Kabanata 3

2072 Words
"Mylaflor!" Lumingon siya nang marinig ang pangalan niya. Doon niya lang nakita si Jenny na kumakaway sa kaniya. "Bakit?" Nagtatakang tanong niya. "Pumunta ka dito. Bilis!" Malakas nitong sabi sa kaniya. Malawak ang ngiti nito at halata sa mukha ang excitement. Lumapit kaagad siya sa babae. Ikinawit nito ang braso sa kaniyang kaliwang braso. "May problema ba?" aniya Luminga muna sa paligid ang babae. Nang makitang walang mga tao ay naglakas loob itong sabihin kay Myla ang nalalaman. Inilapit ni Jenny ang bibig sa tainga ni Mylaflor. "Alam mo kasi....ganito, Itong si Alice may ikinuwento sa akin." Parang tsismosa nitong sabi sa kaniya. Hindi naman siya tsismosa ngunit dumadating din naman sa punto na nako-curious siya sa mga chika ni Jenny. "Ano ba iyon?" tanong niya. "May kaibigan daw si Martin na taga-Manila. D'yan daw muna titira sa apartment niya." Sambit nito na tila ba kinikilig. Lumayo ito sa kaniya at pagkatapos ay binitawan siya nito. Tumingin ito sa bahay na nasa unahan nila. Sinundan niya lang nang tingin ang tinitingnan nito. Wala namang kakaiba sa apartment nina Martin. Baka wala pa doon ang kaibigan nito. Biglang napabalik ang tingin ni Myla kay Jenny. Nagtataka ang kaniyang mga mata. Bakit parang big deal dito na may kaibigan si Martin na taga-Maynila? "Gwapo siya, Myla!" nasagot nito ang tanong niya. 'Kaya naman pala tuwang tuwa ang babaeng ito.' Sa isip isip niya. "Ah, ano naman?" Hindi interesado na wika niya. Hindi naman siya mahilig sa gwapo kaya wala siyang pakialam kung may dumating man na gwapong lalaki sa lugar nila. Kung job hunting lang ang dumayo sa lugar nila ay paniguradong siya ang kauna-unahang pipila dito. "Grabe ka! Halos kami ni Alice ay maglumpasay na sa kilig kanina tapos ikaw, heto at wala pa ring pakialam." Nakasimangot na sabi ni Jenny. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo. Anong magagawa niya? Uma-acting na hihimatayin siya pag nakita ang lalaki? No. Hindi naman siya ganoon. "Hindi naman importante sa akin ang gan'yang mga bagay." Umiiling na sabi niya. Mahinang hinampas ni Jenny ang braso niya. "Sus, lagi naman kasing trabaho ang kumukuha sa atensyon mo. Mas importante sa'yo ang kumita ng pera kaysa ang maki-bonding sa amin ni Alice." "Kailangan kong kumita. Mabuti nga kayo at lagi kayong may pera kahit na hindi kayo magtrabaho." Sabi niya. Napatahimik si Jenny ng ilang minuto pero maya maya din ay dumaldal na naman ito. "Mag-asawa ka na. Iyon ang suhestiyon ko sa'yo para kahit hindi ka magtrabaho ay may pera ka." "Ayoko pa. Hindi pa ako handa." anas niya habang inaayos ang shoulder bag na dala niya. Galing pa siya sa break up at matinding sakit dahil sa pagkawala ni Jake. May problema pa din siya sa pamilya niya. Ang pagpasok sa relasyon ay isa pa ding dahilan nang pagkakaroon ng problema sa hinaharap. "Sus, ang sabihin mo, hindi ka makawala sa responsibilidad mo sa pamilya mo." Napatingin siya dito. Hindi na sana siya sasagot ngunit nagbago ang isip niya. Magandang alam ni Jenny ang dahilan niya. "Mahal ko ang pamilya ko at gusto ko silang tulungan sa abot nang makakaya ko. Hindi ko pa ninanais na mag-asawa. Kailangan pa ako ng mga magulang ko." Paliwanag niya kay Jenny. Ayaw niya naman na mapunta sa wala ang pinaghirapan niya. Naghirap siyang magtapos ng pag-aaral upang makahanap nang magandang trabaho at makatulong sa pamilya. Iyon lang talaga ang gusto niya. Wala nang iba. "Kahit isang tabi mo ang sarili mong kaligayahan?" Kunot noo na tanong ni Jenny. Itinaas baba niya ang kaniyang ulo. "Mas mahal ko sila kaysa sa kaligayahan ko." "Makita ko lang silang masaya at nasa maayos na kalagayan ay sobrang kuntento na ako." Pagpapatuloy niyang sabi. "Ang tao ay tumatanda. Ang buhay ay sobrang ikli. Kahit minsan naman ay dapat pinapasaya mo din ang sarili mo. Gawin mo ang mga bagay na gusto mo talaga. Mahirap magsisi sa huli." Payo nito sa kaniya. Tanging ngiti ang ibinibigay nito sa kaniya. "May mga pangarap ako ngunit sa ngayon ay uunahin ko ang pamilya ko." Aniya Tumango si Jenny. Nagkibit balikat ito pagkatapos ay tinapik nito ang braso niya. "Ang hirap talaga pag ikaw ang breadwinner ng pamilya niyo. Hirap kumawala sa pamilya. Mabuti na lang at bunso ako sa pamilya namin." Si Myla ang panganay sa magkakapatid. Dalawa pa ang sumunod sa kaniya. Siya na lang ang nakakapagtrabaho dahil may sakit ang Papa nila. Ang Mama naman nila ay nagtitinda sa maliit nilang tindahan. "Swerte ka. Si Alice nga pala?" biglang tanong niya upang maiba ang usapan. "Ayon, naghahanap ng tsismis sa kabilang kanto." Sabi nito at itinuro pa ang kabilang kanto. Lihim siyang na napatawa. "Baka mapaaway na naman siya." "Wala tayong magagawa d'yan. Kahit kaibigan niya tayo ay hindi naman siya nakikinig sa atin." Umiiling na sabi nito sa kaniya. "Papabayaan na lang ba natin?" Hindi sigurado na sabi niya. "Oo. Baka mabunga-nga-an niya lang tayo pag sinuway natin siya o pinagalitan." nakangiwi nitong sabi sa kaniya. Napatingin siya relo na nasa bisig niya at nang makita ang oras ay nanlaki ang mga mata niya. "Aalis na ako, Jenny. Baka ma-late ako sa trabaho." Kumaway siya at naglakad na paalis. "Sige. Mag-ingat ka, ha? Pag-umuwi ka mamaya ay dumaan ka sa amin. May konting salo-salo kami dahil kaarawan ng anak kong si Jolly." Bilin nito sa kaniya. Itinaas niya ang kaniyang daliri at nag-like sign siya. "Oo. Pupunta ako." "Huwag mong kalilimutan, ha?" Pahabol na sabi nito. "Tatandan ko 'yan." May tipid na ngiti sa labi ni Myla habang sinasabi iyon. * Pauwi na si Myla nang makasalubong si Martin sa may kalsada. Tumigil siya upang maging maayos ang pag-uusap nila. Maaliwalas ang ngiti sa mukha nito kaya ginantihan niya ang ibinibigay nitong ngiti. "Kumusta ka, Myla." Panimulang bati nito sa kaniya. "Ayos lang ako, Martin. Ikaw ba?" Wika niya habang inaayos ang pagkakasabit ng shoulder bag sa kaniyang balikat. "Mabuti naman ako. Kauuwi mo lang ba galing trabaho? Bakit pala gabi ka na yata." may kuryosidad na tanong nito sa kaniya. "Oo. Nag-over time ako sa trabaho." Sagot niya kaya napatango ang lalaki. "Marami bang customer sa department store?" Hindi mawala wala ang kuryosidad nito. "Kakaunti lang naman pero hindi dumating ang sales lady na kapalitan ko." sagot niya kaya mas nakuha niya ang atensyon ni Martin. "Umabsent ba?" "Oo daw. Nagka-problema sa pamilya." Napailing si Martin sa kaniyang sinabi. "Iyan ang pinaka-mahirap sa lahat. Problema sa pamilya." napapailing na sabi nito. "Oo. Lalo na pagkulang din sa pinansyal." Segunda niya sa sinabi ni Martin. Lalong lalo na silang pamilya. Laging kulang ang perang ipinapadala niya sa kaniyang mga magulang. Tanging sa gamot lang ng Ama niya napupunta ang pera. Ang pambili naman ng mga pagkain sa probinsya ay ang Mama niya ang tumutustos ngunit kulang pa din dahil may nag-aaral pa siyang mga kapatid. Na-side line siya minsan sa paglilinis sa kabilang apartment tuwing day off niya. Malaki itong magbigay. Iniipon niya iyon at ibinibigay sa ina niya para sa pambaon ng mga kapatid. Dalawa pang kapatid niya ang nag-aaral sa elementarya. Sobrang tagal niya pa itong pag-aaralin. "Mukhang pagod na pagod ka. Maghapon ka ba namang nakatayo." Puna nito nang mapansin niyang napahawak siya sa binti niya. Sasang-ayon na sana siya ngunit may biglang lumapit na isang lalaki sa kanila. Tumabi ito sa gilid niya. "Aalis na ba tayo?" Tanong nito sa seryosong tinig kaya napakunot ang noo niya dahil sa pagiging pamilyar ng boses nito. "Ay, saglit!" Pigil ni Martin. "Oo nga pala, Myla. Ipapakilala ko sa'yo ang kaibigan ko." Biglang sabi niya kaya napatingin si Mylaflor sa lalaki. Bahagyang nanlaki ang mga mata niya dahil nakita niya ang mukha noong lalaki. Tiningnan din siya nito. "Pare! Siya nga pala si Mylaflor. Nakatira siya sa apartment na nasa harapan lang natin." nakangiti nitong sabi at itinuro nito ang katapat na apartment. Tumango ang lalaki na para bang sanay nang maging suplado. "Kaibigan ko siya, Myla. Taga-Manila siya at pumunta lang siya dito para magbakasyon." Pagpapatuloy ni Martin. Isang tango ang ibinigay niya sa lalaki. Inilahad naman ng kaibigan ni Martin ang kamay nito para sa kaniya. "Nice to meet you, Myla." Baritono ang boses nito. "Kinagagalak din kitang makilala." Sabi niya habang tinatanggap ang kamay ng lalaki. "Ang liit ng mundo." Biglang sabi ni Mylaflor. 'Tanda nga ba siya nito?' mahinang sabi ng isang bahagi ng utak niya. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Martin. "Parang siya yata yung customer ko kahapon." Hindi maiwasang mamangha ni Mylaflor dahil kakaiba nga talagang maglaro ang tadhana. Minsan lang magkatagpo ang mga estranghero ngunit heto sila at nagkita ulit. Medyo may kalayuan din ang pinagtatrabahuhan niyang Mall kaya nakakabigla na dito pa titira ang lalaki. "Ikaw yung lalaking bumili kahapon ng sapatos, hindi ba?" Direkta niya nang itanong sa lalaki. "Oo. Ikaw yung sales lady na nag-asikaso sa akin kahapon." Anito sa seryosong tinig. "Akalain mo nga naman at magkakilala na pala kayo. Ang liit nga talaga ng mundo." Biglang sabat ni Martin sa usapan ng dalawa. Nag-iwas nang tingin ang dalawa sa isa't isa. Hindi napansin na nalunod na sa titig sa isa't isa. "Nakalimutan ko pa lang sabihin ang pangalan niya. Ikaw naman, pare! Hindi mo din sinabi ang pangalan mo." Natatawang sabi ni Martin. Doon lang din napagtanto noong babae na hindi pa nga pala nagsasabi ng pangalan ang lalaki. "Tawagin mo na lang siya sa pangalang Re—" pinutol ng lalaki ang sasabihin nito. "R na lang." Tipid na pakilala nito kay Myla. "Huh? Pa-mysterious effect ka pa sa kaniya, pre." Natatawang sabi ni Martin. "Ayos lang. Nice meeting you again, R." May maliit na ngiting sabi niya. "Gusto mo bang sumama sa amin, Myla? Ipapasyal ko si R sa bagong tourist attraction dito." Pagyayaya sa kaniya ni Martin. "Hindi na. Pagod kasi ako at kailangan ko nang magpahinga." Pagtanggi niya. "Ah, sige. May trabaho ka pa nga pala bukas at maaga kang aalis. Next time na lang, ha?" "Oo. Sa next time na lang. Ingat kayo." Sambit niya at kumaway na siya sa dalawang lalaking naglalakad na. "Have a nice sleep." Tipid na sabi ng lalaki bago ito sumunod kay Martin. "Salamat, R." Pagpapasalamat niya at naglakad na din siya paalis. Hindi niya alam kung narinig pa nito ang sinabi niya. Nakaramdam siya ng konting hiya dahil sa nakakahiyang nangyari sa una nilang pagtatagpo. Umiyak siya sa harapan nito. * "Nay, hindi ko po alam kung kailan ako makakauwi." Malungkot na saad niya. Ilang beses niyang sinubukan na magpaalam sa kaniyang supervisor para makapagbakasyon kahit tatlong araw ngunit hindi siya pinayagan nito. Kulang daw ang mga sales lady sa araw na iyon. May ilang tinanggal at ang ilan ay nag-resign na kaya mahihirapan silang mag-hire ng mga bago. Bawal muna na mag-leave ng matagal. "Sayang. Kaarawan sana ng kapatid mo pero hindi mo pala kayang umuwi." Halata sa tinig ng kaniyang ina ang lungkot. Pinagaan niya ang loob niya upang mabura ang lungkot. Ilang taon na siyang hindi nakakauwi at miss na miss niya na ang mga ito. Hindi niya na nasubaybayan na lumaki ang mga kapatid niya. Paniguradong lumalaki na ang mga ito. Ang kaniyang mga magulang naman ay hindi niya na nakikita. Mas nadagdagan pa kaya ang kulubot sa mga mukha ng mga ito? Tumatanda na siya at mas lalong tumatanda naman ang magulang nila. Hangga't maaari ay gusto niyang mapagaan ang buhay nila upang maranasan ng mga magulang niya ang ginhawa sa buhay. "Pakisabi na lang po sa kapatid ko na babawi ako sa susunod na taon. Kung papalarin po akong makakuha ng leave ay agad akong uuwi d'yan sa probinsya. Magugulat na lang kayo at nakauwi na ako." Sambit niya at pagkatapos ay tumawa siya. "Sige. Aasahan namin ang pagbabalik mo. Hindi ka pa naman siguro mag-aasawa, di ba?" pabirong tanong ng kaniyang ina. Umiling siya at tipid na napangiti. "Ang prioridad ko po ang uunahin ko. Kayo po ang priority ko." "Anak, hindi masamang mag-boyfriend." rinig niya ang pagtawa nito mula sa telepono. "Hindi pa po sa ngayon." Sumang-ayon na lang ang kaniyang ina sa kaniyang sinabi. Ilang palitan pa ng mga salita ang nagawa nila ng ina niya bago naputol ang tawag. Ang mabuting buhay para sa pamilya niya ang mas mahalaga kaysa sa paghahanap ng lalaking mamahalin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD