Matapos kong asikasuhin ang lahat ng mga dapat kong gawin tulad nga ng pagdodonate ng pera sa iba't-ibang mga bahay ampunan ay napagpasiyahan ko ng umuwi ng hacienda Connor. Yes. Hacienda Connor ang ipapangalan ko sa hacienda para maisunod ko sa pangalan ng nag-iisa kong anak na miss na miss ko na talaga. Sadyang inuna ko muna talaga ang mga dapat kong ayusin ng makatiyak akong wala na akong dapat na balikan pa sa lungsod at hindi na ako aalis sa tabi ng anak ko. Iyon lang naman ang pangarap ko. Ang makasama lang si Connor at magabayan ang kanyang paglaki bagay na hindi ko naranasan sa mga magulang ko na maaga akong iniwan sa ibabaw ng mundo. Lumaki akong mag-isa at nakikipaglaban sa hamon ng buhay. Maaga akong namulat sa iba't-ibang uri ng karahasan kaya hindi na bago sa akin kung

