Chapter 2
May kotse si Anton. Isang Hyundai Sonata na kulay itim. Si Mitch ang umupo sa driver’s seat, si Daisy ang umupo sa backseat.
“saan nyo gustong kumain?” tanong ni Anton habang nagmamaneho.
Si Daisy ang sumagot “kahit saan huwag lang sa carinderia namin.” biro nito.
“Alam mo Anton mukha kang masungit, buti nga nagyaya kang mag dinner ngayon, akala nga ni Mitch kuripot ka.” Biro nito
Bahagyang nahiya si Mitch sa sinabing yon ni Daisy, Palihim nya itong inirapan.
“Si Mitch nga ang mukhang masungit e, pero napakagandang masungit.”
Napatingin si Mitch sa sinabing yon ni Anton, Nang magtama ang mata nila, Nakita nya ang sinserong matang nakatingin sa kanya. No doubt, may gusto talaga sa kanya si Anton.
Sa may Hilaga sila dinala ni Anton, isang Café Restaurant ang napili nito para sa kanilang dinner.
“ano’ng gusto mo Mitch?”
“ahm, ito nalang sigurong white crème fish salad, di kasi ako nag he-heavy meals sa dinner, I’m afraid of getting fat.”
“But you’re not fat, para sakin nga napakapayat mo,”
Biglang nagsalita si Daisy.
“Wag kang mag alala Anton, ako na ang oorder para sa kanya, Nahihiya lang si Mitchelle niyan“ biro nito
Inirapan niya tuloy ulit si Daisy dahil sa mga sinabi niya.
Asikasong-asikaso siya ni Anton habang kumakain. Nahihiya tuloy sya lalo na kapag napapatingin sya sa gawi ni Daisy at napapansin niyang tila nanunukso ang mga tingin nito sa kanya.
Pagkatapos nilang mag dinner ay si Daisy ang unang inihatid ni Anton.
“Thank you sa dinner Anton, pati narin sa paghatid and please take a good care of my bestfriend”.
Marahang tumawa si Anton. “Wala iyon, ako nang bahala kay Mitch, She’s safe with me and I will take care of her, I promised”
Palihim syang kinindatan ni Daisy. Alam nya ngayon na botong boto si Daisy kay Anton, siguro dahil mabait naman talaga si Anton, kanina lang na may nakita syang matanda na nanlilimos sa harap ng café restaurant ay pinagorder nya ng rice meal at binigay sa matanda. Dahil dito ay parang lumalambot na ang puso nya para kay Anton.
“Ilang taon kana ba Mitch?” maya-maya ay narinig nyang tanong ni Anton sa kanya.
“Eighteen.”
“Kailan ang birthday mo?”
“Sa March 18”
“Sabi ni Daisy, napakarami mo daw manliligaw kahit nong highschool palang, Hindi na ko magtataka sa bagay na iyon”
Agad sya namula sa sinabing non ni Anton.
“Mitch, pwede kana bang magkaboyfriend?” sunod na tanong ni Anton.
“Si Daddy ang mag dedecide non, hanggang ngayon kasi, Little baby parin ang turing nya sakin” Sagot nya kay Anton, Gusto niyang magbiro rito para hindi siya gaanong nahihiya sa lalaki.
Nagtaka sya at nagulat nung ihinto bigla ni Anton ang sasakyan sa hindi mataong lugar.
Bigla siyang hinawakan nito sa mukha at mariing ihaplos ang daliri nito sa kanyang pisngi pababa sa kanyang labi.
Nabigla man si Mitch sa ginawa ni Anton pero hindi niya kayang iiwas ang mga mata nito sa mata nya.
“You’re so beautiful Mitchelle, I want to see that face for the rest of my life.” As soon as she heard that coming from Anton, She can’t help herself, she blushed.
She’s expecting to be kissed but he didn’t , Bagkus binitiwan siya nito at inistart ang sasakyan.
She had a little smile after that, she had known now that Anton is really a gentleman.
Nang malapit na sila sa bahay niya ay nakita nyang naghihintay ang Daddy niya at Mommy sa harap ng gate nila.
“Oh my, sina Dad at mom.” Bulong ni Mitch.
“You’re Parents?”
Tumango si Mitch. Pinauwi nya kanina ang family driver nila kaya siguro nagtataka ang parents niya. Pero sinabi naman niya na magdidinner siya sa labas kasama ang bagong kaibigan pati narin si Daisy.
Mabilis na bumaba sa sasakyan si Anton at pinagbuksan siya ng pinto. Pagkaraa’y inalalayan siya nitong bumaba sa kotse at sabay silang lumapit sa parents nya.
“Hi Dad, Mom,” mabilis na humalik si Mitch sa pisngi ng ama’t ina.
“Good evening ho, Sir, Ma’am, pasensya na po at medyo ginabi si Mitch” Magalang na sabi ni Anton pagkatapos magmano sa mag-asawa.
“Good evening din iho, Halika ka at pumasok ka muna” sagot ng maunawaing ama ni Mitch.
Napatingin si Anton kay Mitch.
“oo nga naman Anton” kumbinsi nito sa kanya.
“okay, sige po sir”
“Tara na kayo sa loob”. Ani Mr. Suarez. Inakbayan nya pa si Anton at muling binalingan. “hindi ka naman siguro nagmamadaling umuwi?”
“Hindi naman ho, sir”
“huwag mo na kong tawaging sir, Tito Nolo nalang”.
“At ako naman tita Sonya.” Dagdag ng ina nito.
“Kung iyon po ang nais niyo, Tito Nolo at Tita Sonya” nakangiting sabi ni Anton.
Para naman biglang sumikdo ang puso ni Mitch ng nakita niyang ngumiti ang lalaki.
“Boyfriend mo na ba sya?”
Nagulat siya ng biglang sumulpot ang ina niya sa tabi nya.
“Mommy…”
“Bakit nagulat ka?”
“Bigla ka naman kasi sumusulpot mommy, ang akala ko kasama mo si daddy at Anton sa salas”
Tinulungan siyang mag prepare ng cookies at juice ng kanyang ina.
“Boyfriend mo na ba?” tanong ulit ng kanyang ina.
Kumunot ang noo niya.
“sino ho mommy?”
“Sino pa ba, edi si Anton, sya lang naman ang pumuntang lalaki dito na kasama mo”
Nagblush si Mitch sa tanong ng kanyang ina.
“Mommy, hindi ko po sya boyfriend, kasi po hindi naman siya nanliligaw”.
“Sus, ang bunso kong to, di nanliligaw o hindi pa nanliligaw?” tukso ng kanyang ina.
“mommy naman”
“Paano kong manligaw siya? May pag-asa ba anak?”
“Saka ko nalang po sasagutin ang tanong nyo pag nanligaw siya, If manliligaw po ha”
“Playing safe ha?”
Ngiti lang isinukli ni Mitch sa kanyang ina.
Tig-isa silang mag-ina sa hawak na tray nang magtungo sa salas, Nadatnan nagkakatuwaan sa pagkukuwentuhan ang kanyang ama at si Anton.
“O, uminom muna kayo ng juice” wika ng ina ni Mitch. Una nitong binigyan si Anton bago ang kanyang mister, samantalang si Mitch naman ay inilapag sa mesa ang isang tray na may lamang isang plato ng cookies.
“Ikaw Mitch, Nasaan ang sayo?” may pag aalalang tanong sa kanya ni Anton nang mapansin nitong tatlong baso lang ng juice ang kinuha nilang mag-ina.
“Busog pa ako, baka nakakalimutan mo kaka kain lang natin” sagot ni Mitch sa lalaki. Nang mapatigin siya sa gawi ng Mom at Dad niya ay biglang nag-init ang mukha niya dahil nanunudyo ang tingin at ngiti ng mag-asawa sa anak.
Hindi naman gaanong nagtagal si Anton sa kanila. Halos wala pang isang oras ay nagpaalam na ito sa kanila. Inihatid pa ni Mitch hanggang sa labas ng gate si Anton.
“Thank you for this wonderful evening Mitch, It’s one of my best night, you really made me happy”. Maya-mayang pag papaalam ni Anton.
“Wala yon, pasensya kana kay Dad kanina, medyo kasi madaldal talaga sya” sagot ni Mitch.
Papasok na sana si Mitch sa kanilang gate ng bigla hilain ni Anton ang kanyang kanan kamay.
“Mitch, wait” Hindi inaasahan ni Mitch ang susunod na pangyayari, bigla nalang hinila ni Anton ang kanyang kamay at yinakap sya nito, It’s not a lustful hug, it’s a hug of security, confidence and love, Love? Is Anton was in love with her? Pero hindi, hindi ito nag oopen up if nanliligaw or manliligaw sya. She is not prepared for that moment, pero ayaw yang bumitiw sa yakap na yon, bagkus ay gumanti siya ng yakap sa lalaki, she feel’s different, bumilis ang t***k na kanyang puso, bagay na alam niyang ngayon nya lang naramdaman.
“I wanna stay like this forever Mitch” bulong nito habang unit-unitng bumababa ang mukha nito sa mukha nya. Napapikit siya nang lumapit pang lalo ang mukha nito. Alam niyang hahagkan siya nito. Saglit na sumayad ang labi nito sa labi niya.
Marahas ang naging paghinga ni Anton nang ilayo nito ang mukha sa dalaga. “You need to go inside now Mitch, habang kaya ko pang bitiwan ka.” Tumalima naman si Mitch sa sinabing yon ni Anton. Agad siyang pumasok after that kiss. It was her first kiss, at hindi niya alam kung ano ang mararamdaman nya.