“Ano bang ginagawa niyo rito?” tanong ko sa nanay ni Santi at sa dalawa niyang kapatid na babae. Ang kakapal talaga ng mga mukha na magpunta sa bahay ng mga umampon sa akin ng wala akong alam. “Carmencita, naalala ko kasi na baka magtagal ka pa sa probinsya kung saan kayo nagtungo ni Connor kaya naisip ko na dito na muna kami ng mga hipag mo para bantayan na rin ang bahay ng mga namapayapa mong mga magulang. Mahirap na at baka pagnakawan ka ng mga katulong na iniwan mo lalo at napakaraming mahahalagang gamit at hindi basta ang halaga.” Sagot ng nanay ni Santi. Umarko ang kilay ko sa narinig. May tiwala ako sa mga kasambahay kaysa sa kanilang mag-iina. “Kaya naman nagdesisyon kayong magtungo rito para magbantay o salakay?” paratang ko. “Aba! Bakit ganyan ka magsalita lalo na sa Mama n

