Chapter Three
Wala pang limang minuto na pumasok si Mitch ay bigla tumunog ang cellphone nya, It was Daisy calling. Agad niya itong dinampot upang sagutin. “Hello Mitch! So anong nangyari?” bungad na tanong sa kanya ng bestfriend. “what do you mean na anong nangyari?” balik tanong niya. “Hoy best, wag nga ako ang paglihiman mo ha, so ano did he tell you he loves you?! Did he kissed you?!” sunud-sunod na tanong ni Mitch
“Secret”. Sagot ni Mitch habang may maliit na ngiti sa labi.
Pagkatapos ng gabing iyon ay opisyal ng nanligaw si Anton kay Mitch.
He makes an effort to pick her up at their house then they will go to school together, He will wait for her until her last subject kahit na madalas isang subject lang ang pasok niya for that day. Para na nga rin siyang flower vase dahil halos araw araw eh may natatanggap siyang bulaklak galing sa lalaki.Dumaan ang dalawang buwan ay ganoon ang naging sitwasyon nila, and now finally she decided, sasagutin niya ni si Anton this night.
Pinaghandaan ni Mitch ang gabing iyon, sakto pa at inaya siya ni Anton na magdinner sa isang Garden Restaurant near Makati. Kanina pa siya ikot ng ikot sa kanyang walking closet just to find the perfect outfit for this memorable night. Halos nabaligtad niya na ang lahat ng damit ng nandoon and finally after one century ay nakapamili narin siya. Isang simpleng off-shoulder lavender dress na hanggang tuhod ang napili niya, pinusod niya ang ang kanyang mahabang buhok, Nagpahid din siya ng kaunting make-up sa kanyang mukha. Sinuot niya ang kanyang Figlea white stilletos at set ng white pearl necklace and earrings na regalo pa ng kanyang yumaong lola. Ng tinignan niya ang sarili sa salamin ay nakuntento narin siya sa nakita. Simple pero sopistikada.
7:30 pm ng narinig nyang dumating ang sasakyan ni Anton, 30 minutes earlier kahit na 8:00 pm palang ang usapan nila. Bago sya bumaba sa kanyang silid ay nag spray muna ya ng kanynang Paris Hilton Heiress Perfume. Halos malusaw sya sa tingin sa kanya ni Anton habang pababa sya sa hagdan, halos hindi ito kumukurap sa pagkakatitig sa kanya.
“Breathtaking.” Ang tanging katagang nasambit ni Anton ng makita si Mitch.
Pagdating sa Garden Restaurant ay namangha si Mitch sa nakita. Ang dinadaanan nya ay puno ng rose petals habang ang gilid naman niya ay puno ng nakasinding scented candles, humahalimuyak ang bango ng jasmine at aloe vera na nakapalibot sa kanila. “Wow, it’s so beautiful Anton”. Nasa mata ni Mitch ang labis na kasiyahan. “Not beautiful as you, my princess, May I dance with you?” “sur-e”.
Habang nasa kalagitnaan ng Garden Humigpit lalo ang yakap ni Anton sa kanya. She was very happy, It’s like a fairytale, she was the princess who was dancing with his prince in his beautiful garden. Napakaganda pa ng musikang tumutugtog para sa kanilang dalawa, You’re Beautiful ni James Blunt. Di napigilan ni Mitch na ikapit ang mga kamay sa batok ni Anton. Habang si Anton naman ay mahigpit na nakayakap sa manipis na beywang ni Mitch. “Anton, Thank you, Im really happy now.”saad ng dalaga.
“And I always want you to be happy Mitch, even im not part of it. I Love you so much babe, and to tell you the truth, I’ll be longing to ask you this question since the day I sit beside you.” He looked at her eyes and moved his hands towards to her cheeks.
Mitchelle, Will you be my girlfriend?”. Kahit parang napakabilis ng pangyayari ay sinunod ni Mitch ang kanyang nararamdaman. Alam nyang masaya sya kay Anton at naniniwala sya sasaya sya sa piling nito.
“Yes.. yes Anton”. Unti unti bumaba ang mga labi ni Anton sa kanyang mga labi, They have wonderful make out. And yes, she is the happiest girl tonight.
Limang buwan na ang nakalipas simula ng maging opisyal ng mag siyota si Mitch at Anton, Naging maganda naman ang kanilang pagsasama, Napaka gentleman ni Anton at napaka sweet, hatid sundo pa rin siya nito. Sabay silang maglunch sa school at syempre kasama rin nila palagi ang kanyang bestfriend na si Daisy.
Maging si Daisy ay napagaanang loob din ni Anton, minsan nga’y napagkwentuhan nila ang ideal ni Mitchelle noon, at nalungkot siyang malaman na hindi pala siya yon. Despite of this, napakasaya parin niya at sa huli ay naging sila parin ni Mitchelle. Kahit alam niyang hindi siya ang tipo nito.
Tapos na ang kanilang klase nang nagmamadaling pumunta sa faculty room si Mitch para ihatid ang thesis niya, meron kasing pina re format ang kanilang prof dahil alam nito na maliban sa pagiging cumlaude ay humahabol din sila sa best in thesis para sa kanilang batch.
Dahil sa pagmamadali di niya napansin na may taong pababa sa hagdan.
“Ouch! Ano ba naman-“ bigla siyang natahimik ng malaman kung sino ang kanyang nakabunguan.
“Im sorry Mitch, here let me help you” wika ni James habang tinutulungan siya nitong tumayo. Pinulot nito ang nagkalat niyang gamit.
“No, It’s okay, alam ko naman na di mo sinasadya.” Sagot nito, Pag pala sa malapitan ay lalong gumagwapo tong James na to, sa isip niya.
“Saan ka ba papunta? At mukhang nagmamadali ka” tanong sa kanya ni James.
“Ay! Oo nga pala, hinahabol ko si Prof. Eugene, sige mamaya nalang”
Nagmamadaling sabi niya. “Wait Mitch, dahil inabala kita can I treat you dinner tonight? It’s my birthday today, and I’m inviting you to celebrate with me, Well again im sorry” sinserong sabi ni James.
“Tonight?” sandaling napaisip si Mitch, tama bang pumayag siya sa imbitasyon ni James ngayon alam niyang boyfriend niya si Anton. Pero this is her chance to know him better. Finally, this is James Delos Reyes, her ultimate crush na simula prelims e ang tanging lalaki atang hindi pumapansin sa kanya.
“It’s just a friendly dinner Mitch, don’t worry” dagdag pa nito.
“Okay, see you then and happy birthday, I really need to go.” saad niya.
It was 6:30pm at di parin mapakali si Mitch. Eight in the evening palang ang friendly dinner nila ni James pero bihis na bihis na siya, Hindi niya alam pero super excited siya sa dinner nilang iyon. Alam niyang mali ang gagawin niya lalo na at nagsinungaling siya kay Anton. Inaaya din kasi siya nitong mag dinner ngunit di siya pumayag, Sinabi niya kasi na masama ang pakiramdam niya. She’s wearing a simple yellow dress na may spaghetti strap, she curled her long brown hair and put a svorovsky hairband.
It was already 9:00 in the evening ng may mag ring ng bell sa kanilang bahay, James was an hour late, he was very different kay Anton, Anton always come ahead of time. Di maintindihan ni Mitch kung bakit ang bigat bigat ng loob niya pag naiisip si Anton ngayong makakasama naman niya ang kanyang man of her dreams, her ultimate crush, Ang kanyang forever ideal man.Pagbukas niya ng gate ay nagulat siya ng makita niyang motor pala ang sasakyan ni James, It was a Yamaha FZ model, and now she doesn’t know how to ride on it, Maliban kasi sa naka dress siya ay first time siyang sasakay sa motor.
We still have time, magpalit ka na muna ng damit, mahihirapan kalang sumakay at baka maaksidente pa tayo dahil sa suot mo” malamig ngunit nakangiting sabi ni James. “Pakibilis lang Mitch ah” dagdag pa nito.
She doesn’t mind of James being rude and late, basta para sa kanya He’s still the man of her dreams. Dahil sa nagmamadali na nga si James ay basta nalang nagpalit si Mitch ng kung anong madampot niya. She ended up wearing a maong pants and a baby pink shirt. She tied up her curly hair dahil alam niyang magugulo lang ito dahil sa nakamotor sila.
“Diba tayo maghehelmet?.” May pag-aalalang tanong niya.
“Mitch, hindi na uso yun, you wont feel the excitement kung maghehelmet tayo, just go with the flow and enjoy the ride” sagot niya.
Halos matawag na ni Mitch ang lahat ng santo habang nagbiyabiyahe sila. She feels so scared. Kung maka pagmaneho kasi si James ay parang wala ng bukas, Kung may makatyempo lang sa kanila na traffic enforcer ay siguradong ma-titiketan sila sa dami ng violations nila. They ended up sa isang sikat na Bar para sa mga barkadang mahilig gumimik.
“ahm dito tayo magdidinner?”
“Yep, nandito na rin ang mga kabarkada ko, tayo nalang yung hinihintay”
Di inaasahan ni Mitch ang pangyayari, di siya mahilig sa mga bar pero pinipilit niyang gustuhin ito ngayon dahil kay James. Siya lang mag-isang babae sa grupo nito. Amoy usok na nga siya dahil puro naninigarilyo ang barkada nito. Siya lang ang nag-order ng dinner dahil lahat sila ay alak na ang inaatupag. Halos hindi niya malasahan ang steak and mashed potato inorder niya.Hindi niya tuloy maiwasan na maisip si Anton, Pag ito ang kasama niya ay dinadala siya sa mga espesyal na lugar, Pinagbubukas at pinagsasara siya ng pinto pag sumsakay siya ng kotse, Pagsakay naman ni Anton sa driver seat ay agad siya nitong sinusuotan ng seatbelt bago pa niya suotan ang sarili niya.
At pag tinitignan siya nito, kahit na ano man ang suot niya, may make-up man o wala, His eyes were always sparking, and he always tell her how beautiful she was.Pati si pagkain lang nila ay todo asikaso pa ito sa kanya. Dahil sa pag –iisip hindi napigilan ni Mitch na mapagbuntong-hininga na nakatawag pansin kay James.
“Mitch are you okay?” tanong nito.
“Yup, medyo nahihilo lang ako sa usok”
She feels very disappointed, hindi niya akalain na ganito ang “friendly” date nila ng inakala niyang man of her dreams. Now she just wanna go home. She will call Anton as soon as she arrived.
“James, it’s getting late, baka hanapin ako nina Papa. Mauna na ko and don’t worry magtataxi nalang ako pauwi and again happy birthday!”. Paalam ni Mitch.
“No, wait- ihahatid kita”. saad nya. “Guys I’ll be right back hatid ko lang si Beauty.”
“Siguraduhin mong ihahatid mo sya pare ah, baka ikaliwa mo.” Malisyosong saad ng isa, sabay sabay pa silang nagtilian at nag high five sa sinabing yon ng barkada.
Habang binabagtas nila ang daan pauwi, inihinto ni James ang motor sa park ng kanilang subdivision.
Bigla kumabog ang dibdib ni Mitch, medyo malayo pa kasi ang bahay nila sa park na iyon.
“James, why did you stop here?” curious na tanong niya.
“Kanina kasi, di kita masolo, you know, my friends are all around us, I can’t do this to you.” Pagkasabi non ay bigla syang niyakap ni James at sinungaban ng halik sa kanyang labi.
“James, No! Stop! You’re drunk”. Sigaw nya habang tinutulak at inaalis ang kamay na naka palupot sa kanyang beywang. “Please Stop-please” pagmamakaawa nya.
Parang nahismasan naman si James nang nakita nya ang namumuong luha sa mata ni Mitch.
“Okay, if you don’t like to do it here, meron akong alam na malapit na motel dito, di nga lang kasing ganda ng mga high class hotel na alam mo. You know tipid budget.” Dahil sa sinabing yon ni James ay di napigilan ni Mitch ang kanyang kamay sa pagdapo sa pisngi nito.
“I’m not that kind of woman James! For now papalampasin ko ang ginawa mo, Pero this will be the last time na babastusin mo ko! don’t worry about me, I will take a taxi.” Gigil na sabi ni Mitch.
Maagap naman ang kamay ni James at hinawakan ang kamay ni Mitch.
“Hop in, Malapit na rin naman, Hatid na kita.” pilit ng lalaki.
Para matapos nalang ang gabing iyon ay sumakay na sya sa motor ni James, mahirap na kasi ang taxi sa kanila dahil medyo gabi na at kung maglalakad naman sya ay baka ano pa ang mangyari sa kanya.
Lagpas alos dose na ng hating gabi ng makarating sila sa bahay niya. Pagkababa niya sa motor ay narinig nyang nag ri-ring ang cellphone nya, tumatawag ang mama nya, di niya dapat ito sasagutin ngunit naisip nyang baka nag aalala lang ang kanyang ina sa kanya.
“Hello, Ma.”
“Mitch, nasaan ka naba? Kanina pa tawag ng tawag dito si Anton, sinabi kong di ka pa pweding kausapin dahil sa inuubo ka. Susmaryosep, nakapagsinungaling pa ako dahil sayo”.
“Ma nasa harap napo ako ng bahay, sige po”. Malungkot na sagot niya.
Papasok na sya ng gate ng kintalan sya ng halik sa pisngi ni James, “Goodnight beauty.” Nakangiting saad nito na parang walang nangyari kani kaninalang. Wala ng nagawa si Mitch kundi tanggapin nalang ang halik na yon. Ang mahalaga ay naka uwi nalang siya ng bahay na ligtas at para wag nalang nyang sirain ang birthday ng lalaki.
Habang naglalakad siya patungo sa kanilang gate napansin niya ang isang pamilyar na kotse na naka park sa harap ng kanilang bahay, at sa tabi ng driver seat nakatayo ang isang lalaking kilalang kilala niya.
“Anton.” Bulong nya sa isip nya. Guilt flashed her. Naghihintay ang lalaking alam niyang mahal na mahal siya, hawak hawak ang bouquet of white rose at isang basket ng vitamin c enriched fruits sa pag aakalang may sakit talaga siya.
Lumapit sa kanila si Anton, nagsukatan sila ng tingin ni James, di rin naman nakatiis si James at sya ang unang nagbaba ng tingin at nagpaalam narin ito kay Mitch.
“I gotta go, Thank you for this night.” Pilyong paalam ni James na nagpaparinig na para bang may ginawa sila. Medyo matagal na rin nakaalis na si James ngunit wala pa rin nagsasalita sa kanilang dalawa.
Patlang.
“Look Anton, is not what you think, I’m - im sorry.”
“It’s okay.” Pilit na ngiti nito. “Pasensya na makulit kasi ako, sinabi na ng mama mo na wag nako pumunta pero nagpumilit pa rin ako, nagaalala lang ako noong sinabi mong may sakit ka.” Madiin pero kalmanteng sinabi ni Anton.
She doesn’t know what to answer, nakita niyang nasaktan si Anton sa nakita niya. She is very guilty, how can she do that for a man who loves her so much. Bakit di pa sya nakuntento sa kanya. Hinihintay niyang sumbatan siya ni Anton ngunit hindi ito nangyari.
“Aalis na ako, pumasok kana Mitch, Im sure nag aalala na sina tito”.
Isang tango nalang ang naisagot niya kay Anton.
It’s been two days ng nangyari ang gabing iyon sa kanila, naging normal naman ang relasyon nila pagkatapos non. Walang panunumbat siyang narinig mula kay Anton sa pagkakamali niyang iyon. Napakabait ng lalaki, at madalas nakokonsensya siya na hindi niya man lang ma pantayan ang pagmamahal nito sa kanya. He loves her so much.