Kabanata 2

2706 Words
Nakilala ni Mylaflor si Jake noong siya ay college student pa lang. Magkaklase sila na nauwi sa ligawan. Noong una ay hindi pinapayagan ni Myla na manligaw sa kaniya ang lalaki ngunit masinop ito at hindi sumusuko. Ang gusto lang naman ni Myla ay makatapos ng kolehiyo at makatulong sa kaniyang mga magulang. Wala pa sa isip niya ang pagpasok sa isang relasyon ngunit nakuha ni Jake ang kaniyang puso. Siya lang ang lalaking nagustuhan niya. Isa siyang working student. Mag-aaral sa araw at sa gabi naman ay papasok sa trabaho sa isang restaurant. Hindi nagpapadala mga magulang niya sa pang-tuition niya dahil may mga kapatid pa din siyang nag-aaral. Sobrang nakakapagod sa utak at sa pisikal na aspeto. Sa sobrang hirap ng kaniyang estado ay halos naiisipan niya nang sumuko ngunit laging nandiyan si Jake upang palakasin ang loob niya. Sa bawat paghakbang niya ay laging nakaagapay si Jake sa likod niya. Pilit pinapalakas ang loob niya at sinusuportahan. Wala na siyang mahihiling pa. Kung minsan nga ay si Jake pa ang nagpapahiram sa kaniya tuwing hindi naabot ang sahod niya sa oras ng bayaran ng tuition. Walang problema si Jake sa pera dahil medyo maalwan ang buhay nila. Hindi kailangan magtrabaho para may maipantustos sa pag-aaral. Naka-graduate sila. Sabay nilang naabot ang kanilang diploma. Naging mahirap pa din ang paghahanap nila ng trabaho. Ilang beses siyang hindi pinili sa mga inaplayan niya. Si Jake naman ay nakakuha agad ng trabaho habang siya ay naiwan na naghahanap. Apat na buwan siyang nagbakasakali sa iba't ibang kompanya. Sa huli ay laging may experience ang tinatanggap ng mga kompanya. Naisipan niyang magtrabaho muna sa isang mall bilang sales lady. Para may work experience lang. Ang relasyon nila ni Jake ay unting-unting nagkakaroon ng problema. Lagi siya nitong tinatanong kung may pumoporma ba sa kaniya sa trabaho na agad niyang itinatanggi. Wala naman talaga siyang manliligaw at bakit pa siya magpapaligaw kung may kasintahan na siya. Hindi naniwala si Jake. Lagi na iyong nagdududa sa kaniya. Miski maliit na bagay ay pinag-aawayan nila. Dumating sa punto na gusto na nitong magpakasal. Lubos niya itong tinanggihan dahil ayaw niyang matali sa maagang panahon. Hindi pa iyon ang tamang oras. Marami pa siyang gustong gawin, may mga pangarap pa siyang gustong makamit. May pamilya pa din siyang tutulungan. Hindi pa siya handa. Ilang beses nitong ipinilit ang gustong kasal. Lagi na itong nakasigaw sa kaniya at minsan ay sinasaktan na siya. Gusto din nitong makuha ang kinaiinggatan niya ngunit ayaw niya itong ibigay. Mahal niya ito pero kung ganito lang ang lagi nitong hihingin sa kaniya ay mas mabuti pang maghiwalay na muna sila. Hindi nito naintindihan ang gusto niya. Naging bulag ito sa paliwanag niya kaya napagdesisyunan niyang itigil na ang lahat sa kanila. 'Baka hindi pa ito ang tamang panahon para sa amin.' Sa isip isip niya noon. Sa huling pag-uusap nila ay maayos naman ito at masigla ngunit nakakagulat na balita ang sumalubong sa kaniya kinabukasan. Wala na ito. Hindi mabilang na mga luha ang nahulog sa mga mata niya mula noong nalaman niya ang masamang balita na iyon. Isang linggo na ang lumipas mula noong pinaalis siya sa burol nito. Hindi na siya nagtangka pang bumalik doon bilang pagrespeto na din sa pamilya nito. Ang mga luhang pumatak sa kaniyang mga mata ay pinunasan niya nang makitang may tumabi sa kaniya. "Mylafor! Tulala ka na naman. May customer ka. Umayos ka nga. Baka makita ka ni Ma'am Gracia. Malalagot ka sa kaniya." Babala ni Vez sa kaniya. Si Vez ang isa sa mga kasama niya tuwing kumakain sila ng lunch. Nakakunot ang noo nito na para bang naguguluhan sa ikinikilos ni Myla. "Pasensya na. May iniisip lang ako." Paghingi niya ng tawad. "Hindi mo dapat dinadala sa trabaho mo ang problema mo." Payo nito kay Myla. "Hindi ko mapigilan." Tanging sagot niya dito. "Ayan na ang customer. Umayos ka na." Bigla nitong siniko si Myla kaya napaayos siya nang pagkakatayo. Gumilid siya sa may stall nang dumaan sa kaniyang harapan ang isang babae na sa tingin niya ay nasa edad trenta'y uno. "Ma'am, ano pong hinahanap niyo?" magalang na tanong ni Myla. Tumingin sa kaniya ang babae at hindi nakalampas sa paningin niya ang pagtaas nito ng kilay. "Stockings. Mayroon ba kayong skin tone?" maayos na tanong nito sa kaniya. Tumango siya at pagkatapos ay nilapitan niya ang babae at hinawakan sa may braso, upang alalayan sana papunta sa pwesto ng stockings. "Ako na po ang kukuha. Maupo po muna kayo." Pilit ang ngiti niya. Inalis ng customer ang kamay niyang nakahawak sa braso nito. Hindi na iyon pinansin pa ni Myla at umiling na lang siya nang palihim. "Pakibilisan. Nagmamadali ako." May pagka-demanding na utos nito. "Sige po." Walang pag-aalangan na umalis agad si Myla. Nasa sock section nakabilang ang stockings at nadoon ito sa may tabihan ng escalator. Malapit lang naman. Mabilis siyang nakarating sa sock section ngunit natagalan siya sa paghahanap ng stockings. Puros black na lang ang nandoon at sobrang gulo ng stall nito. Siguro ay may nakialam na batang customer. Nang makita niya ang packaging ng skin tone na stockings at bumalik na siya sa matanda na hindi tinitingnan ang hawak. Hinihingal pa siya habang inilalahad sa babae ang dala niya. "Ang tagal mo naman. Sinabi ko sa'yong bilisan mo, diba? Ang ayoko sa lahat ay pinaghihintay ako." Mataray nitong sabi sa kaniya kaya napatigil siya sa paghahabol ng hininga. "Pasensya na po. Ito po yung stocking. Sa counter 2 na lang po kayo magbayad." Magalang niyang sabi ngunit pinagmasdan siya ng babae. Inirapan siya nito at kinuha nito ang stockings. "Huwag mo akong turuan. Alam ko ang gagawin ko." May inis sa boses na sabi nito. Yumuko na lang siya at humingi nang tawad. "Sorry po." Tiningnan ng customer ang hawak nitong packaging. Kumunot ang noo nito at pagkatapos ay ibinalik sa kaniya. Sinambot niya agad ito para hindi magpatak nang tuluyan sa sahig. "Teka, bakit fish net stocking iyan?" May inis sa boses na sabi nito sa kaniya. "Po? Pasensya na po kung mali ang kuha ko." Paghingi ni Myla nang tawad. Tiningnan niya ang hawak na stocking at napapikit siya sa hiya. Mali nga ang nakuha niya. "Pantyhose ang kailangan ko! Ano ba yan! Hindi ka ba nag-iisip?" Tumaas na ang tono ng boses nito. Siya naman ay naalarma. Maraming mga mata ang naki-isyoso sa kanila. "Pasensya na po talaga. Nagkamali po ako nang kuha sa stall." Paghingi niya ng tawad. "Baka naman kasi kung ano anong iniisip mo kaya hindi mo magawa nang maayos ang trabaho mo! Unprofessional!" Mataray nitong sabi. "Patawad po, Ma'am." "Lagi na lang sorry ang sinasabi mo. Umayos ka nang pagtatrabaho mo. Nasaan ba ang Manager mo? Hindi ko ito palalampasin!" nanggigigil na ang babae kahit sa simpleng dahilan. Napalunok siya nang makita niya ang paglapit ng Manager nila. Nakangiti ito ngunit alam niyang sa loob loob nito ay naiinis na ito sa kaniya. "May problema po ba dito, Ma'am?" Magalang na tanong nito. May ngiti sa labi ngunit plastic ang dating. "Etong babaeng ito! Simpleng simple ng trabaho tapos hindi ginagawa nang maayos! Nag-training ba ito? Hindi rin professional. Tanggalin niyo na." Hindi kumukurap na sabi nito. "Ma'am, sorry po. Hindi na mauulit. Kami na po ang bahala sa kaniya. Pagsasabihan po namin siya." mahinahon na sabi ng Manager nila. Hinawakan nito ang braso niya. Hindi naman iyon masakit ngunit may diin. "Pag sabihan niyo! Ayokong maulit ito. Best service pa kayong nalalaman. Medyo palpak din naman ang service niyo." Hindi nagpapaawat na sabi nito. Ang ilang tao ay umalis na at nagsawa na sa kumosyon na nangyayari. "Sorry po, Ma'am." Paghingi ni Myla ng tawad kahit na may laway na humaharang sa lalamunan niya. Gusto niyang maiyak sa kahihiyan. Naghahalo na ang lungkot, sakit, at pagkapahiya sa mga tao. Bago umalis ang babae ay sinamaan siya nito nang tingin. Yumuko na lang siya. "Ms. Heredero, hindi ba't sinabi kong ayusin mo ang trabaho mo? Nagalit tuloy ang customer." Mahina pero may gigil na sabi ng Manager nila. "Pasensya na po, Ma'am." "Huwag mo kasing isama ang problema dito sa pagtatrabaho mo. Nagkakamali ka tuloy." Mataray nitong sabi. Hindi siya umiimik at nakinig lang siya sa mga sermon nito. Inabot iyon ng ilang minuto at natigil din naman. "Doon ka muna sa mga sapatos. Kakaunti ang namimili doon. Iwas bulyaw na din at problema." Nakasimangot nitong sabi. "Sige po." Pagpayag ni Myla sa suhestiyon ng Manager. Ang kaniyang mga mata ay umiinit na dahil sa mga nagbabadyang mga luha. Naglakad siya papunta sa may shoes area ngunit hindi pa man siya nakakakalhati sa paglalakad ay may nakabangga na siya. Isang lalaki iyon na sa palagay niya ay apat na taon ang lamang ng edad sa kaniya. "Nako, pasensya na po, Sir." Paghingi niya nang tawad habang nakayuko. Hindi niya na ito tiningnan pa. "Ayos lang." "Nasaktan ka po ba? Pasensya na po talaga." Kinagat niya ang ibaba niyang labi upang pigilan ang pag-iyak. "Ayos lang ako. Mag-ingat ka na lang sa susunod." Bilin nito kaya tumango lang siya. "Sige po." Magsasalita pa sana ang lalaki pero naunahan na ito ng isang boses. "Ms. Heredero, pumunta ka na sa pwesto mo." May diin sa boses na sabi ng Manager nila. Agad siyang sumunod sa utos nito. "Sir, may ginawa po ba siyang problema?" Tanong ng masungit na manager. "Nakabangga ko lang siya. Wala naman iyong problema sa akin." Iyon ang huling narinig ni Mylaflor bago siya tuluyang nakalayo. Nakarating siya sa shoes section at natulala lang siya doon. Wala masyadong tao ang bumibili at nilalampasan lang siya ng pailan-ilan na nadaan. Muli niyang naisip ang mga nangyayari sa kaniyang buhay. Namatay ang kaniyang first love. Sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dito. Kung maibabalik niya lang ang oras. Hindi niya na sana kinontra pa ang gusto nito at buhay pa sana ang lalaki. Nakisabay pa ang problema sa pamilya. Nagkulang ang gamot ng Ama niya at wala pa siyang pera na maibibigay sa pamilya niyang nasa probinsya. Hindi na niya alam ang gagawin niya. Saan siya kukuha ng pera? Sa kaniya umaasa ang lahat. Natulala lang siya sa kawalan habang naluluha. Bakit sobrang dami at sabay sabay ang mga problemang kinakaharap niya? Hindi na niya kinaya ang sakit at pag-iisip. Ang mga laho lahong emosyon ay tuluyan nang lumabas. Mga luha ang sunod-sunod na nagbagsakan sa kaniyang mga mata. "May size nine ba kayo nito?" seryosong tanong ng isang lalaki. Nakatalikod ito kay Myla kaya hindi nito nakita ang pag-iyak ng babae. Ang babae naman ay tulala lang at umiiyak. Lunod sa sariling mundo ng mga problema. * "Excuse me, Miss. Tinatanong ko kung may size nine kayo nito?" Walang nakuhang tugon ang lalaki kaya lumingon ito sa sales lady. Kumunot ang noo nito habang nakatingin sa babae. "Po?" Nagising si Myla sa realidad at dali-dali niyang pinunasan ang kaniyang mga luha. "Are you deaf?" May pagkainis sa boses ng lalaki. "I'm sorry, Sir." Paghingi niya nang tawad. Sinabi noong lalaki ang brand ng sapatos at tumango si Myla. "Size nine." Tipid nitong ulit sa kaniya. "M-mahal po iyon." Humihikbi niyang sabi at pilit pinipigilan ang pag-iyak. "Bibili pa rin ako." Matigas nitong sagot. "Got it, Sir. Wait lang po." Dali daling lumayo si Myla upang pumunta sa section ng adidas. Hinanap niya ang size na hinihingi nito. Sa bigat nang nararamdaman ay hindi na niya maihinto pa ang pag-iyak. Sinubukan niya ngunit talagang kusang tumutulo ang luha. Sumunod ang lalaki sa kaniya. Panay ang lingon nito sa kaniya. Hindi pa nagsawa at tingin nang tingin ito sa kaniya na para bang nahihiwagaan. "S-sir, Ito na po. Ang a-available color lang po n-namin ay black and white." Nauutal niyang sabi. Kinagat niya ang labi niya at pinunasan niya ang mukha gamit ang isang kamay na walang hawak na sapatos. "Parang buhay ko." biglang sabi noong lalaki pero hindi naman ito inintindi ni Myla. 'Walang kulay' Sa isip isip ng lalaki. "Ano po yun, Sir?" mahinang tanong niya. "Nevermind." May malapit na upuan sa tabi nila at umupo ang lalaki doon. Sinukat noong lalaki ang size nine ngunit hindi iyon nagkasya. Ibinigay ulit ito sa kaniya n'ung seryosong lalaki "Nine and half." Tipid nitong sabi na agad nakuha ni Myla. Hinanap niya agad ang size na sinabi nito. "Medyo sikip ang size nine." Nagkamot ng ulo ang lalaki. Ilang beses niyang sinulyapan ang babaeng umiiyak pa rin hanggang ngayon. Makalipas ang ilang minuto ay lumapit na siya sa lalaki. Inilahad niya ang dalang sapatos. "Ito po, Sir." Kinuha agad nito at napansin ng lalaki na basang basa na ang rubber shoes. Hindi na lang nito pinansin pa ang nakita. Hindi na rin sinuway pa ang babae. Inasikaso niya ito hanggang sa nakuha ng lalaki ang saktong sukat. Size ten naman pala ang tamang sukat ng paa nito. 'Ang tagal na kasi mula noong bumili ako ng bagong sapatos. Minsan lang naman akong bumili dahil sobrang dami na ng mga sapatos ko sa bahay.' Sambit ng lalaki sa isip niya. "I will buy this." sambit nito at inayos nito ang pagkakasuot ng sapatos na sadyang suot nito. Noong tumingala ang lalaki ay una nitong nakita ang luhaang mukha ng babae. Ang babae ay nasa harapan habang nakatingin sa hawak na sapatos. Lumuluha lang at walang imik. Napansin noong lalaki na basang basa na ang sapatos na hawak ni Myla. Iyon ang size nine and half na ibinigay nito kay Myla kanina. "S-sigurado po ba kayo?" Nagpupunas ng luha na sabi niya. "Oo naman." Kunot noo na sabi n'ung seryosong lalaki.. "Fourteen thousand po ang halaga niyan, Sir." Umiiyak na sabi niya kaya napanganga nang bahagya ang lalaki. Hindi sa gulat dahil sa presyo, kundi sa inakto n'ung babae. Ilang segundo at umiling ito. Hindi makapaniwala sa ikinikilos ng babaeng nasa harapan. "So, are you crying because I want to buy this expensive shoes?" salubong ang kilay na tanong nito. Hindi maisip ng lalaki ang totoong dahilan ngunit baka iyon talaga ang ikina-iiyak nito? "Practical woman." Bulong ng lalaki at pagkatapos ay umiling ulit. "No, Sir." tanggi ni Myla habang pinupunasan ang mga luha. Napayuko si Myla at kitang-kita ng lalaki ang pagtulo ng mga luha sa sapatos na hawak nito. Napansin siguro iyon noong babae at pinunasan agad ang sapatos, pagkatapos ay ibinalik sa metal na shelf. Ibinigay noong lalaki kay Myla ang hawak nitong sapatos. Iyon ang bibilhin nito. Mas lalong napaiyak si Mylaflor. Gusto man niyang tumigil ngunit hindi niya na kinaya ang sari-saring emosyon. Walang mga tao ang nakakakita sa kanila dahil iilan lang ang mga customer sa Mall. Iisa lang namang sales lady ang naka-toka sa shoes area dahil wala naman masyadong nabili doon dahil sobrang mamahal ng mga sapatos dito. "Miss, bakit ka ba umiiyak?" hindi na nakatiis ang lalaki at tinanong niya na ito. "W-wala po, Sir." "Iiyak ka ba nang ganyan kung wala lang?" May inis sa boses nito habang sinasabi iyon. Ang pinaka-ayaw ng lalaki sa lahat ay ang umiiyak. "Pasensya na po." Pinunasan ni Myla ang kaniyang mga luha. "Kung iiyak ka, huwag dito. Baka akalain ng ibang tao na pinagalitan kita kaya ka umiiyak." may diin nitong sabi. Umiling ito at pagkatapos ay bumuntong hininga. "I'm sorry po." "I will pay that. Paki-sunod na lang sa counter." bilin niya sa sales lady. Umiling si Myla habang pinupunasan ang luha gamit ang isang kamay. "I'm not allowed to leave this area, Sir." Kinuhang muli nu'ng lalaki ang sapatos kay Myla. "Okay. Ako na. Huwag ka nang umiyak. Pag hindi ka tumigil, irereklamo kita." Tumango lang si Myla sa sinabi nito. Hindi na nagsalita pa ang babae. "Umiyak ka sa private place. Hindi dito sa harap nang maraming tao." Bilin nito sa babae. "Huwag mong ipakita sa kanila ang luha mo. Tears are sacred. Tandaan mo 'yan." Tumalikod na ito kay Mylaflor. Biglang nataranta si Myla. "Sir, yung box po ba?" tanong niya. "Huwag na. May paper bag naman sa counter." kumakaway na sabi noong lalaki habang lumalakad na paalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD