“Ano ba yan, kuya?! Kay laki mong tao ay dinaig mo pa kami. Takot na takot ka sa multo na ikaw namana ang siyang gumawa,” komento ni Ayin ng hindi talaga ako nagpapaiwan ng mag-isa. Ayoko talagang maiwan na walang kasama at baka magpakita na naman sina Carmencita at Desiree. Hindi ko alam kung multo ba talaga ang mga nakita ko o gawa lang ng mga matitinding antibiotic na iniinom ko gawa ng mga sugat ko sa katawan. “Huwag mo ng pagalitan si Kuya, ate. Tayo rin naman, di ba? Nakita rin natin ang multo ni ate Carmencita ng nakawin natin ang mga alahas ng mga magulang niya. Natatakot nga ako na baka isang araw ay ang mag-asawang Chiu naman ang magpakita sa atin o kaya pumasok sa isip natin lalo pa at nawala ang mga alahas na pag-aari nila,” ani ni Crista na natatakot na rin. “Tumahimik nga

