.
Hindi tumingin sa kaniya ang babae. Halata sa mga mata nito ang pagkailap sa kaniya. Pansin din niya ang pag-atras nito upang lumayo sa kaniya.
'Noon pa man ay wala naman itong ginawa kundi ang umiwas sa akin.' sa isip isip ng lalaki.
"Mas naramdaman ko sa kaniya ang pagmamahal at mas pinunan niya ang pagkukulang mo." Nakayuko nitong sabi sa kaniya.
Tanging pagtikhim ang ginawa niya. Hindi mapagkakaila ng lalaki na nasaktan siya sa sinabi nito. Hindi niya itatanggi na hanggang ngayon ay may nararamdaman pa rin siya dito.
Ilang taon din silang naging magkasintahan nito at lahat ng pagmamahal ay ibinuhos niya dito.
Ngumiti siya nang pilit sa babae. Doon niya lang ito napagmasdan. Ang kaniyang dating kasintahan na si Xeira ay ibang iba na. Ang mga mata nito ay may kung ano mang sigla na para bang kay gaan ng nararamdaman nito. Mas lalo itong gumanda dahil sa maaliwalas nitong mukha na tila walang problema.
Gusto man niyang masiyahan ay hindi niya magawa.
Mabuti pa ito at masaya na ngunit heto pa rin siya at nananatili sa madilim na parte ng kahapon.
"Sana sinabi mo noon sa akin na nakukulangan ka na pala sa ibinibigay ko sa'yong pagmamahal. Hindi na pala sapat sa'yo ang oras at atensyon na inilalaan ko." may hinanakit na sabi niya kay Xeira.
Nahalata niya na mas hindi naging komportable ang babae sa kaniyang isinatinig.
Ngayon ay hindi na niya pipigilan pa ang sarili na ilabas ang lahat ng hinaing niya. Hindi sila nagkausap dati nang maayos. Naging ilag ito sa kaniya sa nakalipas na tatlong taon. Wala naman siyang lakas ng loob na puntahan ito kaya pinabayaan niya na lang na mawalan sila ng kuneksyon.
Sa simbahan pa talaga sila nagkita. Mapang-asar nga talaga ang tadhana dahil nagkatagpo pa sila sa simbahan kung saan dapat sila ay ikakasal.
Pumunta lang naman siya sa simbahan upang bisitahin ang pari na kaibigan ngunit huli na noong mapagtanto niya na magkakasalubong pala sila.
Hindi na niya iniwasan. Siguro ay ito na ang oras para sila ay mag-usap.
"Sana sinabi mo para nagbago ako. Sana mas ipinaintindi mo sa akin na mas kinakailangan mo ng walang hanggan na oras at pagmamahal ko. Dapat hiningi mo sa akin na gawin kitang prioridad. Kung ginawa mo lang iyon, sana ay tayo pa at patuloy kong ibinigay sa'yo ang lahat ng oras ko. Mas pinag-igihan ko sana para manatiling tayo pa rin sa huli."
"Gagawin ko ang lahat sa'yo kahit na isakripisyo ko ang ilang bagay na importante sa akin. Huwag ka lang mawala sa akin. Kung sinabi mo lang sana." Inis at paninisi ang mayroon sa kaniyang boses.
Hindi niya pa din matanggap. May parte pa rin sa puso niya na umaasa. Baliw man at tanga pakinggan na inaasam niya pang may pag-asa para sa kanila ngunit sino nga bang lolokohin niya?
"Pero anong magagawa ko? Wala na ang lahat. Hindi na maibabalik ang dati. Ang lahat ay mananatili na lang sa nakaraan." wika niya at pagkatapos ay tumikhim siya.
Umiling bago siya umiwas nang tingin kay Xeira.
“I’m sorry if I cheated at you." rinig niya sa boses nito ang pagsisisi.
Alam niyang nakokonsensya ang babae dahil sa ginawa nito sa kaniya. Dati pa iyon ngunit ang ilang parte ng nakaraan ay sariwa pa sa isip at puso niya.
"I will forgive you but not now." seryoso niyang sabi.
Tumingin ulit siya sa babae. Nakita niyang sa kaniya na ito tumingin. Ang luha sa mga mata nito ay pumatak na. Itataas niya sana ang kaniyang mga kamay ngunit para itong nanigas.
Bakit pa pupunasan ang luha nito kung hindi naman nito ginawa ang bagay na iyon noong nasasaktan siya at umiiyak?
"It's been three years, let's not open the wounds on my heart. I'm slightly healing."
"Tama na yung konting pagbabalik tanaw sa nangyari dati." Mapait niyang sabi at pagkatapos ay tumalikod na siya.
Hahakbang na sana siya paalis ngunit napatigil siya sa sinabi ni Xeira.
"Hindi ko sinasadya na lokohin ka. Minahal ko lang siya." Tila para itong kutsilyo na sumaksak sa kaniyang puso.
Minahal niya lang ito. Ngunit siya ba ay hindi nito minahal kaya mas pinili nitong saktan siya?
Pumikit siya nang mariin. Ikinuyom niya ang kaniyang palad. Gusto niyang suntukin ang puso niya sa sakit na nararamdaman.
"Sana sinabi mo agad na minamahal mo na pala siya. Sana nakipag-hiwalay ka agad sa akin habang maaga pa, pero mas pinili mo noong lokohin ako. Kung hindi ko pa malalaman sa iba, paniguradong wala akong kaalam alam na iniiputan mo na pala ang ulo ko. Alam mo ba kung gaano kasakit ang ginawa mo? Para mo akong inalisan ng karapatang mabuhay."
Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi na napigilan pa ang pagluha. Mabuti na lang at walang tao sa paligid. Hindi rin makikita ni Xeira ang luha niya dahil nakatalikod siya.
"Ikaw yung ginawa kong mundo dati! Umiikot lang sa'yo ang buhay ko. Sinubukan ko naman ang lahat para hindi mo maranasan na malayo ako sa'yo. Gumagawa ako ng paraan pero kulang pa din!"
Ayaw niyang harapin muli ang babae. Ayaw niyang makita nito ang sakit na nakapaskil sa kaniyang mukha.
"Gusto mo pala nang malapit sayo, iyong mag-aalaga sa'yo, yayakap sa'yo sa araw-araw pero hindi mo sinabi sa akin. Isang sabi mo lang naman, uuwi agad ako para sa'yo."
"Kahit tumalon pa ako sa barko, gagawin ko para makauwi lang sa'yo. But you still cheated on me." Dugtong niya sa kaniyang mga hinaing.
Kahit mahirap at iwan niya ang responsibilidad niya sa trabaho. Kung siya ang pinag-uusapan ay walang pagdadalawang isip na aalis siya upang gawin ang gusto ng babae.
Mas mahal niya ang babae kaysa sa trabaho niya.
"It's a mistake." Rinig niyang sabi nito.
'Hindi ka pwedeng lumingon sa kaniya.' Pipi niyang pigil sa sarili.
"Hindi pagkakamali ang pagtataksil. Ginawa mo iyon ng kusa. Pinili mo iyong gawin. Pwede mong pigilan ang nararamdaman mo pero hindi mo iyon ginawa, nagpadala ka at nagkasala. Hindi ka umiwas sa kaibigan ko at mas nilapitan mo pa din ang tukso niya. Saang parte doon ang pagkakamali?" matigas niyang paliwanag sa babae.
Muling bumalik sa kaniya ang nangyari noon.
Apat na taon na silang magkasintahan ni Xeira. Masaya naman ang relasyon nila sa mga taong iyon. Wala na siyang mahihiling pa. Buo na din naman ang desisyon niya na pakasalan ang babae. Ito na ang napipisil niyang makatuluyan at makasama habang buhay. Planado na ang lahat. Sasakay siya sa barko at pagkatapos ng kontrata niya ay aalis na siya bilang kapitan ng barko. Pagkababa niya sa barko ay pakakasalan niya agad si Xeira. Plansado na ang lahat ngunit ang kaniyang pangarap ay nasira nang malamang may relasyon ito at ang kaniyang kaibigan.
Inahas siya ng matalik niyang kaibigan. Hindi niya lubos akalain na mangyayari iyon sa kaniya. Nagalit siya. Sobra sobra na halos sugudin niya ang dalawa dahil sa pagtataksil nito sa kaniya.
Ibinigay niya ang lahat ng pagmamahal niya ngunit nagkulang pa rin ito sa babae. Ipinagpalit pa rin siya nito sa malapit.
"Sinubukan ko namang pigilan. Hindi pa rin niya ako nilubayan hanggang sa hindi ko namalan na nahulog ako sa kaniya. Sasabihin ko naman sana sa'yo ang tungkol sa amin ngunit natakot ako." Paliwanag ni Xeira kaya napapikit siya.
Kung totoong mahal niya ang isang tao, hinding-hindi siya mahuhulog sa iba.
"Hindi dapat sinusubukan, ginagawa dapat." Madiin niyang sabi.
"I'm really sorry." Paghingi nito sa kaniya ng tawad.
"Huli na ang sorry mo. Tatlong taon na ang lumipas. Nakita lang kita ngayon at kinamusta. Sana masaya ka na." Walang pagkatuwa sa kaniyang boses.
"Sobra kong pinagsisisihan ang ginawa ko sa'yo. Ngunit hindi ko pinagsisisihan ang pagmamahal ko sa kaniya." wika niya na ikina-inis niya.
'So insensitive. Kailangan pa ba talaga iyong sabihin? Para mas masaktan pa ako?' naisip niya.
"Stop." Pigil niya sa babae.
"I'm really sorry. Sobrang laki ng kasalanan ko sa'yo. Sana maging masaya ka na din. Sana hindi ka na masaktan dahil sa akin." Pakiusap nito sa kaniya.
Inilagay niya ang kaniyang mga kamay sa bulsa. "I'm not hurting anymore. Like what I've said, I'm on the process of healing. Malapit na akong makawala sa nakaraan."
"That's good for you." Nakahinga nang malalim ang babae.
"I wish you all the best. Sana maging maayos ang pagsasama niyo." malamig niyang sabi bago siya naglakad paalis.
Palayo sa babaeng ilang taong niya ding minahal.
He lied. He still love her. That's the truth.
*
"Condolence. Nakikiramay po ako." Ang boses ni Myla ay pumiyok dahil sa labis na pag-iyak.
Nanginginig ang tuhod niya ngunit sinubukan niya pa ring tumayo nang maaayos upang hindi siya bumagsak sa sahig.
Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa ng batang babae. Ang mga tao sa buong paligid ay nagbulungan sa pagdating ni Myla. Ang ilang tao ay napailing at ang iba naman ay sinasamaan siya nang tingin. Galit at pagkamuhi ang makikita sa reaksyon ng mukha ng mga kamag-anak ng lalaki.
Ang lalaking una niyang inibig ay wala na.
Ang mga luha sa kaniyang mga mata ay walang tigil na bumagsak sa kaniyang mga pisngi. Pagsisisi ang tuluyang yumakap sa kaniyang puso.
"Si Mylaflor ba iyan?" Malakas at galit na tinig ang dumagundong sa buong paligid.
"O-po!" kinakabahan na sagot ng batang babae.
Si Angel ang batang babae na kapatid ng lalaking una niyang minahal. Kaba ang naramdaman ng bata at hindi mapakaling napalingon ito sa pinto. Alam nitong magkakagulo pag nakalabas ng bahay ang ina niya.
"Sabihin mo umalis siya dito!" Galit na galit nitong sigaw sa loob ng bahay.
Tingnan ni Angel si Mylaflor at itinulak niya ito nang mahina. Ilang beses siyang umiling sa babaeng punong puno ng luha ang buong mukha.
Naaawa ang bata sa babae ngunit mas naaawa ang sinapit ng nakakatanda niyang kapatid.
"Ate Myla, pasensya na pero huwag ka nang tumuloy sa loob." Pigil ni Angel kay Myla.
"G-gusto ko lang siyang ma-kita sa h-uling p-pagkakataon." Humihikbi na pakiusap ni Mylaflor.
"Baka magalit si Mama." sabi ni Angel. Hinawakan niya si Myla sa braso at pilit niya itong inilalayo sa may gate.
"S-sisilipin ko lang siya. H-indi n-naman ako m-makikipagtalo." Ang kaniyang boses ay pumiyok dahil sa paghikbi.
Mas nadagdagan ang mga luhang pumapatak sa damit ni Myla. Basang basa na ang damit dahil sa mga luha.
Magsasalita pa sana si Angel upang paliwanagan si Mylaflor nang bigla siyang matigilan. Dumating na ang mama niya. Galit na galit ang may katandaan niyang ina. Naniningkit ang mga mata nito habang tinitingnan si Mylaflor.
Puno ng galit, pagkasuklam at paninisi ang ekspresyon ng mukha nito.
"Ang kapal din naman ng mukha mo na pumunta pa dito matapos ang ginawa mo!" Nakita ang litid nito sa may sintido dahil sa matindi nitong galit.
Dinuro nito si Myla. Sinubukan nitong lumapit sa babae ngunit dumating ang ibang mga kamag-anak ng Ginang upang pigilan ang ito sa pagsugod.
"P-patawad po." Umiiyak na paghingi ni Mylaflor ng tawad.
Habag na habag ngunit walang pakialam ang mga ito sa paghingi niya ng despensa. Lahat ay galit sa kaniya. Walang tumatanggap ng kapatawaran niya.
"Humihingi ka ng tawad? Ang kapal din naman ng mukha mo! Ano pang magagawa ng sorry mo kung pinaglalamayan na siya!" Pilit na kumakawala ang Ginang sa hawak ng mga kapatid.
Naging malakas ito sa pagpiglas at nakawala ito sa pagkakahawak. Sinugod siya ngunit naging mabilis naman ang pagpigil dito ng mga kapatid ng Ginang.
"H-hindi ko po s-sinasadya." Pagtanggi ni Myla sa lahat.
Ilang beses nitong minura at dinuro si Myla. Gustong lapitan at sabunutan ngunit hindi nito magawa.
"Sinadya mo! Kasalanan mo ito! Ilang beses kang pinigilan ng anak ko na makipaghiwalay sa kaniya. Nagmakaawa siya sa'yo na huwag mo siyang hiwalayan! Anong ginawa mo? Mas pinili mo pa ang gusto mo!" Malakas nitong paninisi kay Myla.
"Pati kami ay pinakiusapan ka na huwag kang makipaghiwalay sa kaniya!" Gigil na gigil ang Ginang at muling minura si Myla.
"M-aayos n-naman po ang pag-uusapan n-namin nitong huli ngunit h-hindi ko po n-naisip na ganito ang g-gagawin niya." Nauutal na paliwanag ni Myla. Matapos niya itong sabihin ay humagulgol siya.
Hindi kinaya ang sakit at pagsisisi. Kahit hindi siya ang pumatay dito ay pakiramdam niya pa din na kasalanan niya. Pinagbantaan siya nito na kung makikipaghiwalay siya ay magpapatiwakal ito.
Akala niya noong una ay nagbibiro lang ito ngunit nagulat na lang siya na ginawa nga nito ang bagay na iyon.
Ayaw nitong makipaghiwalay sa kaniya. Ilang beses siyang pinilit nito na magbalikan sila. Pilit siyang umaayaw ngunit nitong huli ay nag-usap ulit sila. Naging maayos ang pag-uusap, walang sigawan at sakitan na naganap. Nagulat na lang siya na kinabukasan ay wala na pala ang lalaki.
"Ikaw ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay! Ikaw ang sisisihin ko habang nabubuhay ako." namumula ang buong mukha ng Ginang dahil sa matinding galit sa babae.
"S-sorry po." Walang magawa si Mylaflor kundi ang umiyak at humingi ng tawad.
Ano pa nga bang sasabihin niya? Hindi siya makatanggi dahil siya ang puno't dulo kung bakit nito kinitil ang buhay nito.
"Kating kati ka na bang makasama ang bago mong kasintahan kaya gusto mo nang makipaghiwalay? Ang kapal kapal ng mukha mo!" May panghuhusga na sabi ng Ginang.
Marahas na pag-iling ang ginawa ni Myla. "Mahal ko po siya. Hindi po totoo na may iba akong kasintahan!"
"Sinungaling! Iyon ang dahilan mo kaya gusto mong makipagkalas sa kaniya!" Pamimilit ni Ginang Gloria sa kaniyang palagay.
"Lumayas ka dito! Umalis ka! Lubayan mo ang pamilya ko!" Malakas nitong pagtataboy sa kaniya.
"G-gusto ko lang po siyang makita sa h-huling p-pagkakataon." Pilit at nagmamakaawa na sabi ni Myla.
"Hindi ko papayagan ang gusto mo! Wala kang kahihiyan! Lumayas ka na! Huwag na huwag kang babalik dito! Kasalanan mo ang lahat ng ito!"
"Igalang mo ang burol ng anak ko!" Pagpapatuloy na sabi nito habang nagngingitngit sa galit.
Walang nagawa si Myla kundi ang tumalikod para umalis. Maraming mga mata ang nakatingin. Isang kahihiyan para sa buong pamilya ang ginawa niyang pagpunta doon. Nagkagulo pa ang lahat. Imbis na ang tahimik na lugar ay maging maayos, nagulo ito nang dahil sa kaniya.
"Patawad po." Tanging sabi niya habang lumuluha.