“Salamat, attorney,”, pagpapasalamat ni Carmencita sa matapat na abogado ng kanyang kanyang mga magulang na may ilang dekada rin yata sa kanyang paglilingkod. Inabot ng lalaking abogado ang kamay ni Carmencita para makipag shakehands. “Salamat din sa pagtitiwala, Carmencita. At sobra ang naging paghanga ko sa naging desisyon mo na ito sa buhay,” sagot ng abogado na may malawak na ngiti sa kanyang mukha. “Hindi naman siguro ako mumultuhin ng mga mga umampon sa akin sa ginawa kong ito, attorney,” ani pa ni Carmencita at natawa ang abogado. “Hinding-hindi, Carmencita. Sigurado ako na kung nasaan man ang mag-asawang Chiu ay proud na proud sa ginawa mo. At maiisip pa rin nila na hindi sila nagkamali sa pag-ampon sayo bilang anak nila at maging nag-iisa nilang tagapagmana.” Nangiti si Carm

