Walang magawa ang pamilya ni Santi ng palayasin ko sa bahay ng mga umampon sa akin. Tama naman ang mga kasambahay ba wala silang kahit na anong nakuha sa mga alahas ni Mama na hindi biro ang halaga ng kahit isang piraso lang. Matapos kong matanggap ang tawag ni attoerney ay kumulo na naman ang dugo ko. May hinala ako noong una ngunit hindi ko lang binigyan pansin. Pero ngayon ay may matibay ng ebidensya. Magbabayad talaga sila. Hindi ko palalampasin ang ginawa nilang lahat. Umuwi muna ako ng bahay kung saan ako naninirahan kasama si Santi para kunin ang ibang mga mahahalagang papeles at pagsama-samahin lahat sa iisang lugar. “Ano yon?” gulat kong tanong ng makarinig ng parang pagputok ng baril sa labas ng bahay. Madali na akong bumaba sa ibaba ng bahay para makauwi na sa mansiyon n

