Chapter Nineteen -
“James, salamat ha? Kung wala ka doon baka napano na ako kanina. Buti nalang at nilapitan mu kaming mag-ina.” Nasa may Pizzateria sila ngayon malapit sa Makati Medical Center, sumubo siya ng konti dahil nagugutom na ang baby niya. Pati si Nina ay kumain narin. Halos anim na oras na din naman simula ng huli siyang kumain.
“No worries Mitch, next time magpasama ka na sa iba ha pag lalabas ka.” Payo nito sa kanya.
“Here Nina taste this cheesy bacon slice nila dito, One of my Favorite. Say ‘Ah’ Nina. Utos sa bata ni James.
‘Ahhhh’ habang pinapasubo sa bata ang maliit na slice ng pizza nayun.
Nagkukuyom ang palad ni Anton habang pinapanood sa glass window ng isang Pizzateria ang mag-ina niya, Tama ang hinala niya, Kasama nito si James. Hinanap niyo ito at nagbakasakali siya na sa Makati Med sya nito dinala dahil nandoon din ang doktora niya. Papasok siya ng parking lot ng hospital ng masalubong niya ang kotse ni James na papalabas sa parking lot na iyon. Nakita niyang nasa loob ng kotse ang mag-ina niya nang buksan ni James ang car window at iabot sa parking aide ang parking ticket nila. Agad siyang nag maneobra at sinundan ang kotse lulan ang kanyang mag-ina. Akala niya ay magpapahatid na ito sa bahay pero nakita niya itong huminto sa isang Pizzateria. Magkakasama silang bumaba. They looked like an ideal family. Linamon na ng selos ang utak ni Anton, lalo na at dati pa niyang alam na si James talaga ang ideal man ng kanyang asawa. Sinubukan niyang tawagan ang kanyang misis. Nakitang niyang sinagot ito ni Mitchelle.
“Nasaan kayo?” Anton asks.
“Hi Anton, pauwi na kami nito, bumili lang kami ng Barbie dolls ni Nina.” Masayang sagot nito sa kanya
.
“Okay tawag nalang ako ulit, Pinapatawag ako ng boss ko.” Pagsisnungaling niya.
Nalason na ang pag-iisip ni Anton lalo na at nagsinungaling sakanya si Mitchelle. Naisipan niyang umuwi na muna at baka mapatay niya pa ang Ideal man ng asawa.
“That must be Anton?” tanong sa kanya ni James habang pinupunasan ng tissue ang labi ni Nina na nabigyan ng Pizza Sauce.
“Yes, tinatanong niya if nasaan kami ni Nina.”
“Why did you lie to him? Dapat sinabi mu sa kanya ang nangyari sayo kanina.”
“Baka kasi mag –alala siya, at baka hindi siya makapagconcentrate bigla doon. Ayaw kong makadagdag pa kami sa iniisip niya.” Paliwanang niya.
Pagka uwi ni Anton ay agad siyang humanap ng pruweba na niloloko siya ni Mitchelle. Agad niya rin pinapunta sa palengke at kunwaring may papabili kay Nanay Lucing para umalis muna ang matanda, Baka kasi mapuna nito na mainit ang ulo niya.
Binuksan niya ang mga cabinet nila ni Mitchelle at umaasang may mahanap na ebidensya magpapatunay na niloloko sya ng kabiyak.
Pumukaw sa kanyang tingin ang isang panlalaking panyong may initial na J.D. Hindi sa kanya ang panyong iyon.
“J.D. James Delos Reyes.” Habang galit na linamutak ang hawak na panyo.
Nang may marinig siyang tunog ng kotse ay agad siyang lumabas. Nakita niya ang kanyang mag-ina kausap ang inakalang kabit nito.