Chapter XVIII - Surprise

776 Words
Chapter Eighteen Mabilis na naidaos ang kanilang mabilisan ngunit magarbong kasalan. Kumpleto ang kanilang pamilya sa pagtitipong iyon. Si Daisy ang naging matron of honor niya, samantalang si Agatha naman ang naging Maid of honor niya. At siyempre si Nina ang kaniyang Little bride, cute na cute ito sa miniture version ng gown niya. She was now officially Mrs. Mitchelle Suarez-Del mundo, Lumipat na sila sa bagong bahay nila at kasama na nila doon si Tiya Lucing niya. Napapadalas ang pagbisita sa kanya ng kaniyang ina dahil na rin sa pagkumusta ng kanyang ikalawang pagbubuntis, mas maselan kasi ito ngayon kesa noong si Nina ang pinagbubuntis niya. “Aalis ka na ba niyan talaga?” Tanong ni Mitch habang niyakap mula sa likuran nito ang nag eempakeng asawa. “Three months lang akong mawawala Love, Kailangan lang ako mag report at baka kasuhan ako ng Kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, babalik ako agad, sisiguraduhin kong nandito na ako bago pa lumabas ang ikalawang anak natin.” Pangako niya. Masakit kay Anton ang malayo sa asawa ngunit tatapusin niya na muna ang lahat ng commitment niya sa abroad at mag reresign na siya pagkatapos para dito na manirahan kasama ng pamilya niyang matagal niyang pinangarap. Isang linggo nang naka alis si Anton, at isang linggo naring masama ang pakiramdam ni Mitch. Kahit panay tawag sa kanya ni Anton, hindi niya sinasabi ang nararamdaman nito. Ayaw niya kasi mag aalala ang asawa nito. “Mommy, wake up, punta tayo toyland please.” Ginising siya ng kanyang naglalambing na anak, lagi lang kasi siyang nasa bahay ngayon at bihira na niyang maipasyal si Nina. Kahit medyo masakit ang ulo niya, Pinilit niyang bumangon upang pag bigyan ang naglalambing na anak. “Okay sige baby, ligo lang si Mommy.” “Wow Mommy! Ang dami new design na Barbie dolls, pwede po ba akong pumili?” “Sure baby, basta dalian mo lang ha? Para makauwi na tayo, medyo nahihilo kasi si Mommy baby e.” “Okay po Mommy, Yey!” Hindi napansin ni Mitch ang taong papalapit sa kanya, it was James. “Mitch!” tawag nito “Oh, hi James, what are you doing here?” “Actually, naka break lang ako, may ginagawa kaming new building sa tabi lang ng mall na to, I saw your familiar face, sabi ko na ikaw yun, so ikaw what are you doing here? Where is Anton?” “Nasa US si Anton, Kailangan niya magreport sa naiwan niyang trabaho don, Kasama ko ang panganay ko, Gusto daw niyang bumili ng mga bagong Barbie dolls, kaya pinagbigyan ko,” Habang kausap niya si James at hinihintay si Nina, Unti-unting lumala ang pagkahilo ni Mitchelle, Huling narinig niya nalang ay ang paulit-ulit na pagtawag ni James ng pangalan niya. Nawalan ng malay-tao si Mitchelle, agad naman siyang nahawakan ni James, agad din nakalapit sa kanya si Nina, Agad siyang binuhat nito at sinama ang anak niya para madala sa pinakamalapit na hospital sa lugar nya yon. It was supposedly a surprise for Mitchelle, bumalik si Anton at hindi na tinapos ang three months clearance nito. Binayaran niya na lang ang previous company niya dahil sa hindi nito tinapos ang kontrata niya. Agad siyang dumiretso sa bahay nila, pero ayon kay Tiya Lucing e umalis daw ang mag-ina niya at pumunta sa malapit na Toy Kingdom sa kanila. Naikot niya na ang tindahan pero hindi niya talaga makita ang kanyang mag-ina. Isang Saleslady na ang lumapit sa kanya upang tanungin kung ano ang hinahanap niya. “Sir? May I help you?” tanong sa kanya ng maliit na saleslady. “Im actually looking for a pregnant woman together with her 8-year-old daughter, sabi kasi sakin ay bibili lang sila ng Barbie Dolls.” Tanong nito. Agad naman naalala ng babae kanina ang nahilong buntis kasama ang anak nito at inakala niyang asawa nito. “Ah sir, yung pung siguro magandang buntis, actually sir umalis na sila, mga dalawang oras napo ang nakakalipas, nahilo kasi bigla yung nanay. Buti nalang nandoon yung poging asawa at agad siyang natulungan.” Pagsasalarawan nito. “Asawa? Can you describe the man?” curious niyang tanong, natatakot siyang tama ang kanyang hinala. “Ah sir, mga kasinglaki niyo po, Gwapo, Maputi, Chinito, pero pogi ka pa naman sir, pero pogi rin kasi yun asawa ni madam.” Walang prenong sagot nito. “First of all - miss, hindi niya asawa yon, dahil ako ang asawa niya, secondly, mas pogi ako doon.” Buwisit na sagot sa kanya ni Anton. Tinalikuran niya agad ang babae pagkasabi ng mga sinabi niya. Ang babae naman ay halatang nabigla sa mga nasabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD