Nasa loob na kami ng Bahay ni Zain ng biglang bumaba sa sasakyan ang mga lasing niyang mga kaibigan at imbes matakot si Zain ay tumawa ito nang tumawa dahil nawala ang kanilang lasing nang pa-ulanan na sila ng bala. Ang pagiwang giwang nilang lakad ay tumuwid at bumilis hanggang sa makapasok na rin sila sa Bahay. "Masaya ba?" tanong ko sa kanila. "Bakit kasi sinama mo kami, Ms. Fiona?" reklamo ni Argie. Inirapan ko lang sila at nagpatuloy na ako sa paghahanap sa taong papatayin ko."Bakit nakasunod kayo sa akin? Gamitin ni'yo mga baril ninyo! Mga Agent's kayo di ba?" gigil na sabi ko sa Tatlo. "Ikaw nga walang Baril eh!" katwiran ni Ven. Sakto naman na may dalawang parating kaya inatake ko sila bigla at tinarakan gamit ng aking katana ang kanilang mga leeg. "I don't need a gun! Tsk!"

