Chapter Eleven
Isang buwan narin ang nakaraan mula ng makauwi si Anton at narito ngayon siya sa Palawan para sa World Architecture Designs 2019, Madami siyang mga nakaklase na dumalo sa Events na yon kasama na si James, Ang inaakala niyang asawa ngayon ni Mitch.
“Let’s drink to this ladies and gentleman, for this successful event.”
“Cheers.” Panghuling mensahe ni Mr.Mark Sy, ang guest head speaker ng naturang pagtitipon.
Dahil tinatamad pa si Anton na bumalik sa Villa niya ay naisipan niyang pumasok sa malapit na club para doon siya magpalipas ng oras, Pagpasok niya sa naturang club, isang pareha ng naghahalikang babae at lalake ang pumukaw sa kanyang mata. It was James at isang seksing babae na nakakandong pa dito, Agad niyang sinugod ang pareha at agad pinagsusuntok si James, Si James naman ay hindi agad nakalaban dahil na rin sa pagkabigla.
“Napakawalanghiya mo! Hanggang ngayon ay di kapa nagbabago, Napaka Gago mo!.
“Wait pare, ano bang problema mo?!.” Agad naman napatingin si James sa kanyang kasamang babae. Halatang gulat din ito. “Yun parin bang dating isyu ito? Nung College days pa natin?!. “Pare, matagal ko nang kinalimutan ang nangyari dati sa atin.”
“At pinagtatakpan mo pa ha? Alam mong may asawa’t anak kang naghihintay sa yo, Habang ikaw ay nagloloko lang dito!” hasik niya.
Tumalim ang tingin ng babaeng kasama ni James, isang magkapatid na sampal ang natanggap niya galing dito bago ito tuluyang nagwalk out.
“Honey, wait I can explain this, It’s not true.” Habol ni James
Paalis sana si James para sundan ang babae ngunit pinigilan siya ng kamay ni Anton.
“Hindi pa tayo tapos, at wag na wag mokong tatalikurang hayup ka.”
“Anton, wala akong anak at lalong wala akong asawa.” Gigil na sabi nito sabay pakita pa ng kanyang ring finger.
“Kung anong nangyari sa atin noon, humihingi ako ng tawad, I was young then.”
“Hanggang ngayon ba idedeny mo si Mitch at ang anak niyo?!”
“Whoa – Anak? Asawa? Pare, just to make this clear out, walang nangyari sa min ni Mitch at lalong hindi ko siya asawa, after nag graduate ako sa college, may kanya kanyang buhay na kami, you can search all you want, we’re not even friends, kaya please stop this non sense issue pare. This will be the last na hahayaan kong suntukin mo ako pare, para na rin sa nagawa ko nung college days natin, pero Next time pare I will fight back, We’re Quits now.” Mensahe nito bago tuluyang linisan ang lugar.
Naiwan siyang may mga tanong sa isip at isang hinala ang sunod niyang naramdaman.