“Surprise!” Hindi ako nagtataka kung bakit gulat na gulat at nanlaki ang mga mata ni Santi ng mula sa kamatayan ay nakita niya ako ngayon na buhay na buhay sa harap niya. “Oh? Bakit para namang nakakita ka ng multo mahal kong asawa?” tanong ko sa kanya at saka pa ako naglakad papalapit sa kanya. Ilang beses na kumurap-kurap si Santi pero kahit lumuwa pa ang kanyang mga mata ay hindi magbabago ang senaryo na narito na ako sa harap niya. “Hindi mo man lang ba ako yayakapin, Santi? Buhay ako. Buhay na buhay ang asawa mo,” saad ko pa sa lalaking nag-utos para dukutin ako, pahirapan at patayin. “Ikaw bang talaga yan? Dapat patay ka na, eh. Patay ka na,” aniya sa akin. “Santi, hindi ako patay. Buhay ako. Kaya nga nakatayo ako rito sa harap mo at nakakausap mo.” Sagot ko sa kanya at saka ko

