Napatingin Ako kay Ate na abot taenga ang ngiti."Anong mayroon?" Pero imbes na sagutin nito ang aking tanong ay inginuso lang nito sa Zain na nakatayo sa harapan. Napataas naman ang kilay ko ng mag tama ang aming mga mata. Inikot ko ang aking paningin at natawa Ako dahil mas marami pa ang bantay na mga Butlers kumpara sa mga bisita. Actually, wala talagang Bisita dahil ang dumagdag lang naman ay sila Ate at Marcos pati ang mga baliw kong Kaibigan. Naglakad Ako palapit kay Zain at nagulat na lang Ako ng bigla itong lumuhod sa aking harapan. "To My Gorgeous Girlfriend and wife to be, Fiona Ramirez." panimula nito. "Anong wife to be? Paano kapag hindi Ako pumayag, Mister?" kontra ko rito. "Mine naman eh! Kinakabahan na nga Ako, dinagdagan mo pa!" "Gandahan mo para mapasagot mo Ako," n

