Dahil sa malakas ang lahat ng mga ebidensiya na nagpapatunay ng krimen na ginawa ng buong pamilya Cheng ay nahatulan silang apat ng guilty sa mga patong-patong na kaso na isinampa ko laban sa kanila. Masaya ako na nakamit ko ang hustisya para sa mga taong umampon sa akin. Ngunit mas masaya na naaalis ko na sa buhay ko ang taong tulad ni Santi. Buong akala niya ay may mapapala siya kayamanan ng namana ko sa mga umampon sa akin pero wala siyang kaalam-alam na kahit piso ay wala siyang makukuha dahil hindi naman kami kasal. Nagmakaawa pa nga siya sa akin at nangakong magbabago na ngunit kahit anong pagmamakaawa niya ay hinding-hindi ko na siya mapapatawad dahil kahit kailan naman ay hindi ko siya minahal. Sinunod ko lang ang sa palagay ko ay magpapasiya sa mga umampon sa akin. Kung ang

