Chapter XVII - New Home

727 Words
Chapter Seventeen Para siyang batang kinuskos ang mukha sa dibdib ng lalaki, May ngiti siyang naiwan sa labi. Hindi siya makapaghintay para sa sopresa ni Anton. Sabado, Alas otcho palang ng umaga ay nakagayak na sina Anton, Nina at Mitchelle. Kinakalimutan na ni Anton ang nakitang tagpo sa reception ng kasal, wala naman kasi siyang napansing kakaiba kay Mitchelle, lalo na at napaka sweet na sa kanya ng dalaga. Marahil ay nagkataon lang na nagkita sila. “Baby, sa likod ka na muna ha? Para hindi mangawit si Mommy.” “No sa harap nalang siya Anton, Kakayanin ko naman, Tabi nalang kami.” “Sa likod nalang po ako Mommy, Para hindi ko matamaan ang baby brother ko.” May pang unawang suhestiyon ng anak. Nilagay ni Anton sa passenger seat ang anak, at nilagyan ito ng seatbelt. “Saan ba tayo pupunta Anton?” Curious na tanong niya. “My mom house first, then you will know soon after.” Sagot nito habang nakatingin sa daan na binabaybay nila. “Umuwi dito ang parents mo? Papakilala mo ko sa kanila?” Masayang masaya si Mitch sa narinig. “Ofcourse we’re gonna get married soon even though I feel that you are already my wife.” Kinilig lalo si Mitch sa narinig. Pumasok sila sa isang exclusive subdivision sa may Makati, Huminto sila sa harap ng Two Storey Wood House. Sa labas palang ng bahay ay maganda na ito, lalo na siguro sa loob. Halatang may taste ang nagdesign nito. Magiliw silang sinalubong ng ina ni Anton, The Famous Cynthia Smith. One of her idol sa designing career nito. Kasama nito ang Ama ni Agatha, Si Bob, Makikita sa mukha ng amerikano na mabait ito. “Ma’am, it was a dream come true po at nameet ko kayo sa personal, I am one loyal fan po.” Hahawakan niya sana ang kamay ng Ina nito ngunit Imbis na kunin ang kamay na yon ay niyakap siya nito. “Huwag muna akong tawagin Ma’am, dapat Mommy na. You are already my daughter Mitch, ang dami kong narinig tungkol sayo. At tama nga si Agatha, napakaganda mo nga.” Yakap nito. Napatingin ang ina ni Anton sa buhat na bata ng anak. Parang nahihiya itong nakatingin sa kanya. “So, this is my granddaughter? Dito kiss mo si Lola.” Bumaba si Nina at buong pagmamahal niyang niyakap ang lola nito. Oh, Ang laki laki muna, “Look bob, I’m already a granny.” Wika nito habang nakatingin sa asawa. Niyakap din ni Bob ang mag-ina ni Anton. “Nice meeting you Mitchelle and Baby Nina, Both gorgeous.” Wika sa kanila ni Bob. Habang kumakain sila ng lunch ay napag usapan nila ang nalalapit na kasal, Next week kasi ay nakatakda na silang ikasal. Gusto kasi ni Anton na mapa aga ang kasal nila dahil kailangan niyang bumalik sa Amerika after two weeks para asikasuhin ang naiwan niyang trabaho doon, hanggang 4 months lang kasi ang na grant niyang leave dito sa Pilipinas. Gusto din ng daddy ni Mitch na ikasal ang anak habang hindi ba halata ang pangalawang pagbubuntis nito. Ang ina naman ni Anton ang magdedesign ng wedding gown ni Mitchelle, it was a dream come true to Mitchelle, lalo na at idolo niya talaga ang ina ni Anton. Pagkatapos nilang kumain ay inaya siyang umalis ni Anton, Pansamantala muna nilang iniwan ang anak sa Lolo at Lola nito. Giliw na giliw naman ang dalawang matanda sa anak nila. “Saan ba tayo pupunta Anton?” “Don’t worry, malapit lang dito honey.” Hindi man sila lumabas si exclusive subdivision na iyon. Huminto ito sa ikatlong kanto mula sa bahay ng Parents ni Anton. Isang white house na may malaking garden ang kanilang hinintuan. “Here, for you.” Kasabay nio ang pag abot ni Anton ng isang set ng susi. “What’s this?” curious na tanong niya. “Keys.” “Keys of what?” “Keys of our new Home.” “Really sa atin to? Ang ganda Anton,” Hindi makapaniwala si Mitchelle na sa kanila ang puting mansion na yon. Sa sobrang galak niya ay agad niyang nayakap si Anton, Unti-unti natutupad ang mga pangarap niya para sa kanya at kay Nina. Wala na syang mahihiling pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD